DUX ILANG minuto na rin ang lumipas matapos akong matukso na halikan ang girlfriend ko. Pero wala pa ni isa sa amin ang nagtangka man na magsalita. Nagpapakiramdaman pa lang kami. Naghihintay kami pareho ng kilos ng isa’t isa. Tila walang gustong magbasag ng nakakailang na katahimikan. Kung bakit kasi pumayag pa ako na pumasok siya rito. Alam ko naman sa sarili ko na mahina ako pagdating kay Blessy. Nakatiis lang ako ng three years na wala pa ring nangyayari sa amin, kahit hawak sa mas maselang parte pa ng kaniyang katawan ay never ko pang nagawa. Kaya nga bilib na bilib siya sa’kin dahil ang lakas daw ng self-control ko. Minsan, binibigyan pa niya ako ng ‘reward’. Katulad na lang ng hinahayaan niya ako na hawakan ang dibdib niya kapag nakikita o nararamdaman niya siguro na nahihirapan n