BLESSY MATULING lumipas ang mga araw. Pati ang mga buwan ay mabilis na dumaan. Halos hindi ko namalayan na mag-iisang taon na rin simula nang maka-graduate ako. Nakapag-take na rin ako ng LET or Licensure Examinations for Teachers. At ngayong araw ang inaasahan naming resulta. I admit na kabado ako. Pero nakahanda naman akong tanggapin ano man ang kinalabasan ng exam ko. Nakahanda naman ako na magtiyaga pa rin sa pag-review at pag-take uli. Kahit sa pagpapa-ranking para makakuha ng school na pagtuturuan ko, sakali mang palarin ako ngayong araw, ready na rin ako. Although, marami ang nagsasabi sa akin na hindi raw gano’n kadali ang makapasok bilang isang guro. Kailangan mo raw lumusot sa butas ng karayom bago ka makapasok. Pero nakahanda na rin ako. Kahit gaano pa karami ang mga kakila