BLESSY KUSANG tumugon ang mga labi ko nang halikan ako ni Dux dahil sa labis na pangungulila ko sa kaniya. He kissed me with so much intensity. Damang-dama ko ang matinding pangungulila rin niya sa mga labi ko. At sa isang iglap lang ay naramdaman ko na lang nakapatong na siya sa aking ibabaw. Sabik na sabik ko siyang tinanggap. Ikinawit ko ang aking mga kamay sa batok niya at inilapit pa siya lalo sa akin. Napaungol ako nang mas magdikit pa ang aming mga katawan. “Ah, baby,” paanas niyang wika sa pagitan ng pagsipsip sa ibabang labi ko. Masuyo niya akong niyakap, dahilan para lalong bumilis ang kabog ng puso ko. “I miss you so much.” He embraced me softly like I am fragile and breakable. Bahagya siyang lumayo sa’kin. Pero alam ko na sapat lang para magkaroon ng distansiya ang mga labi