BLESSY HINDI ko alam ang dapat na maramdaman ko habang nakadapa ako sa ibabaw ni Kuya Dux. Nakarating naman kami dito sa kama pagkatapos naming manggaling sa shower room. Muntik na sanang may mangyari na pagniniig. Pero naalala niya na wala nga pala siyang dalang cond*m. “Disappointed ka ba?” mahinang tanong ni Kuya Dux habang nakayakap siya sa akin. Pareho kaming walang saplot pero natatakpan naman ng comforter ang aming mga katawan. Kasama ba iyon sa nararamdaman ko? tanong ko sa isipan ko. Ang malinaw lang kasi sa’kin ngayon, masaya na nahihiya ako. Masaya dahil sa mga nangyari sa amin kanina, ramdam na ramdam ko kung gaano katotoo ang pagmamahal ni Kuya Dux sa akin. Kahit gano’n ang mga ginawa niya sa katawan ko, never kong naramdaman na nabastos ako. Hindi niya hinayaan na manlii