"Ahm, Franco, you don't have to do that. Hindi ako maliligaw papuntang classroom ko, it's part of my everyday life, for your information." Nagtataka niyang tiningnan ang lalaki. Ngumisi lang naman ito at makahulugan na sumulyap kay Charlie. "Maybe, but I have a tasks to do. And to complete it today, here I am now... babe," ang pagtawag nito sa kanya ng babe ay parang panunukso lang naman nito sa kanya. Nagkatinginan sila ni Charlie, napangiti lang ito sa kanya na parang naaaliw kay Franco. Nang pandilatan niya ng mga mata niya ito ay napilitan naman itong sumeryoso at ikinibit ang mga balikat nito. "Tasks? Is this some kind of joke, Franco? Kung joke man 'yan ay hindi ka nakakatuwa." Inirapan niya si Franco. "Basta, may mga tasks ako sa buhay na hindi ko dapat sabihin sa kahit kanino,