Simula noon ay palagi na siyang kinakausap ni Alvin sa napakagalang na paraan. Unti-unti ay napapatawad na rin naman niya ang kanyang kaklase dahil nakikita naman niyang sincere ito sa ipinapakita nitong kabaitan sa kanya. Sa tingin niya ay medyo palagay na rin naman ang loob ng mga kaibigan niya kay Alvin dahil sumasabay na rin ito sa kanila, kahit noong una ay sobrang disgusto rito ang mga kaibigan niya. Pinalaki naman kasi siya nang maayos ng mga magulang niya, palaging ipinaalala ng ina niya na dapat siyang mapagkumbaba sa kanyang kapwa. Hindi rin siya nagtatanim ng galit sa isang tao kapag nakikita niyang deserve naman itong patawarin. Marahil ay lumaki siya sa isang buo at puno ng pagmamahal na pamilya, kung kaya't mapagpatawad ang kanyang puso. "Ako na ang magdadala ng mga libro