"May sasabihin ka sa kanya?" pasigaw nitong tanong kay Alvin. It is clear that the intensity of his anger has not yet disappeared. "I still want to talk to her. Just let go of me!" asik ni Alvin. "No way! Babaliin ko ang mga buto sa katawan mo kapag ginawa mo ang sinasabi mong 'yan!" sigaw ni Alexander. Pinipigilan lang marahil nito ang sarili nitong saktan pa si Alvin dahil pinipigilan niya ito. "Gawin mo at nang malaman mo ang kalalagyan mo!" matapang pa rin na sagot ni Alvin kahit na namimilipit na ito sa higpit ng pagkakahawak dito ni Xander. "Ipinagyayabang mo sa akin na isa kang anak ng Gobernador? Sa tingin mo ba ay matatakot mo ako sa pamamagitan ng tatay mo?" nasusuya na dinuro pa ni Alexander ang lalaki. "Pagbabayaran mo ang ginawa mong ito sa 'kin!" "Kailan? I'm willing t