Chapter 34

1145 Words

Habang patuloy sa pagkukwento si Kobie ay may bumabagabag sa isipan ko tungkol sa dati niyang nobya. Gusto kong pigilan ang sarili kong magtanong dahil alam kong hindi na dapat. Wala akong karapatan na magtanong dahil bayad ako. Kaya lang ay hindi ko natiis na itanong sa kaniya dahil nag-aalala ako na baka nabibigla lang siya at magpapadalos-dalos ng desisyon. Baka kapag nasa sitwasyon na kami ay mukha akong katawa-tawa dahil mapagtanto niya na hindi niya pala kaya. Kung ang girlfriend niya nga na may nararamdaman siyang espisyal ay hindi niya nagawang galawin, ako pa kaya na kaibigan niya lang at hindi na rin birhin. "Kung ganoon ay may girlfriend ka na pala dati! Bakit 'di mo ba 'yon minahal ng totoo at bigla ka na lang nakipaghiwalay?" wala sa sarili kong tanong habang nakangi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD