Sa bawat araw na nagdaan ay mas lalo ko lang hinahanap ang presensiya ni Nena. Kapag hindi ko siya nakikita ay lagi ko siyang namimis na para bang mababaliw ako kapag hindi ko siya napupuntahan sa club na pinagtatrabahuan niya. Hindi ako mapakali sa tuwing hindi ko siya napagmamasdan at ang gusto ko lang ay makasama ko siya palagi. Habang papunta ako sa building nila ay may napansin akong babaeng para bang umiiyak. "Si Nena ba 'yon?" tanong ko sa aking sarili. Ang kaniyang daliri ay malapit sa kaniyang mga mata at kung hindi nga ako nagkakamali ay mayroon nga itong problema. Nagsimula na siyang maglakad sa pedestrian lane patungo sa kabilang kalsada nang bumisina ako sa kaniya. Napalundag siya sa gulat at siguro nga ay napakalalim ng iniisip niya. "Hoy!" Bulyaw niya sa akin