Chapter 75

1250 Words

Nang makarating na kami sa restaurant ay ginawa na naman niya ulit akong reyna. Alagang-alaga niya ako at halos hindi na nga niya maasikaso ang sarili niya dahil sa akin. Mula sa pagbaba ng kotse hanggang sa pagpasok sa loob ay hindi niya ako pinabayaan. Mukhang nawala na ang inis niya dahil sa makeup ko. Wala na rin naman siyang nagawa dahil hindi ko iyon binura kahit na alam ko naman na ang gusto niya lang ay burahin ko ang mga nilagay ko sa aking mukha. "Kob, hindi mo kailangang gawin 'to sa akin," saway ko sa kaniya matapos niyang hilahin ang silya para sa akin. Gusto ko rin naman na asikasuhin niya ang sarili niya. Ako na nga ang nag-request na kumain kami tapos ako pa rin itong inaalagaan niya. "Umupo ka na kaya at ako na muna ang bahala sa 'yo." "Ako na." Pagpupumil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD