Nang makababa na ako sa building kung nasaan ang condo ni Kobie ay nagpara kaagad ako ng taxi. Kinaway-kaway ko ang kamay ko at nagpapasalamat ako dahil may bakanteng sasakyan na dumating. Kaagad akong umupo sa likod at sinabi ang destinasyon ko sa driver. Hindi na masyadong magulo sa daan kaya mabilis lang akong nakarating sa club. Habang papunta ako sa gawi ni Axel ay sinalubong naman ako ni Jomar. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa lalaking nakita ko sa harap ko ngayon. Pati ba naman siya ay alam na rin na rito ako nagtatrabaho. "Jomar... ano'ng ginagawa mo rito?" hindi makapaniwala kong tanong sa ex-boyfriend ko na ayaw ko nang makita pa. Humakbang siya papalapit sa akin at isang dipa na lang yata ang layo namin sa isa't isa. Tiningnan niya ang buong paligid at mukhang n