Mabilis akong napakurap-kurap ng aking mga mata, tila nabingi na sa inamin niya. Hindi ko maiwasang gapangan ng inggit, inggit sa kanya na may kalayaang hayagang aminin ang nararamdaman nang tahasan dito nang walang sinuman o kapatid na aalalahanin kung ano ang magiging reaction sa kanyang naging pag-amin. Marahil nga ay higit siyang matapang keysa sa akin, marahil nga ay mas may karapatan siyang magkaroon ng gusto kay Winter nang dahil wala siyang takot sa sasabihin ng ibang taong makakaalam nito. Hindi siya takot na mahusgahan. Hindi ko kagayang duwag. Hilaw na akong ngumiti sa kanya, pilit na ipinapakitang ayos lang sa akin ang mga inamin niya at hindi ako doon apektado. At kahit na anong pagwawaksi ang gawin ko sa aking isipan ang inggit ay nanunuot pa rin ngayon sa aking kalamnan