Chapter 23

2412 Words

Mabilis na naburo ang aking mga mata kay Ate nang dahil sa kanyang sinabi. Bigla na lang akong naging kuryuso kung gaano kapayat ni Winter ngayon. Hindi ko na kasi siya madalas na makita sa labas ng school bago pa ako pumasok ng aming campus. Umiling ako, muling ibinaling ang aking mga mata sa aking pinagkakaabalahan doon.   “Bakit hindi? Himala yatang hindi ka na nagtatanong ng tungkol sa kanya ngayon?”   Mabilis ko ng sininop ang aking mga gamit na nakakalat sa center table namin sa sala at tumayo na ako doon. Ayokong marinig ang mga sasabihin niya tungkol kay Winter. Tinalikuran ko na siya at humakbang na palayo sa kanya doon. Nakabihis na siya at hinihintay na lang na bumaba si Mommy at Daddy upang tuluyang makaalis na sila.   “Summer, saan ka pupunta?”   Bahagya akong natigil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD