Hindi na ako makaimik doon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Ate. Aaminin ko ba ang mga nangyari o sasarilinin ko na lang ang napag-usapan namin ni Winter kanina doon sa dilim? Ilang ulit na ibinuka ko ang aking bibig ngunit hindi ko mapilit ang aking sariling magsalita. Sa bandang huli ay mas pinili ko na lang ang magsawalang-kibo sa kanyang mga katanungan. Sa aking pananaw ay mas makakabuti iyon sa aming lahat at upang hindi na rin lumala ang sitwasyon. Sigurado akong hindi na rin gugustuhin pa ni Winter na malaman ng future wife niya na minsan sa kanyang buhay ay umamin siyang gusto niya ang kapatid nito. Baka ikagalit lang din iyon ni Ate Autumn, kahit na alam kong mas matutuwa ito. “Pag-resume ng pasukan ay makipagbati ka sa kanya, magkaibigan kayo at ikaw ang mayroong pag