Maxine was amazed as she looked up at the tall and large mansion of the Castellanos. This was the first day of her tenure as a maid in the mansion where her father worked as a gardener. Pagpasok pa lamang niya ng gate ay bumungad sa kanya ang babaeng may kaedaran na, Si Manang Isabella o mas kilala sa tawag na Manang Belia.
"Magandang araw po" sabay malapad na ngiti ang pinakawalan ng dalaga.
"Kay gandang bata" puri sa kaniya ni Manang Belia. "Ako nga pala si Belia pero tawagin mo na lang akong Inay Belia, iyon kase ang tawag sa akin ng lahat dito."
"Sige po Inay Belia."
"Halika sa loob, Inaasahan ko talaga ang pagdating mo dahil inihabililin ka sa akin ng Itay mo" ani Manang Belia.
Maxine was silent as she carefully examined each of their paths. At the side of the mansion they passed into the maids' room. "Ito ang magiging silid mo" Turo ni Aling Belia sa isang pintuan. "May makakasama ka sa kwarto, si Ivy ang bunso kong anak. Halika at ipapakilala kita."
Pinakilala sa kaniya si Ivy at labis ang kaniyang pagkagalak sa kabaitan na ipinakita nito. Si Ivy ang naglibot sa kanya sa buong mansyon, hindi pa din niya mapigilan ang pagkamangha dahil sa gara ng mga kagamitin na nasa loob ng mansiyon. Animo'y isa itong palasyo sa kaniyang paningin. Si Ivy din ang nagpaliwanag sa kaniya kung ano ang dapat at hindi niya dapat gawin sa loob ng mansyon.
"May personal Chef ang mga Castellanos kaya hindi natin trabaho ang parteng kusina" ani Ivy. "Ikaw at ako ay nakatoka sa paglilinis" dagdag pa ni Ivy. "Kapag nakakasalubong mo ang mga Castellanos matuto ka na magbigay galang. Kailangan mong yumuko kung gusto mong magtagal dito sa loob" pagpapaalala ni Ivy.
Tumango si Maxine tanda na naiintindihan niya ang gusto nitong sabihin "Klaro na po sa akin ang lahat" sambit ni Maxine.
Bahagyang napabungisngis si Ivy sa pagiging magalang ni Maxine. Umakbay ito kay Maxine at pinanggigilan ang matambok nitong mga pisngi "Magkasing edad lang tayo kaya wag ka mag 'po'. Siya nga pala, yung silid sa dulo ay ang silid ni Señorito. Siya ang nag iisa at tagapagmana ng mga Castellano. Mag-ingat ka sa kaniya, pinaglihi kaya iyon sa amplaya dahil sa kasungitan pero gwapo kaya pwede na." sabay tawa ni Ivy na halatang kinikilig pa.
Bahagya siyang natawa dahil sa itinuaran ni Ivy "Akala ko ba masungit, eh bakit parang kinikilig ka pa?."
"Oo nga, ay! Basta. Osya pupuntahan ko lang si Inay, pwede ka ng magsimula yung mga panglinis naituro ko naman sa iyo diba?."
"Oo sa stockroom" magiliw na sambit ni Maxine. Naiwan si Maxine sa may tapat ng altar at pinagmamsdan ang mga litrato naroroon. Napako ang tingin siya litrato na nawawari niya na iyon ang senorito na sinasabi ni Ivy. Kinuha niya ang picture frame, hindi niya mapigilan na mabighani sa gwapo nitong mukha "Mukha ngang masungit" komento niya.
"Don't touch it."
Nagulat siya ng biglang may nag-salita mula sa kaniyang likuran. Sa gulat niya ay nabitawan niya ang litrato at napasigaw " Ayy letchong palaka!!!."
"Look at what you did!" May pagkasupladong sambit ng binata.
"s**t" napamura siya pagkat nabasag ang frame na hawak hawak niya kanina. Akmang pupulutin niya mga piraso ng bubog ng hawakan siya sa braso ng taong nanggulat sa kaniya.
"You can't just pick it up" anito.
She looked up at the owner of the voice, he was the man in the picture. His face is truly fascinating, especially his sharp eyes looking at her. Maxine could not speak immediately in fascination and her heart was beating faster and faster. She returned to her senses when he suddenly released his grip. She fell to the floor out of balance and complained.
"Ang bigat mo!" sambit nito at walang sabing pumasok sa katabing silid at pabagsak na isinara ang pinto.
She held her chest because of the strange feeling she had felt before, as if there was electricity flowing through her body that came from the young man's hand when he suddenly grabbed her arm earlier.
"Max?! anong nangyare?" ani Denis. Ang kontrabida ng mansyon ayon kay Ivy.
Napakamot siya sa ulo, hindi alam kung anong gagawin "Eh kase si Señorito-"
"Wag mong mabanggit banggit si Señorito! Wag mong ipasa sa iba ang kasalanan mo! Kabago bago mo hindi mo ayusin ang trabaho mo!. Kung ako sayo manghinga ako ng tawad kay señorito ngayon din." may pagkasuplada itong Denis daig pa ang Mayordoma ng mansyon, tunay nga na ito ang kontrabida sa mansyon.
"Tsk!" padabog niyang inilagay sa trash bin ang bubog ng tumalikod si Denis. Marahas siyang napabuntong hininga upang kalmahin ang sarili bago kumatok sa pinto ng Senorito. Tatlong beses siyang kumatok bago bumukas ang pinto. Señorito had a poker face when he opened the door, so Maxine couldn't speak. She swallowed hard at the tension in her chest. "Ahm, sorry-"
"You are bothering me!" supladong sambit ng binata pagkatapos ay pinagbagsakan ng pinto ang dalaga. Naiwang nakatulala sa gulat si Maxine dahil sa ginawa ng binata "Anong-" bulalas niya. Paalis na siya ng pasilyo ng makita niya si Denis na nakangisi. Pinagtaasan niya ito ng isang kilay saka nilagpasan. Alam niya na pakana lang iyon ni Denis para magmukha siyang kahiya-hiya. Sa tuwing sumasagi sa isipan niya ang nangyare kanina ay kumukulo ang dugo niya. "Kainis!" mahina niyang sambit saka pinagpatuloy ang pagwawalis.
"Oh, anong nangyare sayo bakit ganyan ang itsura mo?" tanong ni Ivy na kakauwi lang kasama ni Inay Belia galing sa palengke.
"Wala, ayos lang ako" sambit saka nginitian ang mag-ina.
"Sigurado ka?" tanong naman ni Ginang.
"Opo Inay, Tulungan ko na ho kayo" aniya, agad kinuha ni Maxine ang dala-dalang eco bag ni Inay Belia saka hinili si Ivy papunta sa kusina.
"May problema ba?" Kunot noong tanong ni Ivy. Kinwento ni Maxine ang nangyare kani-kanina lang. Makikita agad sa mukha ni Ivy ang inis at katulad niya ay hindi din maipinta ang mukha. "Yang si Denis, may sakit yan sa utak kaya huwag mo na lang pansinin. Feeling niya, siya ang boss pero pare-pareho naman tayong mga katulong lang kaya kapag sumosobra na siya, huwag kang papaapi... Lumaban ka ha?" ani Ivy kay Maxine.
"Salamat ha-" hindi mapigilang sambit ni Maxine na may galak.
"Ano ka ba, tayo tayo lang din ang magtulungan kaya sagot kita-" pagmamalaking sambit ni Ivy.
Bago matulog ay tinawagan niya muna ang kaniyang ama upang kamustahin ito. Masama kase ang pakiramdam ng kaniyang ama bago niya lisanin ang kanilang tahanan. Hindi talaga ito sang-ayon sa desisyon niya na pamamasukan bilang katulong, siya lang talaga ang mapilit.
"Ayos naman ako anak, bumuti ang pakiramdam ko nung iminom ako ng herbal. Ikaw anak? Kumusta ang unang araw mo?" Tanong ng kaniyang ama.
"Ayos lang po itay, Mababait po sila sa akin dito lalo na po si Inay Belia at Ivy" masaya niyang sambit.
"Mabuti kung ganon, Pasensya ka na anak ha. Kinailangan mo pa gawin iyan. Alam ko naman na ako ang inaalala mo. Hayaan mo kapag gumaling ako makakapag-aral ka ulit. Pagiipunan ni Itay ang tuition mo-"
"Ayos lang Tay, Mas ayos na po ako sa ganito. Mabuti na po ito para matulungan ko kayo ni Ate Lucille" ani Maxine.
"Kung nabubuhay lang ang Inay mo, sigurado ako na proud iyon sayo dahil napakabuti mong anak." Natahimik ang kaniyang ama at napabuntong hininga bago magsalitang muli "Namimiss ko tuloy ang Nanay mo" may lungkot na sambit ng kaniyang ama.
"Ako rin ho, miss na miss ko na si Inay... Sige na po Tay magpahinga na po kayo. Mag-ingat po kayo palagi" nang makapagpaalam si Maxine ay agad niyang pinutol ang tawag at malalim na napabuntong hininga.
Nakaramdam siya ng uhaw kaya't lumabas siya upang kumuha ng maiinom. Pagkarating niya sa kusina ay napatalon siya sa gulat ng may lalake ng bumungad sa kaniya "Sus maryosep ginoo ko!."
"You again!" Malamig na sambit ng binata.
"Señorito?!, Nakakagulat naman kayo". Her heart was beating faster again, so she immediately fetched water, the first reason why she went out. When she noticed señorito's deep sigh she approached him.
"Hating gabi na po, bakit gising pa kayo?" Tanong ni Maxine sa binata ngunit hindi man lang siya nito pinagtuunan bg atensyon. Nakaupo ang binata sa bar counter at umiinom ng alak. Lumapit siya dito at inabutan ng tubig.
"May problema po ba?. Gabing gabi na umiinom ka pa-"
Tinabig nito ang kamay ng dalaga hanggang sa matapon ang tubig na ibinibigay nito. "It's none of your god-damned business."
Imbis na maiinis si Maxine ay napabuntong hininga na lamang ito. Walang takot na umupo ang dalaga sa stool bar paharap sa binata. Ininom ni Maxine ang natirang tubig sa baso saka nagsalin ng alak "Mas magandang uminom kapag may kasama para hindi ka nag-iisa."
"You know how weird you are?! Ilang beses na kitang sinungitan maghapon pero lapit ka pa din ng lapit. Don't you get it? I don't like you!" anito.
"Alam ko, at wala akong pakialam kahit sungitan mo ako araw-araw. Masasanay din ako" sambit ni Maxine sabay higop ng alak kahit pa hindi siya sanay uminom.
Kapwa silang walang imik, nakakabingi din ang katahimikan kaya't sinubukan ni Maxine na magbukas ng paguusapan "Señorito?."
"What?."
"Ano nga palang pangalan mo? Hindi kase nabanggit ni Ivy-"
"Noah, that's my name" tipid na sagot ng binata.
"Ohh, ako nga pala si Maxine. Pero pwede mo akong tawagin na Yaya dahil katulong ako o kaya naman Max. Pwede din Rylee, iyon kase ang second name ko... Tatay ko nga pala si Grego Nieves, isa sa mga hardinero niyo dito sa Mansyon... Kanina lang pala ako nagumpisa-"
"Your voice is so annoying!. You never run out of things to say. " Umiiral na naman ang pagiging suplado nito.
"Relax- Para kang si Sube dun sa teleserye, ang sungit mo eh" dagdag pa ni Maxine.
Hindi matagalan ni Noah ang pagiging madaldal ng dalaga kaya kinuha niya ang alak at iniwan itong mag isa sa kusina "Shocks! She's so annoying" reklamo niya.