Chapter 4

2529 Words
HINDI ko na alam kung gaano katagal na ako nakatulog. Naalimpungatan na lang ako ng makadama ng may sumisiksik sa aking likuran at batok. Idinilat ko ang mga mata ko at kaunting liwanag mula sa lampshade ang aking nabungaran. Iyon lamang ang tanging nakabukas na ilaw. Agad kong naramdaman ang init na nakadikit sa akin. Pagyuko ko ay nakita ko kaagad ang isang malaking kamay na nakapaloob sa kumot at halos nakahawak na sa dibdib ko. Bahagyang nagising ang aking diwa. I’m naked! And he was still with me! The familiar manly scent assaulted my nose and from then, I knew who was hugging me from my back. Tahimik at banayad ang hininga nito kaya batid kong natutulog pa sa likuran ko si Rix. But I was too preoccupied para hindi ialintana ang nadarama. We had s*x! And that was my first. He was..me first! Napapikit ako sandali at parang sumakit pa ang ulo ko sa pinagdaan kani-kanina lamang. It was too intensed. He was so provocative. Hindi niya ako pinapakinggan at patuloy sa pag-angkin sa akin. Pero hindi dapat ganito! He did something bad for Jahcia and Matteo. He was responsible kung bakit hindi pa nagkakasundo ang dalawa. Or worst ay baka may iba pa itong ginawa o plano para sirain ang mag-asawa. I must do something. He’s dangerous. Nilingon ko siya nang bahagya at halos maduling ako ng makita ang mukha niyang payapang natutulog. Nakasiksik ang mukha niya sa batok ko. Tiyak kong mahihirapan akong bumangon nito. I stayed a couple of minutes upang makalabas ng kwartong ito. I roamed the room and I saw luggages on the other side. Walang masyadong ayos at puro raw furnitures lang ang makikita. Lilipat ba siya rito? Para akong tanga na nililibot ng tingin ang kabuuan ng kwarto ng hindi gumagalaw. An hour passed pero nakadantay pa rin siya sa akin. This is too much. Gumagalaw naman siya pero iyon ay para lalo lamang yumakap sa akin. Kaya nang ‘di maglaon ay sinubukan kong igalaw ang legs ko. I gently freed my legs from his. Ngunit ng magtagumpay ay agad din akong napangiwi ng sumikdo ang hapdi. Damn soreness! Pinagpahinga ko ang pang-ibaba ko para lubayan ng kirot. Sinunod ko ang mabigat niyang braso sa aking baywang. Dahan- dahan ko iyong iniangat mula sa akin. Dasal ako ng dasal para hindi ko magising ang demonyo. At kahit kumikirot ang p********e ko ay tatakas pa rin ako. Bumangon ako at tinakpan ang sarili gamit ang kumot. Nilingon ko siya at nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang mahimbing pa rin ang tulog niya. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad kong pinagpupulot ang bra at panty ko at walang hiyang sinuot iyon. I stopped halfway every time the pain seared. At saka magmamadali muli. Ngunit impit akong napamura nang makitang sinira nga pala niya ang suot ko kanina. Napasabunot ako sa sariling buhok at naghanap ng ibang maisusuot. My eyes darted at his polo laying on the floor. Nilingon ko ulit si Rix at binalik sa polo niya. I bit my lower lip and think more. I have no choices right? Ito lang ang option ko. Kaya inilang hakbang ko ang polo niya at pinulot. Dali-dali kong sinuot at nag-iingat makagawa ng tunog. My hands were shaking habang nilulusot ang bawat butones sa hole nito. Umabot ang haba ng damit niya hanggang itaas ng tuhod ko. Pinagpupulot ko pa rin ang sinira niyang damit ko at isinuot ng flat shoes ko. Dumeretso agad ako sa pintuan nang hindi siya nililingon. And thank God, wala rin sa labas si Lex kung kaya tagumpay akong tumatakbo pabalik sa apartment ko. Hingal at kaba ang nararamdaman ko pagpasok at pagkasara ko ng unit. Napasandal ako sa pinto. I tried to calm myself and took a deep breath. But the images from last night came like a lightning. At ang katotohanang suot ko pa ang damit niya ay mas nanonoot pa ang amoy niya sa akin. My heart suddenly squeezed the pain. I closed my eyes and I realized, I was crying. Tinakpan ko ang aking bibig ng may tumakas na hikbi. Sunod-sunod na ang hikbi ang nagawa ko at mas lalo pang lumakas ang iyak ko. Napaupo ako at yumuko. I hate you, Rixor De Silva! I hate you! I hate you! I felt helpless. Pakiramdam ko dinumihan niya ang pagkatao ko. Ang katawan ko. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa tingin ko ay hindi na naaampat ang daloy ng luha ko. Inangat ko ang aking mukha at pinunasan ang mga pisngi. Humigop ako ng hangin at pinalakas ang aking sarili. Hindi dapat sa ganito natatapos ang lahat. Agad akong tumayo at tinakbo ang kwarto ko. Napapangiwi pa rin ako sa bawat kong hakbang pero kailangan kong magmadali. Natatakot akong kapag naabutan pa niya ako dito ay may gawin na naman siya. Naligo ako. Sinabon ko ng maigi ang aking katawan at umasang sa pamamagitan no’n at mawawala ang mga halik, dampi at hawak niya sa akin. Hindi ko maiwasang mapahikbi sa ilalim ng dutsa. Every f*****g seconds his memories came back! And it hurt me more. Binabayo ng itak ang aking dibdib. Minadali kong ilagay sa isang malaking bag ang mga importanteng gamit ko. Hindi ko madadala lahat dahil hindi ko kayang bitbitin. Babalikan ko na lang kapag kaya na. Sinugurado may dala akong cash. Pero ang una kong gagawin at pumunta muna sa malapit na kaibigan. Nang matapos ang lahat, ay mabilis akong tumungo ng pintuan. Ngunit agad ko iyong naisara bigla ng nakita kong nasa labas ng unit si Lex. He standing infront of the door while scanning his IPad. Halos huminto ang paghinga ko sa pagragasa ng aking kaba. Sinisilip ko siya at hinintay ang pagkakataon para makalabas. Pag nakita niya akong paalis ay ibalita pa niya iyon kay Rix. Naalala ko pa ang sinabi niya sa akin. “No one messes with me and get away from it..” Tila bumalik ang pagtindig ng balahibo ko sa naalalang boses ni Rixor. I swallowed. Nakakita ko ng pagkakataon nang sagutin ni Lex ang tawag sa kanyang cellphone at pumasok sa loob ng unit. Naghanda ako. Mabilis akong lumabas ng apartment at patakbong pumunta sa hakdanan pababa. Para na akong hinahabol ng sampung mabangis na aso sa nararamdaman ko. Pero determinado ako! Kailangan kong masabihan si Jahcia. Rixor De Silva is a dangerous man. An evil! Paglabas ko ay agad akong nakakuha ng taxi at sumakay. Sinabi ko ang address ng isa ko pang Pilipinong kaibigan. *** “Lauriel!” Ngintian ko ng walang halong kaba si Kate nang pagbuksan niya ako ng pinto sa apartment niya. “Hi Kate..” pormal kong bati. Nakangiti siya pero sinundan niya ng tingin ang aking mga dalang gamit. She tilted her head and put his hands on his small waist. Ibinaba ko ang aking bag sa tabi ng kama na tutulugan ko pansamantala. Nakahinga ako ng maluwag nang makahanap ako ng matatakbuhan sa kaibigan kong si Kate. Tamang-tama lamang ang laki ng silid. At sa uri ng nararamdaman ko ay kahit yata ano’ng itsura pa ay tatanggapin ko makalayo lang sa demonyong ‘yon. “I don’t mind kung sakaling mag-eextend ka rito. Dalawa lang kami ni Peanne rito at madalas pa iyong wala. Just tell me kung may iba ka pang kailangan,” Humarap ako kay Kate at nginitian siya. “Maraming salamat Kate. Ang laking tulong na nito sa akin.” Tumaas ang gilid ng kanyang labi at humalukipkip sa akin. Her cleavage flaunted dahil sa ginawa. “Talaga bang ayaw mo lang mag-isa sa apartment mo dahil wala si Jahcia o...” “I’m just not used of being alone. N-Nasanay na talaga akong may kasama sa bahay. Saka..ang lungkot din..” I almost stuttered my words. Ngunit kung hindi dala ng pangangailangan ay mahihirapan ako. She pouted her lips and sighed. “Okay. Sabagay, malungkot talagang mag-isa. Iyon ngang kasama ko dito parang wala lang din kapag umuuwi. Emo kasi at hindi ko makuha ang lifestyle niya. Basta kapag nagkita kayo, sabihin mo bago kitang boarder ah? Baki sugurin ako ‘pag nalamang hindi kita sinisingil. Magluluto lang ako.” “Magbabayad na lang ako, Kate!” “’Wag na. Walang problema sa akin kung nandito ka, saka ilang araw lang naman. Parang kapalit na lang ‘to ng itinulong mo sa akin, Lauriel.” nginitian ako ni Kate at kininditan pa bago ako iwan sa pinagamit niyang kwarto. But I will insist the p*****t kapag nagtagal ako rito. Aayusin ko kaagad ang leave ko para makabalik sa Pilipinas at masabihan sina Jahcia. Binuksan ko ang aking bag at hinanap ang phone ko. Umabot ako sa kailaliman ng bag ko pero hindi ko naman makita. Naiwan ko ba sa bahay? Napapikit na lang ako ng marealize. Siguro sa sobrang pagmamadali ko kaya hindi ko naicheck ang gamit ko. Damn! Nahiga muna ako at sinubukang makapagpahinga. Pero ang alaala ng nagdaang gabi ay parang lintang hindi ko makalimutan. Paulit-ulit at sirang plaka ang play sa utak ko. Napabangon ako at niyakap ang aking mga binti. Should I need a session para mawala ang trauma ko? Pumikit ako at kinalma ang sarili. Inalalang, hindi dapat ako pagtabunan ng takot at kaba. Paano ko masasabihan si Jahcia? Paano ko maitatama ang mali? At paano ko maisusuwalat ang kademonyohan ni Rixor De Silva kung tatakutin ko ang sarili? Pagkabirhen ko ang nawala. Ang kinuha sa akinni Rixor. But it doesn’t mean na magmumukmok ako at iiyak dahil do’n. Iibahin ko ang sarili ko. Hindi ako magpapatalo sa kanya. He might be my first man, but it’ll going to be his downfall. Kinatok ako ni Kate at nagpaalam na papasok na sa trabaho niya. She cooked our lunch at sinabihang kumain ako. Lagpas na ng tanghalian ng lumabas ako kwarto. Nakaramdam na ako ng gutom kaya dumeretso na ako ng kusina. Mamaya ay ako naman ang papasok sa trabaho. Pero paano kung abangan ako doon ni Rix? Pinilig ko ang ulo ko. Hindi ako magpapatinag. Pupunta pa rin ako at aayusin ang leave. Kailangan ko ‘yon. Umupo ako sa dining at kinain ang iniluto ni Kate. And for the first time, nasabik ako ng husto sa pagkain. Hindi nga pala ako nakakain kagabi at kaninang umaga. Wala akong naramdamang gutom dahil sa nangyari. I was in the middle of my late lunch nang makarinig ng ilang tunog sa labas ng pinto. Tila may ilang nag-uusap. Binalewala ko na lang pag-uusap at baka mga kapitbahay lang iyon nina Kate. Pinagpatuloy ko ang pagkain ko ngunit napahinto ako sa pagsubo ng kutsara ng marinig ang tunog ng pagbukas ng pinto. Mula sa dining ay kita ko ang front door nila. Kumunot ang aking noo at inaasahang si Kate ang dumating at baka may nakalimutan lang. Pero ang bumalandra sa pinto ang matangkad na babaeng may makapal na violet eyeshadow at black lipstick, ay napahinto na ako ng tuluyan. She looked at me like her privacy was invaded. Tinitigan niya ako at tinaasan ng kilay. Tumayo naman ako at nakaramdam ng hiya dahil baka ito na ang tinutukoy ni Kate na ka-board mate niya na si Peanne. Sinara niya ang pinto ng hindi tinatanggal ang tingin sa akin. “Hi. Are you Kate’s friend? I’m Lauriel..” sabi ko. Huminto siya sa gitna ng sala at inihagis ang bag sa couch. Hinubad din niya ang suot na black leather jacket. She scoffed. “Excuse me? We’re not friends. What are you doing here?” masungit ang pagkakatanong niya. Maganda siya. Iyon nga lang ay nababalutan ang sobrang kapal na makeup ang kanyang mukha. Bumalandra sa akin ang suot niyang halter top na yellow at black miniskirt. Sobrang iksi no’n na halos makita na ang tinatago niya sa katawan. “Kaibigan ako ni Kate..” Sinuyuran niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Bago ka?” Napaawang ang labi ko, biglang kong naalala ang sinabi ni Kate. Ayokong magka-conflict ang samahan nila kaya tumango na lamang ako. Kaya mas lalong napuno ang desisyon kong hindi ako magtatagal dito. Tumungo siya ng kusina at nagsalin ng tubig. Pagkalapag sa mesa at tiningnan niya ang nakahain. Binalingan niya ako. “You’re using my plate! Dammit!” bigla ay tumaas ang boses niya kaya nagitla ako at lumapit sa kinakain. “Sorry. Hindi ko alam. Huhugasan ko na lang..” nagmadali ako sa pagkuha ng ibang plato. Ngayon ko lang napansin na puro pandalawahan lang ang mga kasangkapan nila. Walang kahit na anong extra plate pang bisita. Sinasalin ko ang kinain ko ibang plato ng marinig ko ang pag- ismid niya. “Kate didn’t orient you? Get your own!” sabi niya at sabay layas sa tabi ko. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok iyon sa kanyang kwarto. I sighed. “And I am so lucky to have Jahcia in my apartment.” bulong ko. Pumasok akong muli sa kwarto pagkatapos kong linisin ang pinagkainan ko. I made sure na walang stain ang plato ni Peanne at baka bumuka ng lupa kapag nagalit siya. Nag-aayos ako ng mga gamit ko at document ng marinig ang malakas ng stereo mula sa kabilang silid. Ang solid na bagsak ng drums at electric guitar ang dumadagundong sa dingding. Napapikit na lang ako at pilit na binalewala ang pagwawala ni Peanne. Paano kaya natitiis ‘to ni Kate? The music played longer at kahit nakapaglinis na ako ng kwarto ay nagpapatugtog pa rin siya. Magkano kaya ang binabayad nito sa upa? Maggagabi na nang maisipan kong lumabas para pumunta sa grocery. I will need more personal things like toiletries and extra undies. Bibili na rin ako ng pandagdag sa pagkain para hindi nakakahiya kina Kate. Bibili na rin ako ng plato ko at kutsara. I checked my wallet habang papalabas ng kwarto. Nagulat pa ako ng madatnan si Peanne sa sala at tila busy sa phone niya. Pero bukas pa din ang radyo niya at kumakalampag sa kabahayan. She suddenly looked at me. “Saan ka pupunta?” nagulat pa ako ng tanungin niya. I smiled. “Sa baba may bibilhin lang.” Inirapan niya ako at binalik ang mga mata sa phone niya. Hindi na niya ako pinansin pa kaya nagkibit balikat na lamang ako. Malapit ang grocery store sa building nina Kate kung kaya lakad lang din ang ginawa ko. Nag-withdraw ako ng pera para sa kakailanganin ko. Isang oras ang inabot ko bago nakaalis ng store. Nagmamadali akong umakyat pabalik ng unit ni Kate dahil balak kong magluto. Siguro naman ay kumakain ng Filipino food si Peanne. Pagpihit ko ng pinto ay bahagya akong nagulat dahil madilim sa loob. Umalis pa si Peanne? Yakap-yakapangbrownbagay hinagilap ko ang switch ng ilaw. Nang kumalat ang liwanag ay naestatwa ako ng bumungad sa akin ang lalaking nakaupo sa couch sa sala. Tila nayanig ang mundo ko ng magtamang muli ang aming mga mata. The dark eyes that moved me and scared me. “Rix...” I said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD