CHAPTER NINE

2129 Words
Bellia’s Point Of View Dumaretso ako sa likod ng aming tahanan kung saan mayroong bakanteng lote, maraming puno kaya’t sariwa at nakakalma ang simoy ng hangin doon. Hinawak ko ang aking palda at saka umupo sa tabing duyan. “Lola, can I ask something po? It really bothers me most of the time po kasi, e.” ani ko nang hinawak ko ang kamay niya na ang balat ay kulubot na. Ngumiti siya at saka ipinatong ang kanyang isang kamay sa nakahawak kong kamay sa kanya, “Oo naman, apo. Pero bago ‘yan, namamangha talaga ako sa ‘yo na mas marunong ka pang magsalita ng ingles sa iyong ina, naku, mabuti at ikaw ay nagmana sa iyong ama na ingles nang ingles,” aniya at humagikgik pa. Tinakpan ko ang aking bibig dahil sa hagikgik, “Ikaw naman ‘ho, ‘la. At least, namana ko ang magandang mukha ni mama, hindi po ba?” tanong ko inalis ang kamay ko sa aking bibig at saka inilagay ‘yon sa kanyang braso. Hinigpitan niya ang kanyang pagkakahawak sa aking kamay nang inilapit niya ng kaunti ang tainga niya sa akin. “Ano ang itatanong mo, apo? Kailangan kong lumapit para marinig kita ng maayos.” Humagikgik akong muli at saka umubo upang ayusin ang pananalita ko, “Kasi po, ‘la. 7 years old pa lang po ako ngayon pero kung ano-ano na ang mga sinasabi ni mama sa akin, e, hindi ko naman po alam ‘yong mga pinagsasabi niya. Ano ‘yon, ‘la? ‘Love’ sabi niya po, e. Basta po ganoon.” sabi ko habang hinahaplos ang kanyang kulubot na kamay. Humagikgik siya at saka humarap sa akin. “Alam mo, apo. Huwag mo munang isipin ang mga sinasabi ng anak ko sa ‘yo, wala ka pang alam sa mga bagay na ‘yon. Huwag mo munang isipin, ha? Pero hindi ibig sabihin ng huwag mo munang isipin, e, hindi mo na bibigyan ng pansin. Ang punto ko, e, bigyan mo ng pansin at halaga ang sinasabi ng ‘yong ina, ipasok mo sa isip mo ang mga ‘yon dahil darating ka sa oras na mangangailangan ka ng isang sagot.” Kumunot ang noo ko. “Ano ‘hong isang sagot, ‘la? What do you mean po?” Hinaplos niya ang aking kamay at saka ngumiti, “Darating ka roon, apo. Huwag mong madaliin ang oras at panahon, ang mabuti pa’t maging masaya ka sa kung ano ka at anong meron ka ngayon, apo. Everything are worth and special, like you, apo, you are special and you are worth. Tutungo ka sa oras na ang pag-ibig ang mas pipiliin mo,” aniya at halos hindi ko na makita ang mga mata niya dahil sa kanyang ngiting malapad. “Ano ‘ho ba ang pag-ibig, ‘la? At saka ‘yong ‘love’ na sinasabi ni mama palagi sa akin, gusto ko ‘ho kasing malaman na ‘yon para may maisagot na po ako sa kanya. Lagi po kasi niyang sinasabi na dapat may maisagot na ako sa kanya kapag nagsabi siya ulit ng ganoon, ‘la. Nakakatakot po si mama minsan.” Pangungulit ko sa kanya. Lalo siyang natawa sa sinabi ko. “Naku, apo ko. Nakakatuwa ka talagang bata ka. ‘Oo’ ang isagot mo sa kanya sa susunod na magsasabi siya para naman hindi ka na matakot sa kanya.” Dahan-dahan akong tumango at saka ngumiti, “Sige po, ‘la. May maisasagot na ‘ho ako sa kanya.” ani ko at saka tumayo. Sinundan niya ako ng tingin sa aking pagtayo, “Mag-iingat kayo, apo.” aniya. Hinawak ko ang kanyang dalawang balikat at saka hinalikan siya sa kanyang kabilang pisngi, “Lagi naman po kaming mag-iingat, ‘la. At saka, hindi naman ‘ho kami aalis. Pupunta lang po ako kay Gab, ‘yong kaibigan ko po? ‘Yong iniwanan ng tatay? Kawawa nga po siya, ‘la, e. Best friend ko po siya, parehas po kami ng edad ngayon, favourite color, kaso po matangkad nga lang siya sa akin ng kaunti lang,” sabi ko at saka hinawak ang ulo ko. Tumawa siyang muli, “Ikaw talaga, ang cute cute mo talaga, apo. O’sya, puntahin mo na si Gab, baka hinihintay ka na ng best friend mo.” aniya. Lumapit ako sa kanya at saka ako lumuhod upang yakapin siya. Hinaplos niya ang aking likod at saka hinawak ang aking pisngi, tiningnan ko siya at saka niya ako hinalikan sa noo. “Mahal na mahal ka ng lola, Bellia, apo. Gabayan ka sana ng Panginoon.” Ngumiti ako at saka tumayo habang hawak ang kanyang dalawang kamay sa aking pisngi, “I love you, too, ‘la. Una na po ako, balik po ako mamaya, okaaayy?” sabi ko at saka tumakbo na papalayo sa kanya. Masaya akong lumabas ng aming gate na kulay kape at dumaretso sa bahay ni Gabriel, malapit lang ang bahay nila sa amin, isang bahay lang dadaanan para makatungo rito. Tumambad sa akin ang hindi kalakihang gate nila na kulay asul, kumatok ako rito dahil naka-locked ito. Nakailang beses na katok na ako ay walang Gabriel na lumalabas upang pagbuksan ako ng gate nila. Hinawak ko ang gate sa dalawa kong kamay at saka tumingkad, “Gab! Andito na ‘ko! Tara na, may dala akong maraming candy para may pagkain tayo sa pagpapalipad ng saranggola mamaya sa likod!” sigaw ko sa kinatatayuan ko. Napahawak ako sa braso ko nang makaramdam ako ng init dahil sa nakatirik na araw, umalis ako sa pagkakatingkad ko dahil parang hindi niya naman ako naririnig. Napasimangot ako at umupo’t niyakap ang aking dalawang tuhod. Ramdam ng aking katawan ang init dala sa panahon, nakasuot lang ako ng sandong puti na may disenyong puso sa gitna at maliit na paldang stripe, at rubber shoes na kulay puti. Sa aking pagkakaupo sa harapan ng gate nila ay mayroon akong naramdaman na pumayong sa akin. “Hoy, babae! Ano ginagawa mo? Ang init init dito, oh.” Itiningala ko ang aking sarili sa nagsalita at nakita si Gabriel na mayroong hawak na dalawang saranggola na kulay asul at pula at gawa sa plastic. Ginawa niya itong pamayong sa akin habang nakatayo siya sa gilid ko. “Ano pang ginagawa mo? Tumayo ka na, ang arte mo talaga kahit kailan.” aniya. Tumayo ako at saka pinunas ang magkabila kong pisngi, “Saan ka ba galing?” tanong ko sa kanya. Hinawak ng dalawa niyang kamay ang dala niyang mga saranggola at saka nanliksik ang dalawa niyang mata dahil sa tirik ng araw. “Doon lang, sa harapan ng tindahan ni Aling Esang, eto oh,” pinakita niya sa akin yung dalawang saranggola, “Doon ko ginawa ‘tong mga ‘to, ‘no. Ako lang mag-isang gumawa ng mga ‘to, kahit itanong mo pa kay Aling Esang kasi pinanood niya ‘ko.” Sinubukan kong hawakin yung dala niyang saranggola na kulay asul. “Baka nagpatulong ka sa mga kaaway natin, ah?” Inilayo niya ang saranggolang asul sa kamay ko, “Huwag ‘to, akin ‘to. Itong pula sa ‘yo, at saka bakit ako magpapatulong sa mga kaaway natin, e, kaaway nga natin sila.” aniya at saka inabot sa akin yung pulang saranggola. Lumawak naman ang ngiti ko nang kinuha ko ‘yon. “Hay, salamat naman natapos mo mga ‘to.” Sumama ang tingin niya sa akin, “Ikaw nga itong hindi ako sinamahan. Nanghingi nga lang ako ng mga plastic kay Aling Esang, mabuti nga binigyan niya ako, kung hindi baka bahay-bahayan lang lalaruin natin ngayon,” sabi niya at saka inilagay ang saranggola sa kanyang ulo. “Tara na?” ani ko. Tiningnan niya muna ako mula mukha hanggang paa habang nasa ulo niya ang saranggola’t nanliliksik ang mga mata. “Ano ba ‘yan? Anong suot mong ‘yan? Bakit may puso?” Tiningnan ko ang damit ko at inayos ito, “Ha? Bakit? Anong mali rito? Gusto mo rin ba ng ganito?” pang-aasar ko sa kanya. Tinuro niya yung palda ko, “At saka ‘yan, bakit ang liit? Ang papangit talaga ng mga sinusuot mo kahit kailan,” sabi niya at saka napakamot sa kanyang pisngi dahil sa irita. Tiningnan ko naman ang palda ko. “Lagi kang may problema sa mga sinusuot ko, ano bang mali, ha? Baka ang gusto mo huwag na lang ako magsuot ng damit.” Tumingin naman siya sa sapatos ko at saka kumunot ang noo. “Ayusin mo naman kasi, tingnan mo ‘yang suot mong sapatos, rubber shoes pa na kulay puti. Paano kung may putik doon sa likod ninyo? Edi iiyak ka kasi naputikan ‘yan. Magpapalipad lang tayo ng saranggola nagsuot ka pa ng ganyan.” “Manahimik ka na nga, Gab.” ani ko. Ngumisi siya at saka umayos ng tayo. “Tingnan mo ako, oh. Simple lang, may butas pa itong damit ko na sando rin, tapos short na kita itong tuhod ko at itong tsinelas ko na bigay pa ni tito nung 5 years old pa ako.” Sumama ang tingin ko sa kanya dahil sa kung ano-ano ang sinabi niya. Sinadya kong patamaan ang maselan niyang bahagi gamit ang tuhod ko. Namalipit ito sa sakit kaya’t napaupo ito sa daan. “Anong problema mo? Masakit ‘yon, ah!” Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa magkabila kong balikat at saka tumayo sa kanyang harapan, “Ano? Magsasabi ka pa ba, ha? Ang dami mong sinasabi, bakit hindi na lang tayo magsimulang magpalipad ng mga saranggola natin, ‘di ba? At saka, kung may problema ka ‘man sa palda ko, may suot naman akong panty na barbie!” ani ko. Tumayo ito habang hawak niya ang maselan na bahagi sa kanyang katawan, “Gano’n, ha? Lumipad ka na ngayon sa hangin!” sigaw niya at saka tumakbo para habulin ako. Hindi ko binitawan ang hawak kong saranggola na ginawa niya habang tumatakbo para hindi niya ako mahabol. Nadaanan namin ang bahay na pumapagitan sa amin at nakita kong lumabas ang kotse namin at nakabukas ang malaki naming gate. Tumigil ako sa pagtatakbo at ganoon din siya. Umandar ang kotse namin at tumigil sa gilid ko. Bumukas ang pintuan nito at bumungad sa akin si mama na formal ang suot. Inabot niya sa akin ang kamay niya, “Bellia, anak. Tara na, mahaba-haba ang magiging byahe natin,” aniya at saka sinesenyasan akong pumasok sa kotse. Tiningnan ko si Gabriel na nakatayo ng hindi kalayuan sa akin. Hindi niya hawak ang kanyang saranggola na asul. Lumakas ang hangin at gumulo ang buhok niyang purong itim habang nagtitinginan kaming dalawa. Nakita kong umiling siya ng dahan-dahan habang sinasakmal ang kamay niya. Tumingin ako kay mama. “Saan po, mommy?” “Sa malayo, anak. Nandito na ang mga gamit mo at si binky kaya pumasok ka na baka mahuli tayo sa flight natin.” Ibinaling ko kay Gabriel ang tingin ko at alam kong narinig niya ang sinabi ni mama sa akin. “Babalik ako!” sigaw ko sa kanya at saka walang ibang nagawa kundi pumasok sa kotse namin. Sumara ang pintuan at nagsimulang umandar ang kotse namin. Mabilis akong pumunta sa likod at binuksan ang bintana, tinitigan ko si Gabriel sa mga huling sandali habang sinusundan niya ng tingin ang umaandar na kotse. Nang madaanan namin siya’y inilabas ko ang aking ulo sa bintana at kinawayan siya, “Hindi ko alam ‘to, Gab. Babalik ako, promise.” sabi ko sa mahinang tono habang binibigay sa kanya ang matamis at malapad kong ngiti. “Is she alright? Tell me if she isn’t.” dinig kong boses ni Gabriel. Unti-unting namulat ang dalawa kong mata ngunit hindi pa rin mawawala ang hilo na nararamdaman ko. Nasa clinic pa rin ako, nakahiga sa naaalala kong kama na hinigaan ko kanina. Wala akong maalala kundi ang bigla kong pagbagsak kanina sa kabilang kama. Pinilit kong umupo at isinandal ang aking likod sa pader. Hinawak ko ang aking ulo habang ako’y nakapikit pa. Nakaramdam din ako ng sakit at hapdi sa palad ko. Tiningnan ko ito at nakita kong may bandage ito’t bumakas ang maraming dugo rito at parang hindi tumitigil sa paglabas ng dugo. Inalis ko ang bandage kahit kumikirot ang aking ulo. Nang maalis ko na ang bandage, bumungad sa akin ang malaking hiwa sa palad ko at tama nga ako, hindi ito tumitigil sa paglabas ng dugo. Pinakatitigan ko ito at nakita ang sariwang laman ng aking palad sa loob-loob nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD