JAM POV.
ATTY. John Andrius Malvar, tall and handsome with beautiful seductive eyes. He's 35 years old and lives in Manila. Isa akong bastardo ng aking mahal na Ina, nagmula sa mayamang pamilya at sa kasalukuyan ay isang magaling na lawyer. Kinatatakutan ng aking mga katunggali dahil lahat ng kasong hinawakan ko ay panalo. Kaya’t maraming nagtangka sa buhay ko subalit hindi yon naging hadlang sa aking propesyon.
Hanggang nakilala ko ang isang babae na pumukaw sa aking pihikang puso. Niligawan ko siya at hindi ako nabigo kaya naman mas lalo pa akong nagpursige na marating ang tagumpay. Hanggang dumating ang araw na nagpasya akong lumagay na sa tahimik at itinakda ang aming kasal.
Napakasaya ko ng araw na iyon dahil magkakasama na kami ng babaeng pinakamamahal ko. Subalit ang araw pa lang iyon ay magiging isang bangungut sa aking buhay. Dahil sa mismong gabi ng aming honeymoon ay sabay kaming dinukot ng hindi kilalang kalalakihan.
At wala ng sasakit pa sa pangyayaring ito sa buhay ko. Parang sasabog ang aking dibdib nang masaksihan ng dalawang mata ko na pinagpasapasahan ng limang lalaki ang katawan ng aking asawa. Pakiramdam ko ng mga sandaling yon ay unti-unti akong pinapatay sa sakit na nararamdaman. Dahil wala man lang akong magawa upang iligtas ang aking asawa sa kamay ng mga demonyong lalaki.
Ilang beses kong sinubukan na kumawala mula sa mahigpit na pagkakatali ng aking magkabila kamay. Gano’n din ang mga paa na hindi ko man lang magawang igalaw. Halos malagot na rin ang mga ugat ko sa leeg gawa ng matinding galit. Hanggang naramdaman ko na lang ang pagdaloy ng likido sa aking magkabilang pisngi. Kasabay ng pulang likido na dumadaloy sa bawat parte ng katawan kong dulot ng bagay na tumatama sa parte ng dibdib, braso at hita ko. Hindi ko na nga halos maramdaman ang kirot mula sa mga sugat na gawa ng matigas na bagay. Sapagkat mas’ nangingibabaw ang ginagawang karahasan ng kalalakihan sa kaawa-awa kong asawa. At hindi ko matanggap sa aking sarili ang pakiramdam na isa akong inutil at walang silbi.
Hanggang hindi ko na namamalayan ang paglipas ng bawat sandali. Dahil ang tanging nararamdaman ko ngayon ay matinding galit, pagkamuhi at kawalang pag-asa.
“Ano ka ngayon Attorney JAM, nasaan ang yung tapang. Ang laging sandata mo sa loob ng korte? Hindi ba at ‘di na mabilang sa iyong mga daliri. Kung gaano na karami ang iyong pinakulong? Masyado mong ginalingan ang pagiging abogado mo kaya heto ngayon ang kabayaran. Kaya wala kang dapat na sisihin kundi ang yung sarili. Dahil sayo kaya nangyari sa iyong asawa ang bagay na ito.”
Hindi ako sumagot bagkus ay nanatiling nakayuko. Hanggang naramdaman ko na lamang na wala na ang lahat ng kalalakihan sa loob ng silid na kinaroroonan namin ng aking asawa.
At nang lingunin ko ang aking asawa ay halos madurog na ang puso ko. Ang kaawa-awang kabiyak na ngayon ay halos wala na ring malay.
Few days later…
Matapos ang pangyayaring iyon ay hindi kinaya ng aking kabiyak at nagpakamatay ito. At magmula noon ay nawalan na ako ng ganang humawak pa ng kahit anong kaso. Kaya’t nagpasya na lamang na mag-resign sa law firm company na pinapasukan ko. Upang makapag-focus na rin sa paghahanap ng hustisya.
-
MAKALIPAS ang isang taon, ay isang tawag ang aking natanggap. Mula iyon sa inutusan kong detective. Ayon pa dito ay nakita na nito ang taong matagal ko nang pinaghahanap.
“Boss, confirm nasa Laguna, ang target at good timing dahil may amnesia ang babaeng iyon.”
“Ibigay mo sa akin ang complete details at ako na ang bahala sa kanya.”
“Naipadala ko na sa email mo boss.”
“Sige, salamat.”
Wala akong sinayang na sandali, sakay ng aking kotse ay agad kong pinuntahan ang lugar na kinaroroonan ng pakay. At habang nakahinto sa ‘di kalayuan sa bahay ng babaeng target ay palihim akong nagmamasid sa paligid. Hindi naman ako nainip at natanawan kong lumabas ng bahay ang isang babae. At ayon sa description ay ito ang aking hinihintay. Isang bata ang namataan ko na naglalakad palapit sa aking kinaroroonan at sa itsura nito ay parang batang kalye. Kaya’t agad kong sinuot ang isang mask at tinawag ito.
“Boy, taga rito ka ba?”
“Hindi po, at wala akong permanenteng tirahan.”
“Kailangan mo ng pera ‘di ba?”
“Aba! Syempre naman po, ilang araw na akong kulang sa kain kaya hindi ko iyan tatanggihan.”
“Sa isang kondisyon at pag nagawa mo ay bibigyan kita ng maraming pera.”
“Sigurado ka po ba sa sinasabi mo?”
“Yes, heto tingnan mo ang pera nakikita mo ‘di ba?”
“Ano ba ang ipapagawa mo sa akin bossing, dahil hindi mo naman yan ibibigay sa akin kung wala kang ipag uutos, tama ako?”
“Sumakay ka bilis at sasabihin ko sayo.”
Nang makasakay ang binatilyo ay agad na kinausap niya ito.
“Siguraduhin mong maitusok mo yan sa balat ng babaeng iyon, saka ka bumalik dito at mapupunta sa kamay mo ang perang ito.”
“Sige po madali lang naman pala ang ipapagawa mo bossing.”
Kagaya ng instructions ko ay nag kunwari na may pinupulot ang bata. Naroon ito sa malapit sa bench na inuupuan ng babae. At nang makalingat ang babae ay agad na nilapitan ito at mabilis na nagawa ang aking pinag uutos. Hindi naman nag-react ang babae at hindi nagtagal ay unti-unti itong napahiga sa bench.
“Go!” utos ko sa binatilyo matapos maibigay ang pera dito. At ako ay pinausad ang sasakyan patungo sa babaeng nakahiga. Nang masiguro na walang ibang tao sa paligid ay agad na binuhat ko ito at ipinasok sa hulihang bahagi ng sasakyan. Anim na oras lang ang epekto ng gamot kaya dapat akong makalipad agad gamit ang private chopper ng kaibigan ko.
Dinala ko ang babae sa sikretong bahay ko dito mismo sa isang isla. At agad na pinasok sa loob ng malaking kwarto. Pagkatapos ay iniwan ko na agad siya . Lumabas ng kabahayan at inikot ang palibot kung may malalabasan ang babae sakaling tangkain nitong takasan ako. Matagal kong pinaghandaan ito kaya gano’n kataas ang pader para sa gagawin kong paghihiganti. At ngayon ang simula ng aking plano at sa babaeng ito ko umpisahan. Tingnan ko lang kong anong gagawin ng ama nito. Sakaling hindi na makita ang pinakamamahal na anak.