"Dapat nga mag pasalamat ka sa akin dahil ibinigay ko kay Frank ang katawan ko na wala akong hinihinging kapalit, isang bagay na hindi mo maibigay sa kanya." galit na wika ni Tracey ng puntahan s'ya nito sa coffee prince cafe' after n'yang iwasan na si Tracey ganun din si Frank na s'ya pang galit na galit sa kanya dahil sa pag sama n'ya kay Doel pag-alis ng party. Kung ano-ano pa ang sinumbong nito sa Nanay n'ya pero so far hindi naman s'ya sinita o tinawagan this time ng ina na pinag tataka naman n'ya. Noon naman konting away lang nila ni Frank agad-agad mag tatanong ang ina kung anong ginawa n'ya. Buti na lang hindi na rin nag tanong ang ina dahil baka masabi na n'ya ang totoo rito lalo ng lumaki ang gulo sa pagitan nila ni Frank at Tracy. "So, kasalanan ko pa pala na pinatulan ka ng bo