Gustong matawa ni Doel, habang pinag mamasdan si Winter habang katabi nito ang nobyo, nasa isang party sila ng mga elite society at puro mga rich and famous ang naroon. Kung 'di lang dahil kay Doughlas Almeda hindi s'ya pupunta, may naka pag sabi kasi na nasa bansa na ulit ang matanda at aattend ito ng party. Hindi ugali ng mga Montenegro at Lagdameo na umattend ng mga ganitong party dahil hindi daw nila kailangan makipag sosyalan para manatili sa puwesto. Iyon ang sabi sa kanila ng Lolo Dylan nila, basta magaling ka sa negosyo at marunong ka sa mga tauhan mo at maging sa mga maliliit na tao hindi ka maaalis sa posisyon. Pero dahil kailangan n'ya si Mr. Almeda kaya s'ya nag punta, ngunit hindi n'ya akalain na makikita doon si Winter kasama ng boyfriend nito na inakala n'yang break na ang