RHAIVEN'S POV Nagising ako sa ingay ng aking kapatid. Iginala ko ang aking paningin at naroon sya sa may sofa habang hawak ang kanyang selpon. Malamang ay nanonood na naman sya ng kdrama na kanyang paborito. Napailing ako. Hindi manlang nya naisip na nagpapahinga ako. Ang ingay-ingay nya. Grr! Sa inis ay binato ko ang isang unan na aking nahawakan. Tumama iyon sa bibig nya. Malambot naman 'yung unan na binato ko. Napamura sya't hinarap ako na nakahawak sa kanyang labi na kung saan tumama ang unan. "Aray naman, Kuya, bakit nambabato ka?" Singhal nya sa'kin at akmang ibabato ang unan pero pinagdilatan ko sya. Hindi nya tinuloy bagkus padabog na sumalampak sa kama ko. Sa may bandang kanan sya naupo ng indian seat. "Ang ingay-ingay mo, alam mo ngang nagpapahinga 'yung tao e," singhal ko sa