RHAIVEN'S POV Inis na inis ako sa mga inaasta ni Kenneth. Gusto ko tuloy siyang pagsasapakin hanggang sa mawalan ng malay. Masiyado niya kasing binabakuran si Haila, akala niya tuloy bagay sa kaniya. Tsk! May payakap at halik pa siyang nalalaman. Oo, nainggit ako pero masiyado siyang corny. Siguro, nagdrama na naman siya kay Haila ng dahil sa'kin. Siya yata ang isip-bata at hindi ako. Tsk! Nagsiliguan kaming lahat ng makauwi galing sa kabilang isla. Lahat kami nag-enjoy dahil napakaganda naman talaga ng tanawin do'n. Nawala nga bigla 'yung inis ko sa Kenneth na 'yun. Inalalayan ko rin 'yung kapatid ko na sobrang pasaway. Ignorante kung ilalarawan dahil lahat ng sulok na firstime niya lang nakita ay agad niyang tatanungin sa'kin. Nabored ako kakahintay sa dalawa kong kasama kaya lumabas