RHAIVEN'S POV "Bro, nagawa na namin ang pinag-utos mo," pagbabalita ni Kenneth sa akin nang mapansing kararating nilang tatlo. Tumango na lamang ako bilang pagsagot. May tuwa akong naramdaman ng sa wakas ay naisakatuparan din ang plano ko. Iniiutos kong bugbugin nila ang hayup na Prince na 'yon. Kahit na sinong Kuya ang malalagay sa sitwasyon ko, ganoon din ang gagawin nila. Alam kong hindi sang-ayon si Rhaivee sa desisyon kong ito pero ito ang alam kong tama. Sinamantala nya ang kalasingan ni Rhaivee kagabi. At ang kapatid ko naman hindi manlang nag-isip. Iniwan ko sya sa bahay at hindi na pa nag-abalang gisingin sya dahil mag-aaway lang din kami. Hindi parin humuhupa ang inis na nararamdaman ko. Basta sumapo sa isip ko ang kissmark na nasa leeg ni Rhaivee, kusang kumukulo ang dugo ko s