HAILA'S POV Dumating ang kaarawan ni Maam Rachel. Napakabongga nun at talagang namangha ako ng sobra. Hindi ko kasi akalain na ganoon kagarbo ang kaarawan nya. Ang daming mga ilaw na may iba't ibang kulay at hugis. Nagmistulang palasyo ang buong kabahayan dahil sa mga disenyo nito. Nagkalat na ang mga bisita nya at kung ilalarawan ko ay puro mayayaman. Tulad ng inaasahan may pinagawa si Maam na damit naming mga kasambahay. Sa itsura ko nga hindi masasabing katulong e. May kagandahan rin kasi 'yun at pakiramdam ko prinsesa ako. Nag-ayos naman ako ng konti dahil nakakahiya naman kung dugyutin akong haharap sa mga bisita nila. Mabilis kaming kumilos dahil 'yun ang utos ng aming mga amo. Inasikaso ko rin si Sir na para bang walang balak magbihis kanina. Nanonood lamang kasi ito at mga magu