HAILA'S POV Narito kami sa canteen, kumakain ng lunch. Magkatabi kami ni Kenneth samantalang 'yung tatlo, nagsiksikan sa kabilang upuan. Pinipilit nilang makitabi si Sir sa'min pero sumasama ang kanyang tingin sa mga kasama. Mas mahaba kasi ang upuan na kinaroroonan namin ni Kenneth. Pangdalawahan lang talaga 'yung pinagsisiksikan nila. Ayaw daw nilang tumabi sa:min. Hindi ko alam kung bakit. Mga wirdo sila! Nagtutulakan pa sila na parang bata. Natatawa nalang kami ni Kenneth sa inaakto ng tatlo. Nasa kabilang dulo si Sir at Chris, samantalang swerte si Luis na nasa gitna. Napakamot ng ulo si Kenneth at hindi mapigilan ang matawa. Mukhang alam ko na kasi kung bakit ayaw makitabi ang tatlo sa'min. Supportive pa nga. Psh! Muntik malaglag si Sir sa kinauupuan sa may dulo ng umusog si Chris