RHAIVEN'S POV "Kailan mo ako matatanggap bilang yaya mo Sir?" Hindi ko alam pero kinaya akong patahimikin ng tanong na 'yun ni Haila. Kakaiba sa pandinig at para bang may kirot na dumapo sa dibdib ko. Bakit kailangan mong tanungin ang bagay na 'yan? Hindi ako handang sagutin ang tanong na 'yan. Alam kong masasaktan ko sya kapag nalaman nyang hindi ko sya kayang tanggapin. Oo, hindi ko talaga kaya. Hindi pa kaya ng puso kong tumanggap ng bagong tao na magiging parte ng buhay ko. Alam kong maiintindihan nya ako at the same time masasaktan ko sya. Hindi ko sya sinagot. Nanatili lang ako nakatingin sa kanya ng makahulugan. Wala akong maisagot. Nalipad ang utak ko kung saan at hindi kayang mag-isip ng pwedeng isagot sa kanya. Kita ko sa mata nyang desperada syang malaman lahat mula sa akin.