HAILA'S POV "Hoy, magfocus ka nga dyan sa paghuhugas, mamaya mabasag mo mga 'yan. Kanina ka pa tulala, anong nangyayari sa'yo?" Doon lang ako natauhan ng tapikin ni Manang ang balikat ko. Sa'kin nakatoka ang paghuhugas ngayon. Sinamahan ako ni Manang para daw mabilis. "Manang..ano kasi," nagdadalawang-isip pa ako. Humarap ako sa kanya. Binitawan ko muna ang plato dahil baka mabasag ko pa. Napanguso ako dahil hindi ko alam ang gagawin. "Ano ba kasi 'yun? Problemado ka kanina pa." Bumilis ang t***k ng aking puso. Sa sobrang bilis ay pinagpawisan na ako. Titig na titig sya sa'kin at hinihintay ang susunod kong sasabihin. "Manang, kilala nyo po ba si Kenneth?" Panimula ko. "Oo naman, 'yun bang kaibigan ni Sir Rhaiven? Kilalang-kilala ko silang tatlo, madalas sila rito e, bakit anong gin