HAILA'S POV Abala ako sa paglelecture dahil baka magpa quiz na naman ang teacher namin sa susunod na linggo. Mahirap na kung wala akong mapagrereviewhan. Nahatidan ko na rin si Sir ng gatas nya at gaya ko abala din sya sa pag-aaral. Masipag nga talaga ang isang 'yun. Nakakatuwa lang. Nasa kalagitnaan ako ng paglelecture ng tumunog ang selpon ko. Malamang si Criza 'yan, baka babalitaan na naman nya ako tungkol kay lola. Kinuha ko ang selpon sa may kama ko. 'Yung akala kong si Criza ay ang Kuya ko lang pala. "Kuya?" Kinabahan ako bigla. Naalala ko na si Sir nga pala ang nakasagot ng tawag nya kanina. Chineck ko kaagad kanina kung sino ang tumawag at si kuya 'yun. Bigla akong kinabahan. Ano nalang ang sasabihin kong palusot sa kanya? Jusko! "Dederetsuhin na kita, Lala, sino 'yung lalaking