KENNETH'S POV "Haila, can you go out with me again?" Tanong ko kay Haila ng minsan ay nakisabay na naman kaming kumain sa kanila ni Rhaiven. Hindi ako komportable dahil lagi silang magkatabi sa upuan at sa mismong harapan ko pa. Minsan sinusulyapan ako nina Luis. Sa tingin ko pinapakalma nila ako dahil alam nila ang ibig-sabihin ng mga tingin nilang iyon. Sina Rhaiven at Haila naman ay parang walang pakialam. Kung sabagay, yaya pala sya ng kaibigan ko pero iba ang tumatakbo sa utak ko. Pilit kong iniintindi dahil trabaho nya 'yun. Palihim ko nalang sila na sinusulyapan. Tulad ng napagplanuhan ko, kailangan kong bantayan si Rhaiven. "Sir?" Ani Haila sa katabing lalaking. Sa mga tingin na tinapon nya sa kanyang amo ay nagtatanong kung dapat ba syang sumama sa'kin ulit. Natigil si Rhaive