HAILA'S POV Ilang araw na ang lumipas pagkatapos ng pamamasyal namin ni Sir. Napakasaya noon at talagang nag-enjoy kaming lahat. Malalim na ang gabi ng naisipan naming umuwi dahil nanood pa kami ng performance ng mga komedyante. Mabuti nalang hindi kami napuyat kinaumagahan. Hindi parin mawala sa isip ko ang naging ganap ng gabing iyon. Doon ko lalo naramdaman na seryoso si Kenneth sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil suportado sina Sir sa'kin. Pero parang may kakaiba akong naramdaman na hindi ko maipaliwanag. Nakatitig ako sa teddybear na bigay sa akin ni Sir. Nasa gilid ko iyon at katabi kong matulog. Nakwento ko kay Manang ang lahat ng nangyari. Sinasabi nyang nagkatotoo na ang hiling nya at kung ano man 'yun ay hindi ko na alam. Masyadong malabo para maintindihan