HAILA'S POV Papasok na kami ni Sir ngayon. Medyo late kami ng pasok dahil mamayang 9 palang naman ang unang klase namin. Nakapaglinis pa ako ng kwarto nya. Nagawa ko rin lahat na tapusin ang mga gawain ko. Tulad na ng nakasanayan ko, nagbabaon ako ng makakain. Ayaw man sabihin ni Sir na huwag na akong mag-abalang magbaon kaso hindi ko sya sinusunod. Kung sa kanya kaya nyang gumastos ng malaki, ibahin nya ako. Masarap naman ang mga luto ko imposible naman na hindi nya gusto. "Oh, from now on you'll be using that new phone. 'Yung dati mong selpon itapon mo na," saka sya may inabot sa'kin. Kagagaling nya kasi sa labas na kung saan ay may binili sya at kung hindi ako nagkakamali ay itong selpon iyon. "Hala grabe ka naman sa itatapon Sir,wag naman,pinaghirapang bilhin ng lola ko yun e," depe