CHAPTER THREE
RODRIGO
"MAY mga bagay na hindi na ako naiintindihan sa pagsasama namin, Rose," pagtatapat ko sa kaniya.
Pigilan ko man ang sarili ko wala na akong nagawa pa, kailangan ko rin may makausap at may mapagsabihan ng sama ng loob sa ganoong paraan kahit papano lumuwag-luwag naman ang puso ko.
"Bakit may problema ba?" tanong niya sa akin.
Ramdam ko ang pag-aalala sa boses ni Rose sa akin.
Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ko bago ko sinagot ito.
"Lagi kaming nag-aaway. I mean lagi siyang nakikipag-away sa mga bagay na wala naman katuturan, Rose. Ayaw ko man siyang patulan madalas wala rin akong nagagawa. He kept provoking me!" dugtong ko sa sama ng loob na mayroon ako sa kaniya.
Masama talaga ang loob ko kay Minerva, lalo pa n'ong nalaman ko ang ilang napag-awayan namin ng ilang sunod-sunod na araw na.
"Buntis siya hindi ba? Dahil baka sa hormones niya lang 'yon, intindihin mo na lang, Rodrigo! Actually, ganoon din ako nang buntis ako kay Johan, madalas din akong nagagalit o naiinis--- ang pagkakaiba lang namin ni Minerva ikaw nasa tabi niya ako nag-iisa," sabi nito sa akin.
Nalungkot ako sa sinabi sa akin ni Rose, tama ito! Baka dahil sa pagbubuntis lang ni Minerva kaya ito nagkakaganito. Baka pagkatapos n'on, bumalik na rin sa normal ang lahat at bumalik na ang Minerva na nakilala ko noon.
Iyon na lang ang gusto kong isipin para manatiling maging maayos pa rin sa amin ang lahat-lahat ng babaeng pinakasalan ko.
"Intindihin mo na lang si Minerva, Dok, iyon ang kailangan niya sa mga sandaling 'to! Pagkatiwalaan mo lang ang lahat ng mga pinagsamahan niyong dalawa at naniniwala akong magiging maayos din ang lahat. Magtiwala ka lang siguro," dugtong pa ni Rose.
Siguro nga 'yon na lang ang gagawin ko sa ngayon. Malaking bagay din talaga lalo na kapag may tao kang napagsasabihan ng lahat-lahat--- malaki ang naitutulong ni Rose sa buhay ko.
Hindi lang dahil sa ginagawang pag-alalay nito sa akin sa mga pasyenteng mayroon ako.
"Salamat, Rose.."
"Magtiwala ka lang, Rodrigo. Everything will be alright, pagkatiwalaan niyo ang pagmamahal niyo sa isa't isa," nakangiti nitong sabi sa akin.
RANDAL
MASAKIT ang ulo ko ng muli akong nagising. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga hindi ko pinaniniwalaang nangyari, wala akong maalala. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, malabo sa akin ang lahat.
Nawawala na naman si Gabay.
Paano ko ba ito hahanapin nang hindi ko pa siya kailangang tawagin? O, kung tatawagin ko man siya, paano ko ito gagawin na walang mag-iisip na nasisiraan ako ng bait.
Mukhang mahirap sa akin ang lahat! Bumalik nga ako sa mundong 'to, pero parang nawala naman sa akin ang kalayaan ko.
Kailangan ko pa tuloy maging manghuhula kung ano ba talaga ang sadya ko rito.
"Sa ikalawang pagkakataon nagising ka ulit!" Napalingon ako sa boses ng bata sa tagiliran ko.
"Kanina ka pa ba riyan?" tanong ko sa kaniya. Bakit pag nakikita ko ang batang nakakaramdam ako ng pagkain.
"Hindi ka naman siguro pagkain sa past life mo 'no?" tanong ko sa kaniya nang binaling ko ang tingin ko rito.
"Hindi mo pa nga nalalaman ang misyon mo sa mundong 'to, nagugutom ka na naman," tugon nito sa akin.
Natuwa na lamang ako sa naging sagot niya sa akin. Tama naman siya kung tutuusin. Pero paano ko nga malalaman ang lahat kung walang linaw ang mga nangyari.
Sino ba talaga ako?
"Ikaw si Randal De Jesus.." Nagbaba ako ng tingin sa sinabi nito sa akin.
Mukhang naririnig pa yata ng batang ito ang laman ng isip ko.
"Sino ako?"
"Ikaw si Randal De Jesus at ang kailangan mo ngayon ay alamin ang misyon mo sa paglabas mo sa hospital na ito, Randal.." sabi nito sa akin.
Paano ko nga magagawa 'yon kung wala akong maalala sa nakaraan na mayroon ako. Gagawin pa yata ako'ng manghuhula sa mundong ito. E, kung sinabi niya na lang sa akin ang lahat, tapos na sana ang problema.
"Kailangan na natin lumabas dito bago pa lumabas sa telebisyon ang mukha mo't malagay ang sarili mo sa panganib."
"Bakit pwedi ba ako mamatay ulit e patay na nga ako hindi ba?" totoong biro ko sa kaniya.
Masyadong malihim ang gabay na ito.
"May misyon ka sa lupa, Randal at iyon ang kailangan mong bigyan pansin bago ka bumalik sa liwanag," ang sabi ni Bantay bago ito tumalikod at sa muling pagkakataon muli itong nawala.
"Pambihira!"
Nabaling ang tingin ko sa bintana sa loob ng silid ko. Wala naman akong matanaw mula rito kundi ang bughaw na kalangitan.
Sa sarili ko napakaraming katanungan, katanungan na wala man lang akong makuhang kasagutan.
Hindi malinaw sa akin ang mga sinabi ni Gabay ganoon din ang binigay na misyon sa akin ni Sundo--- pagtataka pa rin ang mayroon sa isip ko!
"Gising ka na pala.."
Bahagya akong nagulat sa dalawang babaeng pumasok sa silid ko--- base sa mga suot nito alam kong nurse ito.
"Kanina pa, hindi na rin ako makapagpahinga at mukhang maayos naman ang lagay ko," totoo kong turan sa mga ito.
Maayos naman na talaga ako. Wala na akong nararamdaman na kahit na ano, ang gusto ko lang ngayon ay makalabas na para makapagsimula na sa kung ano man ang silbi ko rito sa lupang 'to kung totoo mang patay na talaga ako.
"Mabuti naman kung ganoon, kinagagalak namin marinig mula sa 'yo! Mukhang magaling ka na nga," sabi ng isang nag-check ng dextrose ko. Halos paubos na rin ito at ayaw ko ng muli nila akong kabitan pa, maayos naman na talaga ako at katawan ko 'to kaya mas alam ko ang nararamdaman ko.
"Pwedi ka ng lumabas kapag nakausap na ni Dok ang mga kasama mo," sabi naman ng isa sa akin.
May dala-dala itong chart sa kaliwang bahagi ng kamay nito.
"Salamat. Okay na talaga ako, wala na kayong dapat ipag-alala pa," sabi ko sa kanilang dalawa.
Ngumiti lang ito sa akin at ilang sandali nagpaalam na rin. Sa muling pagkakataon naiwan ako sa silid na 'to--- sa silid na napakaraming katanungan ang nasa isip ko.
--