RAN DAL DE JESUS | BAGONG BUHAY
ITO ang araw na lalabas na ako ng hospital. Narinig ko mula sa ilang nurse kanina at kinumpirma sa akin ni Gabay.
Hindi pa rin bumabalik si Gabay, hindi ko nga alam kung saan na ito nagawi ngayon. Hindi naman ako nagtatanong sa kaniya at alam kong hindi niya naman ako sasagutin. Sabagay wala naman sa usapan nang muli akong bigyan ng pagkakataong mabuhay uli--- wala sa usapan namin ang mangialam ako sa kung ano man ang siyang ginagawa nito.
Misteryuso ang batang 'yon at wala akong dapat gawin kundi hayaan siya sa lahat ng gusto niya. Bumabalik naman siya kung gusto nya, minsan nagugulat na lamang ako na nasa tabi ko na pala siya.
Hahayaan ko na lamang siguro ito at alam ko rin naman na kahit bata siya alam niya ang ginagawa niya.
"Magandang umaga, Sir," Napapitlag ako ng may biglang pumasok sa silid ko. Base sa suot nito isa itong nurse. Ngayon ko lang din nakita ito mula n'ong isang araw na napa-confine ako--- sabagay nga naman at lagi naman akong tulog. Ano pa nga ba ang aasahan ko na makikilala ko ang lahat ng pumapasok dito sa silid ko?
Pambihira. Oo.
Tumabi ito sa kama kung saan ako nakahiga--- pansin ko rin ang chart na dala-dala nito.
"Ako si Juliana.. Ikaw ba si Randal?" anito sa akin.
Nagpalipat-lipat pa ito ng tingin sa mga mata ko. Hindi naman ako nagtataka kung bakit niya ako kilala. Dahil nga siguro sa trabaho nito kaya hindi makakaila na alam nito ang pangalan ko.
Hindi ako gumalaw sa kung saan ako nakaupo. Nanatili lang ang mga mata ko sa kaniya. Juliana ang pangalan nito base na rin sa pagpapakilala nito sa akin. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ito. Pero siguro magiging rude lang ako kung hindi ko harapin ito ng maayos. Wala naman siguro itong binabalak na masama sa akin.
"Kilala kita, Randal, ito ang binigay na bagong pangalan sa iyo sa pagbabalik mo rito sa mundo."
Napakunot-nuo ako. May pagtatanong kung sino nga ba ito at kilala yata ako at bakit alam nito ang tungkol sa muling pagbabalik ko sa lupa?
"Huwag kang matakot. Alam ko ang nangyari sa'yo. Kaibigan ako ni Gabay at tulad mo binigyan lang din ako ng pagkakataon," sabi nito sa akin.
Hindi ko siya maintindihan at ang hirap maniwala para sa kaniya. Posible ba ang bagay na 'yon na may katulad siya ng kapalaran. Siguro hindi rin maayos ang ugali nito tulad ko ng nabubuhay pa ako. Dahil 'yon ang sinabi sa akin n'ong matandang nagpakilala sa aking siya raw si Gabay.
"Nababasa ko ang laman ng isip mo. Mabuti akong tao, pero tulad mo may misyon lang talaga ako sa mundong 'to," turan nito sa akin.
Medyo bumilib ako rito. Siguro nahulaan niyaang ang laman ng isip ko, baka hindi naman talaga totoong nababasa nito. Hinuhuli lang siguro ako at gusto lang kunin ang loob ko.
Baka isa ito sa mga scientist at gusto lang akong pag-aralan. Hindi kaya? Bigla kong natanong sa sarili ko.
"Ngayon ka na lalabas at nakahanda na rin ang bahay na tutuluyan mo. Huwag kang mag-alala magiging maayos ang lagay mo r'on hangga't sa matupad mo ang misyong naka-atang sa'yo. "
Bigla kong naalala si Gabay at ang sabi sa akin ni Sundo n'on. Bago nila ako muling ibalik sa kung saan man ako ngayon. Handa na raw ang lahat at wala na raw akong dapat pang ipangamba. Dahil kung may kailangan man akong gawin 'yon ay tuklasin ang kakayahan ko at hanapin ang babaeng naka-atang sa akin bilang magsisilbing misyon ko sa pagbabalik kong 'to.
"Handa ka na ba, Randal?" tanong nito sa akin. Hindi ko alam ang isasagot ko rito--- pilitin ko man ang sarili ko wala akong matagpuan para maging tugon sa kaniya. Hindi ko siya kilala. Wala akong kahit na anong palatandaan para maalala siya. Ayaw kong magtiwala kahit kanino sa ngayon. Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang posibleng mangyayari sa akin sa mundong 'to. Parang sa TV ko lamang kasi nangyayari ang lahat ng 'to. Tapos wala pa akong maalala na kahit na anong bagay tungkol sa nakaraan ko.
Pambihira naman. Gusto ko ng maging malaya ang kaisipan ko. Gulong-gulo na ako sa lahat ng katanungan na mayroon sa akin.
Pinagmasdan ko ang babaeng nasa harap ko; maganda ito, maputi, balingkinitan ang katawan. Ang hindi niya lang alam kung ano ba ang naging dahilan kung bakit sinasabi nitong pareho sila ng kapalaran.
Napakaganda naman yatang anghel 'tong babaeng 'to. Sabagay may gwapo rin naman at ako 'yon.
Pansin kong natawa ito habang pinagmamasdan ako.
Ano naman ang nakakatawa? tanong ko sa sarili ko.
"Nasaan nga pala si Gabay? Naglalaro na naman ba?" untag nito sa akin.
Inikot ko ang tingin ko sa paligid. Kanina ko pa nga hindi nakikita ang makulit na batang 'yon o kung saan man ito nagsuot wala akong alam. Hindi naman siya nagpaalam sa akin n'ong umalis siya. Basta lang naman kasi ito sumusulpot sa kung saan man manggaling--- at kung saan kailangan ko siya, doon pa siya nawawala. Baka ito alam nito ang mga nangyayari o baka kilala nito ang nagpapakilalang Juliana ngayon sa harap ko.
"Hindi ka man lang ba magsasalita. Ano ba ang nangyayari sa'yo, Randal? Hindi ka ba naniniwala na pareho tayo ng kapalaran? Kailangan ko pa bang ikwento sa'yo ang lahat?" anito sa akin.
Ano naman ang inaasahan nitong magiging tugon ko? I-we-welcome ko siya?
Pilit na ngiti ang sumilay sa labi ko. Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa kaniya. Ang sa akin lang ay paano ako magkakaroon ng kalayaan hanapin ang nararapat kung gawin kung may dalawang katulad kong kaluluwa ng binigyan lang ng pagkakataon ang nakasunod sa akin; si Gabay na batang makulit na lahat ng gusto nito susundin ko at ang isang 'tong wala yata akong pweding ilihim dito.
"Aalis na ako ulit. Babalikan na lang kita." Hindi siguro matiis nito at nagpaalam sa akin.
Mabilis itong tumalikod at iniwan akong nag-iisa. Gusto ko man sana tanungin pa ito ng ilang bagay hinayaan ko na lang ito. Si Gabay lang naman kasi ang makakasagot sa akin at alam kong maliliwanagan ako. Mahirap ang sitwasyong mayroon ako ngayon-- alam kong walang kahit na sinong tao ang maniniwala sa akin sakaling malaman man nilang binigyan lang ako ng isa pang pagkakataon para mabuhay sa mundong to.
Kung bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng tao sa mundo ako pa mismo? Ganoon ba ako ka-espesyal para ako ang bigyan ng pagkakataong 'to. Hindi naman sa hindi ko nagugustuhan ang bagay na ito.
Nalilito lang kasi ako at gusto ko lamang ng sagot.
ILANG sandali pa ang lumipas nang muling magpakita sa akin si Gabay. Basta na lamang ito lumabas sa isang lagusan na hindi ko alam kung saan nanggagaling.
"Gising ka na pala, Kaibigang Randal, mabuti naman at maayos kang nakapagpahinga," bungad nito sa akin.
Nakasuot pa rin ito ng isang kupasing maong na pantalon at pulong puti..May itsura ang batang nasa harap ko ngayon at kung bakit ito tinawag na gabay hindi ko alam. Basta na lamang kasi ito lumabas sa harap ko n'on noong pagkatapos akong kausapin ni Sundo. Ang sabi niya pa sa akin si Gabay na raw ang bahala sa akin sa lupa. Paano naman ako gagabayan ng batang 'to?
Marami man akong katanungan sinarili ko na lamang ang lahat ng 'yon. Mahirap din kasing magtanong sa batang 'to at alam kong wala rin akong magiging matinong sagot mula sa kaniya. Ang lagi lang naman nitong tugon sa akin ay kailangan kong magawa ang misyon ko sa loob ng isandaang araw. Ayaw ko naman isiping mahihirapan ako dahil hindi ko kilala kung sino man ang nais ipahanap ni Sundo sa akin. Mahihirapan ako at alam ko yon sa sarili ko. Pero dahil sa kagustuhan kong makita ulit kung sino man ang pamilya ko o mayroon ba akong pamilya. Agad kong sinunggaban ang pagkakataon. Binawi ang hiram kong buhay na wala man lang akong kalaban-laban dahil walang kahit na sino ang nakaalam sa kamatayan ko, ayon sa mga ito.
Hindi ko nga alam kung alam na ba ito ng mga mahal ko sa buhay. Hiling ko na lang sana ngayon na nakarating na ito sa kanil. Gusto ko naman kahit papano mabigyan ng magandang libing kung sakali man matagpuan ng mga ito ang bangkay kong hindi ko alam kung saan na naroon ngayon. Hindi bali kakausapin ko na lang ang batang 'to para mabigyang daan na makausap si Sundo.
D'on ko na lang siguro itatanong ang lahat ng nais kong malaman.
"Bakit hindi ka makapagsalita? Ayos ka lang ba, Kaibigang Randal?"
"Ganyan ba talaga ang itatawag mo sa akin? Wala ka na bang ibang itatawag sa akin kundi 'yan?" bigla kong naging turan sa kaniya. Sa isip ko ang weird naman kasi kung tatawagin ako nitong Kaibigan Randal. Sabagay wala naman kahit na sino ang nakakakita at nakakarinig sa batang to.
Iniiwasan ko ngang makipag-usap dito lalo na kung may tao sa paligid. Ayaw kong isipin nila na nababaliw na ako, dahil malayo naman 'yong mangyari. Kahit puro lang kasamaan ko noon ang naaalala ko, nandito pa rin naman sa puso ko ang hindi maipaliwanag na damdamin na ayaw kong kahit na sino ang pweding humusga sa akin--- kilala ko man o hindi.
"Nakakatakot ka naman, Kaibigan, ayos ka lang ba? Nakatulala ka naman at wala ka naman dapat na isipin pa. Maayos na ang lahat na dapat ayusin sa paglabas mo rito.."
"Sino si Juliana?" tanong niyang hindi matiis dito.
Baka kasi hindi totoo ang mga sinabi nito sa akin kanina. Mabuti na lang at wala siyang kahit na ano'ng impormasyon ang nasabi rito tungkol sa misyon; maging kay Gabay at Sundo na nagbigay sa akin ng pangalawang pagkakataon.
"Nakilala mo na pala si Kaibigang Juliana, mabuti na lang at natagpuan ka niya rito. Huwag kang mag-aalala at mabait ang kaibigan kong 'yon. Pareho lang kayo ng kapalaran, Kaibigang Randal.."
"Totoo ang mga sinabi niya sa akin?" tanong ko.
Gusto kong maniwala kay Gabay. Wala naman siyang sinabi rito tungkol sa babae pero parang alam nito ang lahat ng tungkol dito. Tama lang pala na itanong ko sa batang 'to ang lahat. Hindi naman siguro ito magsisinungaling sa akin ang lahat naman siguro ng sinasabi nito totoo. Wala naman kasi itong mapapala kung magsisinungaling lang ito sa akin. Ngayong alam ko na kay Juliana ang ilang impormasyon na nais kong malaman dito sa tulong ni Gabay--- kahit papano magiging tahimik na ang looob ko.
"Kasama natin si Ate Juliana sa kung saan man tayo pupunta, Randal. Dahil nga sa pareho lang naman ang kapalaran niyong dalawa na mayroon kayo--- huwag kayong mag-alala at pareho ang lihim ng inyong pagkatao ngayon. Sa ngayon wala tayong pag-iisipan ng kahit na sino kundi ang misyon na mayroon tayo para makatawid sa isang paraiso.."
Isang makabuluhan ang tingin na pinukol ko kay Gabay. Sa isip ko nandoon ang bahala na---kung saan dadalhin ang kapalaran kong kasama ito. Ang mahalaga ang pamilya ko at magawa kng itama ang lahag sa kanila kahit huli na ang lahat.
Bakit ko nga ba naisip na huli na ang lahat? S'yempre. Kaluluwa na lang yata ako na nabigyan ng pagkakataon para muling maging tao. Dahil nga sa misyon na hindi ko naman alam kung ano.
"Lalabas na tayo rito. Tiyak na matutuwa ka kung saan man tayo paroroon ngayon. Maraming pagkain d'on, hindi tulad ditong mahihirapan kang lunukin ang pagkain mo.." natatawang sabi sa akin ng batang 'to.
Napansin niya pa rin pala kung paano ko kainin ang pagkaing rasyon ko rito.
Sino ba naman ang matutuwa? Madalas walang lasa ang pagkain ko. Wala naman akong malalang sakit na maramdaman sa katawan ko pero mukhang yon pa ang nangyayari. Gusto ko man magreklamo alam kong walang magagawa 'to. Sino ba naman ako para mamili? Dapat nga akong magpasalamat at maswerte pa rin ako kahit papano. Mabuti na lang at hindi ako dinala ng dalawang 'to sa pampublikong hospital na masisikipan lang ako. Dapat pa rin akong magpasalamat sa kanila at hindi nila ako nagawang pabayaan.
"Nasasabik na ako," iyon ang naging turan ko kay Gabay. Iyon naman talaga ang nararamdaman ko kahit na mahirap pa rin intindihin ang lahat sa side ko.
Nakikita ko naman sa harap ng batang 'to ang galak sa mukha kaya wala na akong dapat pang ipag-alala sa lahat ng mga mangyayari. Paghahandaan ko nalang siguro ang kung ano man na misyon ang sinasabi sa akin nito--- ang mahalaga magagawa ko ng maayos 'yon bago pumasok sa lagusan at tuluyang matanggap ang paraiso na kung saan ako nararapat.
"Tayong tatlo lang naman ni kaibigang Juliana at ikaw ang nand'on. Huwag ka ng mag-isip ng kahit na anupaman dahil nandiyan si Bantay para bantayan ka at ako'y nanditong Gabay mo para gabayan ka," sabi nito sa aking may ngiti sa labi.
Hindi ko naiwasang mapangiti sa harap nito. Baka nga sa mga susunod na araw magiging maayos din ang lahat. Aabangan ko na lang din siguro. Hindi ko naman kailangan magmadali sa mga bagay na kailangan kong gawin--- dahil tulad nga ng sabi nito may isang bantay at isang gabay na aalalay sa akin. Iyon ang maliwanag sa lahat na pinagbigay-alam ng batang 'to.
"Teka lang. Hindi ba sabi mo pareho lang kami ng kapalaran ni Juliana? Pwedi ko bang malaman kung ano ang nangyari sa kaniya at bakit mo nasabi 'yan? May misyon din ba siya kagaya ko?" tanong ko rito.
Tumahimik ito. Patalon na umupo sa kama kong saan ako nakahiga mula pa kanina.
"Huwag mo ng alamin. Basta ang masasabi ko lang sa'yo may super powers yan si Julaina, katulad ng sa'yo na malalaman mo pa sa mga susunod na araw. Tiyak na magugulat ka rin sa kakayahan mo tulad niya, Randal.."
"Super powers? Kakayahan?" tanong kong naguguluhan dito.
Nadagdagan na naman yata ang isipin ko. Parang araw-araw na lang may mga palaisipan na kailangan kong pag-isipan. Nadagdag na naman tong si Juliana na wala man lang akong makuhang matinong sagot mula kay Gabay tungkol dito.
Saan naman kaya ako magsisimulang alamin sa kaniya ang lahat? Kahit clue man lang sana wala man lang akong napapala.
"Nag-iisip ka na naman. Mabuti na lang wala si kaibigang ganda dito kundi nababasa niya ang naiisip mo.."
"Ang weird kasi."
"Ganoon talaga. Tanggapin mo na lamang na makakasama mo kami at hindi ka na mag-iisa. Alalahanin mo na isan daang araw lamang ang binigay sa'yo. Kaya hindi kami mawawala sa tabi mo."
"Hindi mo ba talaga alam kung ano ang kailangan kong gawin sa mundong 'to?" tanong ko na naman sa kaniya.
"Alam mo kung nandito lang si Ate Juliana ngayon lahat ng mga tanong d'yan sa isip mo--- sasabihin niyang kalimutan mo na at walang maitutulong yan."
Napataas kilay ako sa narinig mula rito. Ito siguro ang sinasabi nitong super powers ni Juliana. Oo nga naman. Nababasa naman talaga nito ang lahat ng nasa isip ko kanina lang. Iyon na nga ang mahirap kung makakasama ko ang mga ito wala siguro akong maitatago kahit na ano. Paano ko pa pala magagawa ang misyon ko sa sarili ko kung magkataon? Paano ko sisimulan mahanap ang pamilya ko dahil wala man lang akong alam kung saan sila nar'on.
"Huwag ka ng magtangka pang hanapin ang pamilya mo, Randal.."
Napalingon ako sa dahon ng pinto. Iyon na lamang ang pagkabigla ko nang biglang pumasok si Juliana. Wala naman ito sa loob pero paano pa rin nito nabasa ang laman ng isip ko? Para naman ang labo ng babaeng 'to! Mukhang mahihirapan din yata ako gawin ang misyon para sa sarili ko patungkol sa mga mahal ko sa buhay.
"Hindi ka lang matutuwa kung ipagpipilitan mong alamin ang lahat ng tungkol sa kanila.." dugtong pa ni Juliana.
Pambihira. Bakit ko naman hindi hahanapin ang pamilya ko? Una at huli sa lahat pamilya ko sila. Hindi ko pweding isawalang bahala ang pagkakataon. Kaya nga ako pumayag bumalik sa lupa para mabigyan ko pa ng pagkakataon ang sarili kong makita sila. Tapos ngayon sasabihin ng babaeng 'to sa harap ko na hindi ko alam kung saan galing na huwag ko ng hahanapin ang pamilya ko.
Sino ba ang matutuwa? Basta na lamang ito susulpot at mamanduhan ako sa kailangan kong gawin.
"Hindi kita minamanduhan. Gusto ko lang malaman mo ang riyalidad na hindi para sa iyo lang ang pagbabalik mo sa mundong 'to. Dahil baka nakakalimutan mo na una at huli sa lahat may misyon ka. Misyon na magiging daan para sa'yo para makatawid ka sa kung saan ka man dapat ngayon."
Tama nga ang sinabi sa akin ni Gabay at ang sinabi nito kanina sa akin. Nababasa nga nito ang laman ng isip ko. Wala talaga yata akong pweding itago rito. Ngayon ang kailangan ko na lamang alamin sa sarili ko ay kung makakatulong nga ba ang mga ito o sadyang sagabal lang ang siyang magiging dating sa akin.
"Tulong ang ibibigay namin sa iyo. Basta magtiwala ka lang.."
"Pwedi bang tigilan mo ang kababasa ng laman ng isip ko. You're invading my privacy," parang batang maktol ko na naging dahilan para tumawa nang tumawa si Gabay.
Pambihira. Pribadong iniisip ko pinapakialaman ng mga 'to. Hindi na lamang pala ako pumayag na bumalik-balik pa sa mundong 'to. Dahil sa tingin ko wala man lang akong mapapalang katahimikan mula sa mga ito.
"Maghanda na kayo at makakalabas na tayo," untag nito sa amin ni Randal.
Mukhang bossy pa yata ang isang 'to.
"Handa na ako.. Handa na rin si kaibigang Randal, Ate Juliana.." sabi ni Gabay. Paano naman nasabi nitong handa na ako e, kung ako lang ang masusunod--- gusto kobna lamang dito. Mas makakapagpahinga pa ako rito at wala pa sila palagi sa tabi ko. Dahil sa oras na paglabas ko rito alam ko na ang mangyayari at 'yon ang makasama sila sa araw-araw na buhay na mayroon ako sa labas.
Pambihira. Oo.