Lauren's POV
To say that I am excited is an understatement.
Joke. Kailangan ko ba talagang matuwa? Ha? Being his SA would mean, freedom no more! Naman e. Kung sakaling magiging SA nga niya ako, hindi ko na hawak lahat ng oras ko.
Jusko Lauren, sino ba kasing nagsabi na pasukin mo ito? Ang talino mo rin kasi e no? Pumayag ka pa talaga sa hamon ng baklang iyon.
Gumulong ako sa aking kama at sinabunutan ang aking buhok. Baliw.
My phone rang and speaking of... Juliana is now calling me.
"Hi gags-"
Napaupo ako sa aking kama at pinutol ang sasabihin nitong baklang ito!
"Tumahimik kang bakla ka! Hayop ka talaga!" I groaned after saying that. But Juliana just laughed with what I said.
"Ano ba gags? Okay ka naman noong una, ah! Hahaha."
I narrowed my eyes. "Eh hindi ko naman alam na buwis buhay pala itong ipagagawa mo sa akin! My goodness, gags! I'll be his SA!"
"Alam mo ang arte mo, ha? Choosy ka pa? Hahaha! Teh, Si Professor Seth Montreal na iyan! Alam mo ba..." The b itch obviously didn't finish what he is saying, parang binibitin ako.
"Ano?!" Pagalit kong sagot sa kanya. Pero ang totoo, curious ako sa sasabihin niya. Is it about Seth?
"Grabe ha, ang haba haba ng hair mo bakla." Julian giggled.
"Bakit nga kasi? Anong sasabihin mo? Bilis na kasi matutulog na ako."
"Asus, tulog ka na nga. Bukas na lang. Hinihintay mo pa si Tita ano?"
I immediately grimaced with what he said.
"Hindi." Simpleng sagot ko. I sighed at pilit pinasigla ang aking boses. "Ano nga kasi gagsss?!"
"Excited ka masyado sa pagiging SA mo bukas ano? Haha kasi bakla ano kasi.." Tumawa muna si Julian na tila kinikilig bago itinuloy ang sasabihin. "Napakahaba ng hairlalu mo dahil sa dinami-rami ng nag-apply bilang SA ni Seth, ikaw lang ang pinayagan niyang maging SA niya! Gandang ganda! Hahaha! Ohmyyyyy how to be you po?"
Natawa ako sa reaksyon ni Julian. Baklang bakla. Haha. But d amn, totoo ba iyong sinabi niya?
"At saan mo naman napulot yan, aber? Hindi nga ako pinapansin noong Seth na yon e, tapos ako pa ang pipiliin sa lahat. Patawa ka po." Umirap ako sa sinabi ni Julian. As if naman pipiliin ako noon, napaka-snob nga niya e.
"Syempre saan pa? Edi sa mga nag-apply! Mayroon pa ngang modelo sa isang magazine na nag-apply maging SA ni Prof. Modelo ha, modelo. Syempre maganda, of course. Pero wala talaga siyang tinanggap ni-isa."
Pinaglaruan ko ang tip ng pillow ko bago ko siya sinagot. "Eh baka ayaw niya lang kasi bakla siya! Hahaha! Baka gusto niyang lalaki ang SA niya ka ayun." Dahilan ko.
"Kung ganoon, bakit ka niya tinanggap?" Nanghahamong tanong ni bakla sa akin. I stilled for a moment, not expecting his question.
Bakit nga ba?
"Malay ko ba?! Siya ang tanungin mo kung gusto mo!" Mabilis na sagot ko at agad pinatay ang tawag nang hindi man lang nagpaalam.
Shit. I don't want to f*****g hope for something more! Goodness. Laro ko ito for pete's sake! And hoping for something means losing this game. But what Julian said, confuses something in me.
NO.
Just no, Lauren. NO EFFIN' WAY. NEVER. EVER.
I quickly scanned my phone and looked for a name who'll distract me from my thoughts. Because if not, I'll surely drown to where my thoughts are going!
Adrian Heinrich...
I smiled and texted him. I smiled even wider when he replied at a span of a few seconds. Through this, I'll surely forget about some things.
Hopefully...
✳✳✳
"Miss Imperial! Iyong ice bucket, get it!" I almost gasped with what Seth said. Wow, so nasa northern part pa iyon nitong court at kailangan ko na naman iyong kunin papunta rito! Ay grabe! Kanina pa ako pabalik-balik!
It's been an hour since nagsimula kami sa pagte-train sa mga basketball players niya and kung titingnan ang hitsura ko ngayon, para na akong nanganak ng sampung beses dahil sa pabalik-balik kong takbo sa buong court!
"Sir naman! Tutulungan na lang namin si Lauren-" Seth glared at the basketball player with a number 7 on his jersey. Agad namang natahimik ito.
"Pagod na ako. Naman e!" Bulong ko nang tiningnan niya ako na para bang nagsasabing kunin ko na iyong ice bucket. Mayroon kasing isang player na nagka-muscle cramps.
Patakbo kong kinuha iyong ice bucket para makabalik agad sa kanila. The players were looking at me. Tumutulo na ang pawis ko sa noo, obviously pagod na pagod na. Isang oras lang iyon ha! At ganito na ako ka-stressed!
When I reached them, padabog kong binagsak ang ice bucket sa harapan niya. But still, ngumiti pa rin ako. "Eto na po.."
He narrowed his eyes then kumuha siya ng ice tapos ibinigay sa player na Ken ata ang pangalan nito.
Akala ko siya ang maglalagay noong ice bag sa binti ng namimilipit sa sakit na si Ken ngunit hindi pala. Pagtingin ko, busy sa pagpapractice ang ibang team members nila. I sighed. Kawawa naman ito. Though there's a guy who's pressing his feet..
Nilapitan ko siya at kinuha ang ice sa kanya pagkatapos ako na ang naglagay nito sa binti niya, adding a little pressure on it. Gulat siyang napatingin sa akin. Nanlaki ang kanyang chinitong mga mata. "Ako na, Lau."
So he knows me? Okay.
"I insist." Sabi ko at nag-focus na sa paglagay ng ice sa binti niya. Minsan, inilalayo ko ito para hindi siya masyadong malamigan. I ignored his stares. Lantaran makatitig, huh?
When I look at him, ngumiti ako. He looked away. "Masakit pa?"
"O-oo. Masakit pa." He said, so I massaged his lower leg lightly para mawala ang sakit.
Ngunit laking gulat ko nang mayroong biglang humigit sa akin at dire-diretso kami sa daan palabas ng court.
Seth stopped as if realizing something and turned to his players.
"Our practice is done for today. Yves, tulungan mo si Ken d'yan." Nakaigting ang kanyang panga habang sinasabi iyon. Malamig niya akong tiningnan bago kami naglakad palabas ng court.
Parang tumigil sa pag-beat ang puso ko dahil sa lamig ng tingin niya sa akin at lumakas naman ang pagtambol nang tumalikod na siya.
Pawisan rin siya, bakat ang kanyang matipunong likod mula sa kanyang shirt na may malaking check sa harap.
His muscles were flexing, lalo na iyong sa braso niya while we were walking. As we went out of the court higit-higit niya pa rin ako. Lahat ng babaeng nadaanan namin ay titig na titig sa katawan niya nang nakita siya. Sino ba namang hindi?
"Teka lang, teka lang. Saan mo ba ako dadalhin? Hila ka naman ng hila mahal- este Seth! Tinutulungan ko pa si Ken-"
He cut me off. Just wow.
Blangko niya akong tiningnan, ngunit may bahid itong iritasyon. "At kilala mo pa talaga ang pangalan niya, huh?"
"I'm an observant. Kanina mo pa sila tinatawag malamang medyo familiar na ang mga pangalan nila sa akin." Sagot ko sa kanya, gusto ko siyang irapan but I chose not to. Sira diskarte.
Sarkastiko siyang ngumisi ngunit puno ng iritasyon ang kanyang mga mata habang tinititigan ako. "Why? Did you became my student assistant just to memorize the names of those basketball players?"
"What the, of course not Seth!"
"Oh sure, Miss Imperial. Tell it to the f ucking marines!" Sagot niya, not believing what I am saying.
Kunot-noo ko siyang tiningnan. "What?" Medyo naiirita na rin ako dahil sa uhaw at pagod. Sobrang nakakapagod talaga e. Tapos yan pa ang sasabihin niya? "Pagod na pagod na nga ako kakatakbo sa buong court e. Hindi mo ba iyon nakita?"
Medyo galit ko na siyang tiningnan. Sinalubong niya ang titig ko ng sarkastiko at iritadong mga titig.
"I didn't say that, Miss Imperial. What I'm trying to say is that if you're helping me since you are my student assistant, only help me! Hindi ko kailangan ng SA na nakikipag-flirt sa lahat ng varsity players!" He almost shouted and walked out ahead of me leaving me utterly speech-f ucking-less.