Chapter One: #MeetTheProfessor (Prologue)
Lauren’s POV
“Hindi na talaga ako aabsent. Promise!”
I almost rolled my eyes at the back of my mind after saying that. No one can stop me. As if naman matatakot ako sa mga profs dito.
Over my dead, hot body b-tch.
“Pang-ilan mo na iyang sinabi Miss Imperial? Natupad ba?” Sabi ni Professor Castellana, isang matandang prof ko sa Logic. Inadjust pa niya ang kanyang salamin habang nakatingin sa akin mula sa kanyang table. Argh. Lunch time na! Gutom na gutom na ako! Naman e.
“Pwede bang makaalis na? Gutom na gutom na kasi ako e. Sige ka baka mamatay ka sa gutom, hala ikaw rin…” Nanlaki ang mga mata ni Prof sa sinabi ko.
Dadagdagan ko pa sana ng ‘Matanda ka pa naman. Mahirap na.’ Ngunit pinigilan ko nalang ang sarili ko. Masyadong harsh naman ata yun? Hahaha.
Kumukulo na talaga ang tiyan ko! Ugh! Bakit kasi pina-stay pa ako ni Prof after class. Kung gusto niyang mamatay sa gutom, aba e ‘wag siyang mandadamay!
“I didn’t like what you said, Miss Imperial! Get out of this room now or else I—”
Tumakbo na ako palabas, sukbit ang bag ko. Bahala ka d’yan Prof. Manigas ka sa inis. Marami pang estudyante sa hallway na tinabig ko paalis para lang hindi maabutan ng prof na yun.
“Aray ha!”
Bahala kayo d’yan. Nagmamadali ako. Mukha na akong baliw dito na tumatakbo sa gitna ng hallway kahit alam ko namang hindi na ako maabutan ng gurang na yun. Ang dami ko na ngang natatabig e.
Liliko na sana ako pakanan nang mauntog ako sa isang matigas na bagay! Walangya ah. Ang sakit!
I heard a collective gasps around the hallway. Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng nauntog sa pader? Ang ooa talaga. Hinimas himas ko ang nasaktang ulo ko bago tumayo ng maayos. Pag-angat ko ng tingin, nakaharap sa akin ang seryosong mukha ng isang lalaki.
Napanganga ako.
Nakapamulsa ang lalaking ito sa aking harapan habang nakatayo ng tuwid. Ang tindig niya ay sobrang nai-emphasize dahil sa tangkad niyang lalaki.
Napatingin ako sa katawan niya. Naka gray long-sleeve siya na na nakatupi sa siko at mayroon siyang itim na relos. Perpekto ang pagkakahulma ng kanyang mukha at maayos na nakadepina ang kanyang panga, which is very, very manly.
Then I stared more at the details of his face… Matangos ang kanyang ilong, klarong-klaro ang linya nito. His lips look soft and smooth. His eyes are colored ash gray partnered with thick brows and thick lashes which made it look sensual. Nakatingala lamang ako sa kanya dahil sa sobrang tangkad niya.
Sino ba ito?
“Hmm. Sino ka?” Tanong ko sa kanya matapos ko siyang eexamin mula ulo hanggang paa.
Nakatayo lamang siya doon, wearing a plain expression. Sobrang gwapo niya talaga kahit seryoso ang mukha!
“Hindi ka man lang ba magso-sorry?” Tiim-bagang na tanong niya sa akin. Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Sorry? Huh para saan?
“Ano bang ginawa ko?” Tanong ko pabalik. Sa pagkakaalam ko, ngayon lang kami nagkita. Jusko naman.
“Tss. Nonsensical,” He said then he walked pass me, as he also bumped slightly on my right arm.
Sobrang yabang. Crush pa naman sana kita eh! Hays. Hindi ko na lamang siya binigyang-pansin masyado at naglakad na lang ako paalis.
“Uy, Lauren. Hindi ka nag-sorry?” Tanong ng isang kaklase ko.
Nadaanan ko siyang nakanganga habang nakatingin pa rin sa lalaking pinagsosorry ako kahit wala naman akong kasalanan. Napakunot ang aking noo.
“Wala nga kasi akong kasalanan.” Umirap ako sa kanya.
“Ikaw iyong bumangga sa dibdib niya eh.” Sagot ni Naomi, habang nakahalukipkip na nakatingin sa akin. Napakurap-kurap ako sa narinig. Hindi nga?
“Bagong professor natin yun, Lau. The youngest and hottest professor in our university. Fresh Grad. Tanggap agad dahil matalino tsaka sobrang gwapo. Kararating lang nun kahapon.”
Naomi smirked, “Lagot ka...” At kumindat pa talaga tong babaeng to.
“Ano ka ba, Naomi. Hindi naman ako natatakot sa mga prof natin. Kailan ba ako natakot? Never,” I said then flipped my hair bago umalis.
Goodness. Gutom nga pala ako! Ano ba yan. 1 hour nang na-delay ang lunch ko! Baka magka-ulcer o di kaya'y magka-cancer na ako nito! Lol.