Chapter Three: #Impulsive

1186 Words
Lauren’s POV I don't have any choice but to attend this class. First, I'll attend this because I don't want to embarrass myself from him and second, is because of him! I want to see him every time. Ha ha. God. Buti na lang siya ang teacher ko. Ginanahan na tuloy akong pumasok! Magkaroon ka ba naman ng sobrang hot na professor? Goodness. Nang pumasok ako, napatingin uli silang lahat sa akin at ngumisi. Tapos ay ibinaling nila ang kanilang tingin kay Prof. Kibit balikat na lamang akong umupo sa tabi ni Gray. Siguro iniisip ng mga to na pumasok ako dahil gwapo si professor. Ano nga palang pangalan niya? I should know! Like seriously. "Okay, class." Tumikhim ang gwapong professor. Nagulat ako nang makita ko siya na ngumiti sa pinakaunang pagkakataon! And my heart melted. Bakit ngayon lang siya ngumiti? Tila lumuluhod ang mga tala kapag siya'y ngumingiti. I laughed at my stupidity. Hays, sir. I'll get you by hook or by crook. I smirked. Like I said, kaya ko rin makipaglaro and I'll try him this time. "Take your seats now... Ah, before anything else.." He smiled again at my classmates. Tinitingnan niya sila at halos mangisay na sa kilig iyong mga babaeng tiningnan ni prof. Sana naman tumingin siya dito. Tss. Why won't he look at me! "I'll introduce my name again because there were students who were not here yesterday." Tumango naman ang mga kaklase ko. Sobrang absorbed sa pagkakatitig kay prof. Still, he never did glance my way. Ugh. "I am Shiloh Seth Montreal, 23, your new Calculus professor, since Ma'am Therese filed a leave due to her sickness. Well, I do hope you'll cooperate with me as we go along this semester." Ngumiti na naman siya ng isang makalaglag bra'ng ngiti na halos atakihin na ang ibang mga kaklase ko. "Ah, Sir. Stop being so charming, please? Ang gwapo." Hindi na nakapagpigil na sigaw nitong nasa harapan ko. Ngumiti lamang si Seth at tsaka umiling. So.. Shiloh Seth Montreal, huh? Nice name. Gwapo'ng gwapo! "Sir, who gave you that name? Bagay na bagay." Tanong ko sa kanya at ngumiti pa habang sinasabi iyon. Dapat niya akong pansinin, ano! Hindi pwedeng hindi man lang niya ako tingnan. No way. He glanced my way FOR THE FIRST TIME. Sa wakas, napatingin rin siya sa akin! Grabe! Sobrang gwapo talaga. Tinagilid niya pa ang kanyang ulo which lets me see a perfect view and it perfectly showed the angle of his nose. Matangos ang kanyang ilong, ngunit dahil sa angle nito ngayon mas lalo lamang itong na-emphasize. "My stepmother." Walang kabuhay-buhay na sagot niya at ibinaling na naman ang atensyon niya sa ibang kaklase kong nagtatanong. Stepmother? Whoa. Napatingin uli ako sa kanya nang ngumiti uli siya sa tanong ng isa kong kaklaseng babae. Napakunot ang noo ko. Psh. Samantalang nang magtanong ako kanina walang kabuhay-buhay ang sagot niya. "Sir, nandito kami para matuto tungkol sa Calculus. Hindi po ba?" Walangyang tanong ko nang hindi na matapos-tapos ang tanong ng mga kaklase kong malalandi. Siniko ako ni Gray at ngumisi siya sa akin. Seth narrowed his eyes at me at tiningnan ko rin siya pabalik nang nakangiti. Then he cleared his throat and looked away, "So much for that, let's start our class now." Sabi niya habang inaayos ang kanyang laptop sa harap. Nagfe-flex pa ang kanyang muscles habang inaayos ito, seryoso ang mukha. Shet. Sobrang gwapo talaga. Nagprotesta pa talaga itong mga babaeng malalandot kay Seth but then he dismissed it saying that it's now time for class. Tumingin sila nang masama sa akin but then I just rolled my eyes at them. Wag ninyo akong subukan, girls. What's mine is mine. And Shiloh Seth Montreal is mine. I smirked. A few minutes later, Seth finished setting up the projector and started introducing our topic for this day. Feeling ko walang masyadong nakikinig dahil busy sila sa pagkakatitig kay Seth. Mayroon pa ngang ibang palihim siyang pinipicturan sa ilalim ng mesa nila. Hay nako. Seth was still discussing habang ako naman ay matamang nakikinig sa kanya. Actually, first time kong makinig nang ganito ka seryoso sa isang nagle-lecture. Napangisi na lamang ako. Isang himala sa buhay ni Lauren Cassidy Imperial! "Naintindihan niyo ba?" Tanong ni Seth nang matapos na ang kanyang lecture. Grabe tong iba kong mga kaklase, sa loob ng isang oras pagtitig lang ang nagawa nila. "Yes, Professor Montreal." Sagot nila. Pwe, lolokohin pa si Seth. Obvious namang hindi sila nakikinig. Iba kaya ang "listening" sa "hearing." Tss. At mas lalong iba ang "staring" sa "listening." Ngayon ko lang napagtanto... kanina pa ako Seth ng Seth sa utak ko eh hindi naman kami close. Wala ng 'Sir' or 'Prof', huh. Haha. "Are you sure?" Nakakunot-noong tanong ni Seth sa mga kaklase kong babae. "I think you were just staring at me the whole time and you're not even taking some important points. I don't like that. I want you to learn something from me, and those stares won't help." Seryosong sabi niya. God, with what he said mas lalo akong nagka-crush sa kanya! A man with principles... plus intelligence and looks equals Shiloh Seth Montreal. Napatingin ako sa paligid ko, imbis manahimik sila dahil medyo nagalit si Seth sa kanila ay mas lalo pa talagang humugis-puso yung kanilang mga mata. They are a hopeless case. Tsk. "Hulog na hulog ata sila sa bago nating prof, ah." Gray whispered to me. I nodded. "Yeah. Well, sino ba namang hindi? He's every girl's dream guy, Gray." "Including you?" Gray smirked at me. "Nah." Yun lang ang sagot ko at tumayo na nang sinabi ni Seth na dismissed na kami. Nagkunwari akong mayroong hinahanap sa loob ng bag ko kahit wala naman talaga upang matagal akong makalabas. "Bye, baby girl." Paalam ni Gray sa akin. "Bye." Sagot ko sa kanya. Gray was an ex-fling of mine. And he always calls me his baby girl daw. But now, we're just friends. I looked at the glass window. Medyo madilim na nga. Ay hindi, madilim na talaga. It's already 6:30 pm. Though, mayroon pa namang mga estudyante sa labas. Hinintay ko muna makalabas ang mga kaklase ko bago ako natapos kuno sa paghahanap ng wala sa bag ko. Then I looked at Seth who was now wrapping up the things he used. Seryoso lang siya sa kanyang ginagawa ni hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Halos matawa ako nang mayroon akong maisip na gawin. I immediately walked towards the door. "Seth." Tawag ko sa kanya. Wala ng prof prof to. He looked at me with his brows furrowed. Hindi man lang ito nakangiti. "Paalam, mahal ko!" Nakangising sabi ko at agad tumakbo palabas. Tawa ako nang tawa habang tumatakbo palayo. Shet, never in my life I did something as impulsive as that. But nevertheless, I enjoyed it. Hinihingal akong napaupo sa may bench malapit sa cafeteria. Binalikan ko ng tingin ang classroom naming malayo-layo na. There's more to come, Shiloh Seth Montreal. Wag mo man akong pansinin ngayon, mapapasaakin ka rin pagdating ng panahon. Wait, nagiging makata na rin ako?! Oh shet. Change is coming.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD