Chapter 5 Jealous

3073 Words
JANELLA: LIHIM akong napapangiti habang kasabayan si Lawrence Castañeda na magtanghalian. Panay pa rin ang bulungan ng mga kasabayan naming kumakain pero mukha namang walang pakialam itong kaharap ko. Hindi ko tuloy maiwasang matulala sa kanya. Ngayon ko lang kasi ito natititigan sa malapitan. Kaya nilulubos-lubos ko na. Napakakinis ng balat nito. Makapal at ang itim na itim niyang mga kilay at malalantik ang mga pilikmata nitong may kakapalan din na bumagay sa chinitong mga mata nito. Matangos ang kanyang ilong at may kanipisan ang kissable lips nitong mamula-mula ang kulay. Perfect din ang pagkakahulma ng jawline nito. Napakaamo ng kanyang mukha lalo na sa tuwing nakangiti ito at lumilitaw ang mapuputi at pantay-pantay niyang nga ngipin. Hindi ko tuloy mapigilang kiligin sa mga sandaling ito na kasabayan kong kumakain ang isang Lawrence Castañeda. Para akong nananaginip ng gising sa mga sandaling ito. Matapos naming kumain ay sinabayan pa rin ako nito. Ni hindi pinapansin ang mga babaeng nagpapapansin sa kanya na nadaraanan namin. "May oras ka pa ba? Gusto mo milk tea muna tayo? It's my treat," saad nito habang palabas na kami ng cafeteria. Lihim akong napangiti at kinikilig dahil kahit paano'y napapalapit na ako sa mahal ko. Kung bakit kasi hindi niya ako pinili noon sa auction party. Baka ngayo'y kami sana ang mag-asawa at hindi ang Montereal na 'yon ang nakabuntis sa akin. "May isang oras pa naman bago ang next class ko. Basta libre mo, hah?" nakangiting saad ko na ikinatawa nito at ginulo pa ang buhok ko. Para akong naka-jackpot ngayong araw dahil kasa-kasama ko na ang dream guy ko. Kahit maging magkaibigan lang kami ay napakalaking bagay na 'yon sa akin. Panay pa rin ang pasaringan sa akin ng mga kapwa naming estudyante dahil magkasama kami ng isa sa tinaguriang Greek God nitong university. "Mamatay kayo sa inggit! Wala akong paki." Piping usal ko at tinataasan na lang ang mga ito ng kilay lalo na't inaalalayan pa ako ni Lawrence. Dala rin niya ang handbag at libro kong lalo kong ikinakikilig. Inalalayan din ako nitong makasakay ng sportscar nito kahit pa maraming napapanganga sa amin at pinagbubulungan kami ay mukhang wala nga siyang pakialam. Sobrang saya ng puso kong makasama ito ngayon. Para akong nananaginip ng gising na sa wakas napansin na niya ako at ngayo'y pinasakay pa ako sa kotse nito. "Are you okay, baby?" basag nito sa katahimikan namin habang nakatuon pa rin naman ang attention sa highway. 'Di ko tuloy mapigilang mapangiti at pag-initan ng mukha sa pagtatawag niya sa akin ng baby. Ang sarap sa ears na tinatawag niya akong baby. Kung panaginip man ito ayo'ko na lamang gumising at dito na lang ako kung saan malaya kong kasama ang dream man ko. "Hey." Napapitlag ako ng mag-smack-kiss ito sa mga labi ko. Nag-init ang mukha kong sobrang lapit ng mukha nito sa akin at halos maduling na nga ako at nagpapalitan na lang kami ng nalalanghap na hangin. Ang init at bango ng hininga nitong tumatama sa ilong ko lalo't nakaawang bahagya ang mga labi nitong kani-kanina lang ay dumampi sa mga labi ko. "Sorry, kanina pa kasi tayo nandito. Pero parang nasa ibang lugar ang utak mo. You okay?" nangingiting saad nito habang matiim akong tinititigan. "Ahm, o-okay lang ako. Nasaan na ba--uhmm. . . L-Lawrence." Napunta sa ungol ang iba pa sanang sasabihin ko nang siniil ako nito sa aking mga labi. Unti-unting namigat ang talukap ng mga mata ko na napapikit. Kusang napaangat ang kamay ko na yumapos sa batok nito at dahan-dahang tinugon ang masuyong halik na ginagawad nito sa akin. "Uhmm." Napangiti ako na napaungol ito at mas pinalalim na ang halikan namin. Buong puso kong tinugon ang kanyang halik na ibang-iba sa kung paano ako halikan ni Kieanne. Napakabanayad ng ginagawad nito na tila ingat na ingat sa bawat paghagod ng kanyang mga labi sa akin. Hindi katulad ni Kieanne na halos lapain at paduguin na niya ang mga labi ko sa mapusok niyang pang-aangkin. Walang halong pag-iingat at pagmamahal. "Uhmm. . . L-Lawrence," hinihingal kong anas na bumitaw na dito. Namumungay ang mga mata nitong napatitig sa akin na may matamis na ngiti sa mga labi. Nag-iinit ang mukha ko na pilit sinalubong ang mga mata nitong nagniningning at matiim na nakatitig sa akin. Hinaplos ko ito sa pisngi na napapikit at hinawakan ang kamay ko. Tila ninanamnam nito ang init ng palad kong nakasapo sa makinis niyang pisngi. May ngiti sa mga labi na nakamata ako dito. Parang hinahaplos ang puso ko sa mga sandaling ito. Kung pwede lang patigilin ang oras para mas makasama ko pa ito ay gagawin ko. "Uhm, tara na?" untag ko. Dahan-dahan itong nagdilat na muling kinabig ako sa batok at malalim na inangkin ang mga labi ko. Walang pagtutol na tinugon ko itong ikinaungol nito na halos hindi na bitawan ang nga labi ko. Hinihingal tuloy kaming bumitaw sa malalim at may katagalan naming halikan. Nag-iinit ang mukha ko na mapatitig sa kanyang mga mata. Lalo na't nakangiti ito sa akin na hindi ko naman mabasaan ng kung anong tumatakbo sa kanyang isipan. Pilit akong ngumiti at iginala ang paningin sa paligid. Nasa labas na kami ng kanilang. . . exclusive coffee shop? Napatakip ako ng bibig ng makumpirmang ito ang bagong bukas nilang shop na nakangalan sa kanya. Napatingala ako sa pangalan nito at nakapaskil nga doon ang "Prince LC Coffee shop." "Wait for me, baby," anito na napa-smack kiss pa sa mga labi ko. Napalapat ako ng labi na napasunod ng tingin dito. Bumaba naman na ito at umikot sa side ko para pagbuksan ako ng pinto. Parang gusto ng lumuksa palabas ang puso ko sa ginagawa nito. Ni minsan hindi ko naranasang sumakay sa kotse ni Kieanne. Kahit nga ang nakasabayan ito sa pagpasok ng school o pag-uwi ng mansion. Para lang kaming stranger sa isa't-isa nagsimula no'ng gabing pinagtapat ko sa kanya ang lahat. Marahil tinamaan siya at 'di matanggap na natamaan ko ang ego niya kaya iniiwasan niya ako. Samantalang itong si Lawrence ay napaka-gentleman sa akin ngayon. Sana lang hindi siya magbago pagdating ng bukas. Sana hindi lang ngayong araw siya may sapi at naglalalapit sa akin. "What do you want to drink, baby?" malambing saad nito. Impit namang napapatili ang mga staff nito dito sa counter na nagpamula sa mukha ko. "Ahm, ikaw ng bahala," nakayukong sagot ko. Humawak naman ito sa baba ko at iniangat ang mukha ko sa kanya kaya muling napapatili ang mga staff nitong nakatakip ang kamay sa bibig. "Hmm. . . I have a better idea, baby." Gusto ko ng magpapapadyak sa sobrang kilig sa inaasta nito lalo na ang pagtatawag nito sa akin ng baby. Iginiya ako nito papasok ng counter at sinuotan ng apron uniform ng cafe nila. Maging ito'y nagsuot din. Natigilan ako ng nagtungo ito sa likuran ko at dahan-dahang itinali ang apron sa baywang ko. Maingat din nitong inipon lahat ng hibla ng mahabang buhok kong unat at nakalugay. Panay ang lunok ko habang inaayos nitong iniipon 'yon sa kanyang kamay at maingat pinusod kaya panay ang tuksuan at pag-irit ng mga kasama namin. Pinapanood na rin kami ng ibang costumer at ang iba'y pasimple kaming kinukunan sa kanilang cellphone pero ang nagpatuod sa akin ng mahagip ng paningin ko ang isang pares na nasa may pinto at matiim nakatitig sa akin. Napalunok akong nag-iwas tingin dito dahil iba na naman ang nakalingkis sa kanyang baywang na sosyaling babae at mukhang estudyante din sa university. Bumaling na ako kay Lawrence ng hilahin ako nito sa kanilang mga coffee maker at pum'westo sa likuran ko. "T-Teka, h-hindi ako marunong," pagtatapat ko. Para akong natulos ng yumakap ito mula sa likuran ko at hinawakan ako sa dalawang kamay. Ramdam ko ang pangangatal ng mga kamay ko habang nakayakap ito at iginigiya ang kamay kong gumagawa ng kape namin. "I'll guide you, baby. Madali lang matutunan 'toh," bulong nito sa punong-tainga kong ikinalunok ko. Dama ko ang init ng hininga nito at halos nagsasagihan na rin ang pisngi namin dahil pinatong pa nito ang baba sa balikat ko habang hawak nito ang mga kamay kong dinidisenyuhan ang kape namin. 'Di ko mapigilang mapangiti at namnamnin ang sandaling ito na yakap ako ng isang Lawrence Castañeda! Matapos namin magawa ang dalawang kape na nakayakap ito mula likuran ko ay namamangha kong iniangat iyon. "Wow! Ang ganda, Lawrence! The best ka talaga!" namamanghang bulalas ko. Yumapos naman ito sa tyan ko at mas isiniksik ang mukha sa balikat kong ikinalunok kong muli. "Yeah, sobrang ganda. Pinakamaganda." Saad nito. Napalis ang ngiti ko at napalingon dito. Namilog ang mga mata ko ng sa akin pala ito nakatingin n magkalapit lang ang mukha namin at kaagad nitong sinunggaban ang nakaawang kong mga labi. Napakurap-kurap pa ako na ngayo'y ang isang Lawrence Castañeda ang nakayakap sa akin at masuyong humahalik sa mga labi ko. "Uhmm, baby," ungol nito at mas pinalalim pa ang paghalik sa mga labi ko. Napapikit ako at 'di na alintana ang mga nagtitilian at palakpakan sa aming tao. Yumakap ang isang braso ko sa batok nito at masuyong tinugon ito na mas ikinahigpit ng pagkakayakap nito sa akin. Bawat hagod ng kanyang mga labi ay para akong tinatangay sa alapaap. Napakasarap damhin ng kanyang paghalik na puno ng pag-iingat. Napakatamis din ng lasa ng mga labi nito na nalalasahan ko pa ang mint na gamit nitong kay tamis at bango. "Ahem!" Napabitaw kami ni Lawrence sa isa't-isa ng may tumikhim mula sa likuran namin. Napabitaw ito sa pagkakayakap at bakas ang gulat sa gwapo niyang mukha ng mabungaran sa harap nitong counter ang dalawang magkayakap na tao. Ngiting-ngiti pa ang babaeng sosyalerang nakayapos sa tagiliran nito habang ito'y nakaakbay sa babaeng kasama pero matiim kaming tinititigan ni Lawrence. Inismidan ko ito at dinampot na ang dalawang basong kape na dinesenyo namin ni Lawrence. "What's up, dude! Nadaan ka?" ani Lawrence sa normal na tono. Tumikhim pa ulit si Kieanne na akala mo'y barado ng plema ang lalamunan. Nag-iinit ang mukha ko na nakita niya kaming naghahalikan ni Lawrence. Hindi ko tuloy mapigilang kabahan lalo na't bakas sa mga mata nito ang tila nag-aapoy na galit nang mapasulyap ito sa akin. Hindi ako makatitig sa kanya ng diretso. Kahit naman kasi walang pagmamahalan ang pagsasama namin ni Kieanne ay asawa ko pa rin ito. May parte sa puso ko na guilty ako sa bagay na iyon lalo na't nakita niya akong may ibang kahalikan. Napapaisip tuloy ako kung nagu-guilty din kaya siya sa tuwing makikita ko siyang may kahalikan? O sadyang bato na ang puso nito na walang kunsensya sa katawan. "Sadya talaga kita, gusto sanang mag-night swimming ang barkada mamaya," saad nito. Ramdam ko ang panaka-nakang pagsulyap nito na 'di ko pinapansin at namamangha pa rin sa ginawa naming kape ni Lawrence. Napapitlag ako ng umakbay si Lawrence kaya aksidente tuloy akong napatingin kay Kieanne na ngayo'y matiim pa ring nakatitig sa akin. Nagpantig pa ang panga nito at napalunok. "Ahm, baby. Gusto mo bang sumama tayo?" malambing saad nito sa akin. Ako naman ang napalunok at nangatal ang buong katawan sa tanong nito. "Bumaba yata ang standard mo, dude? Ganyang tipo na ba ng babae ang gusto mo ngayon?" may halong pang-uuyam nitong saad kay Lawrence. Napayuko ako at 'di makatingin sa kanila ng diretso. Parang nangapal bigla ang mukha ko sa tono nitong may halong panliliit sa akin. Pumisil naman ang kamay ni Lawrence na nakaakbay sa akin sa braso ko. "Hindi naman nabawasan, dude. Kaya nga siya ang girlfriend ko eh," ani Lawrence na mababakasan ng sinsiro at pagmamalaki. Napaangat ako ng mukha at nagkaroon kahit paano ng confident sa sinabi nito. "Tsk! Seriously, dude? You know what kind of woman she is, right?" bulalas nitong tila hindi makapaniwala sa narinig kay Lawrence. "Watch your words, Kie. Don't you dare to insult my girl especially in front of her. Respect what's belongs to be mine, dude. And I'll respect what's yours." Para niyang hinaplos ang puso kong durog-durog na dahil sa pesteng Montereal na 'to! Tinitigan pa niya ako ng mapang-uyam at bumaling sa kayakap. Hinalikan pa niya ito sa ulo na ikinaismid at ikot ng mga mata ko. "Alright, it's up to you, dude. Madali mo lang din namang pagsawaan 'yan," dagdag pa nito na sa akin nakatingin. Napayuko ako at 'di maiwasang pamulaan sa pagpapahiya na naman nito sa akin. Na tila ako na ang pinakamababang uri ng babae na nakilala nito. Samantalang alam niya naman sa kanyang sarili na siya ang nakauna sa akin. Kung hindi niya lang ako pinutukan nang pinutukan? Wala sanang nabuo sa sinapupunan ko. Ngayon pa lang ay naaawa na ako sa anak namin. Kapag nagpatuloy na gan'to ang relasyon namin ni Kieanne ay kawawa lang ang anak ko. Kung bakit naman kasi nakaligtaan ko ang paggamit ng birth control noon. Wala sanang inosenteng buhay ang nadamay ngayon sa kalapastanganan ng bwisit na Montereal na 'to. Napayakap ako sa baywang ni Lawrence na ikinalingon nito. Matamis akong ngumiti at parang nag-slow-mo ang paligid nang mamula ito sa pagyakap ko. Pero 'di naman umangal kundi unti-unting napangiti habang nakatitig sa mga mata ko. "Tara na, may klase pa tayo," pag-aaya ko na dito. "Oh, sorry I almost forgot. Baka ma-late ka na sa klase mo," bulalas nito. Kaagad nitong hinubad ang suot na apron at isinunod ang akin. Napapangiti na lamang ako sa ka-sweet-an nito kahit pa nakaharap ang peste niyang kaibigan na proud pang ibalandera sa akin ang pagpapalit-palit nito ng babae. Ni-selled din nito ang kapeng gawa namin at inayos ang ilang hiblang buhok kong tumabing sa mukha ko kaya 'di ko maiwasang kiligin. "Let's go, baby?" Matamis akong napangiti at tumango dito. Napangiti na din ito at muling umakbay sa akin bago humalik sa noo kong ikinainit lalo ng mukha ko. Maging ang babaeng nakayakap kay Kieanne ay mababakasan ng inggit habang matamang nakatitig sa amin. Kagaya ng mga babaeng nandidito sa loob ng shop at pinagtitinginan ang may-ari na napaka-sweet sa akin. "Ahm, we'll go ahead, dude. Kita tayo tonight. I-convince ko pa 'tong girlfriend ko eh," anito kay Kieanne bago dinampot ang takeout coffee namin at iginiya na ako palabas ng counter. Hindi ko na nilingon pa si Kieanne dahil wala naman akong pakialam sa kanya. Masyadong pinapakilig ni Lawrence ang puso ko kaya wala na akong oras pagtuonan ng pansin ang sumira sa buhay ko. Diretso kaming lumabas ng shop at akmang papasok na ako sa kotse nito ng may humablot sa braso ko kaya maging si Lawrence ay nabigla sa pagsulpot ni. . . Kieanne. Nagpapantig pa ang panga nitong nanlilisik na naman ang mga mata sa akin kaya 'di ko maiwasang kabahan sa nakikita sa kanya. "Hey, Kieanne. Bitawan mo nga siya," saway ni Lawrence at binaklas ang kamay ni Kieanne sa braso ko. Muling nagpantig ang panga nito ng makalas ni Lawrence ang kamay nitong bumakat pa sa braso ko dahil sa higpit nitong humawak. "Ang lakas naman ng loob mong lapitan ang kaibigan ko?" mahina pero madiing saad nitong sa akin nakatingin. Nag-init ang mukha ko at napayuko dahil nahihiya ako kay Lawrence sa inaasta na naman nitong pangmamata sa akin. "That's enough, dude. Hwag mo siyang pag-initan. Ako ang lumapit sa kanya," saad ni Lawrence na nagpaangat ng mukha ko. Nagpantig ang panga nito at sinamaan ako ng tingin bago bumaling kay Lawrence na taimtim ding nakatitig sa kanya. "And what do you think your doing, huh?" madiing saad nito. Nagkibit-balikat lang naman si Lawrence na muling ikinapantig ng panga nito. "Binabawi ko lang ang akin, Kieanne," balewalang sagot nitong ikinalunok ko. Anong ibig niyang sabihing binabawi niya ako? Tanda niya rin ba ang unang tagpo namin? O napili niya ako sa auction pero kinuha ako ni Kieanne? "Tigilan mo na 'to, Lawrence. Hindi ang babaeng 'yan ang makakasira sa friendship natin," mas kalmadong saad nito. Umiling naman si Lawrence dito at muling umakbay. Tila walang pakialam kung magbuga pa ng apoy ang kaibigan nito. "Wala namang masisira, dude. We're still friends. But I won't let her go. She's my princess, you know that." Anito. Napalunok akong napatingala dito. Matiim na silang nagkakatitigan na tila naglalaban sa kanilang isipan habang nakatitig sa isa't-isa. "She's my wife now, Lawrence. At dala-dala niya ang anak ko," ani Kieanne sa madiing tono. Pagak namang natawa si Lawrence at napailing ditong ikinakuyom ng kamao ni Kieanne. Sa nakikita ko sa kanyang mga mata ay para na itong bulkang sasabog. "Then annul her. Para mapakasalan ko na siya." Balewalang sagot ni Lawrence dito. Natigilan kami pareho ni Kieanne pero maya pa'y napailing itong nagpamewang na tila hindi makapaniwala sa narinig. "Seriously? Aagawin mo talaga ang asawa ko? Bakit, aso ka na ba ngayon, Castañeda? Mahilig ka na sa mga butong nalawayan na ng iba," may halong pang-uuyam nitong saad. Kalmado lang naman si Lawrence at 'di ko mabasaan ng emosyon. Kahit nang-iinsulto na si Kieanne sa amin ng harap-harapan. "Sa ating dalawa. Alam mo kung sino ang mang-aagaw sa atin. Binabawi ko lang. . . ang dapat ay sa akin. Sa ginagawa mo ngayon sa kanya? Tingin mo ba hahayaan kong magdusa siya sa'yo? Sorry to say this, dude, pero girlfriend ko na si Janella. Bakit hindi mo na lang balikan 'yong babae mo sa loob? Hindi ba't ganoo'ng klase ng babae ang mga gusto mo? So bakit mo kami pinapaki alaman ni Janella?" saad nito. Kita sa mukha ni Kieanne na natigilan ito at bahagyang namula. Naging mailap din ang mga mata nito sa akin na ipinagtaka ko. "Ako ng bahalang magpawalang bisa ng kasal niyo. Pirma mo lang ang kaylangan ko. H'wag mong alalahanin ang anak mo, handa ko siyang tanggapin ng buong-buo," anito at inakay na akong pumasok ng kotse nito. Napayuko akong nangilid ang mga luha. Kahit paano ay naibsan ni Lawrence ang bigat na dala-dala ko sa mga sinaad nito kay Kieanne. Mapait akong napangiti na napayuko para ikubli ang pag-alpasan ng butil-butil kong luha. May parte sa puso ko ang masaya na malamang may halaga din pala ako kay Lawrence. Pero nasasaktan pa rin sa muling pangmamata sa akin ni Kieanne. Hindi ko maiwasang manliit sa sarili sa mga sinaad nito. Tanggap ko naman na hindi ako ang karapat dapat sa isang katulad niya. Pero masakit pa rin kapag paulit-ulit niya iyong sinasabi at pinapamukha sa akin. Lalo akong nanliliit sa sarili ko sa mga pangmamata sa akin. . . ng asawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD