JANELLA:
NATULALA si Tita Sam sa sinaad ko na ang anak nito ang lumapastangan sa akin.
"I'm sorry, hija, pero. . . si-sigurado ka ba? Ang Kieanne ko ang humalay sa'yo?" natutulalang tanong nito na ikinatango-tango ko.
Napasapo ito sa noo at napahinga ng malalim habang pinagmamasdan ako. Lalo akong kinakabahan sa pinapasok ko ngayon pero isa lang ang sigurado ako.
Hindi ko hahayaang lumaki ang anak kong kagaya kong isa lang bastarda.
Handa akong magtiis sa piling ni Kieanne kung 'yon ang kinakailangan. May makagisnan lang ang anak ko na buong pamilya ay gagawin ko. Lahat titiisin ko, alang-alang sa anak ko.
"K-kaya ko pong patunayan ang sinasabi ko, Tita. Kahit ngayon pa mismo ay pagharapin niyo kami ni Kieanne. Dahil maging sa university ay nagawa niya akong babuyin," nakayukong saad ko.
Napaangat ako ng mukha ng si Tita na mismo ang humawak sa baba ko paangat sa kanya. Pilit itong ngumiti at hinaplos ako sa mukha. Bakas doon ang halu-halong emosyong 'di ko mapangalanan.
Alam kong nasasaktan siya ngayon sa isiniwalat kong kagagawan ng sariling anak. Pero ito na lang ang huling alas ko para 'di na maghirap ang anak ko. 'Di baleng ako na lang ang makaranas no'n. Mas kakayanin ko 'yon. Kaysa panooring maghirap ang anak ko sa habang panahon.
SUMAMA ako kay Tita Sam umuwi ng mansion nila. Halos 'di ako magkandamayaw kakatingala sa naglalakihan at naggagandahang chandelier sa kisame nitong sala nilang kasinlaki na ng building ng apartment namin ang lawak.
Para akong nasa totoong palasyo sa mga palabas. Nagkikita-kita pa kaya sila dito? Eh kahit yata buong araw kong libutin ang mansion nila ay 'di ko matatapos sa loob lng isang araw.
Tumuloy kami sa may sala at naabutan doon ang isang nasa mid 40's ng lalake na prenteng nanonood sa TV nilang naka-hang sa pader. Napapanganga na lamang ako dahil para na iyong kasinlaki ng sinehan!
"We're home, baby," saad ni Tita Sam kaya napalingon ito.
Napakalapad ng ngiti nitong sinalubong ang asawa ng napakahigpit na yakap at hinalikan din sa mga labi kaya kusang napaiwas ang mga mata ko sa kanila. Nakakainggit ang sweetness nilang mag-asawa. Sana balang araw gano'n din kami ni Kieanne. Lalo na't magkakaanak na kami.
Nag-init ang mukha ko ng maalalang siya 'yong binata noong ninakawan ko ng halik sa mga labi!
Ipinakilala ako noon ni Kieanne sa kanya na siya ang ama nito. Para akong na-love at first sight sa kanya at sinabing hintayin niya akong magdalaga dahil pakakasal ako sa kanya. Pero ngayon. Ngayon magiging in-laws ko pala siya.
"Ang pilyo mo talaga. May bisita tayo," narinig ko pang angil ni Tita kaya napahagikhik ito.
Parang walang nagbago sa itsura niya kahit labinlimang taon na ang nakakalipas. Gano'n na gano'n pa rin ang itsura niya.
Kung pagtatabihin sila ni Kieanne ay para lang silang mag-Kuya. Kamukhang-kamukha niya si Kieanne at para lang silang kambal dahil napakabata pa rin ng itsura.
Gano'n talaga siguro ang mayayaman. Wala silang kina-i-stress-an kaya hindi kumukulubot ang balat. Idagdag pang kasa-kasama niya ang taong pinakamamahal.
Kita sa kanilang mukha kung gaano sila kasaya at nagniningning ang mga mata sa isa't-isa.
Nakakainggit. Sana balang araw maranasan ko rin, ang magmahal at. . . mahalin ng mahal ko.
Pero napaka-imposible naman 'yon dahil kabaliktaran ang sa amin ni Kieanne.
Hindi kami nagmamahalan. Lalong hindi niya ako mahal.
"Ahm, who is she, baby?" anito.
Napayuko ako sa baritonong boses nito na ang tinatanong ay ang asawa. Magkayakap na naman sila sa harap ko kaya 'di ko maiwasang mailang na kaharap ang magiging in-laws ko.
"Ahem! Ella anak?"
Pagtawag sa akin ni Tita sa malambing na boses kaya dahan-dahan akong napaangat ng mukha.
Nakangiti na silang dalawa na nakatutok sa akin. Iginiya nila ako paupo sa magara at napakalambot nilang sofa. Lumundo pa ang pwet ko sa sobrang lambot.
"Baby, siya nga pala si Janella. Anak siya ng dating kaibigan ko sa Ilocos. Kababata ng Kieanne mo. Nasaan na nga ba ang batang 'yon?"
Kinabahan naman ako ng mabanggit nito ang anak at nagpalinga-linga pa.
"Nasa kwarto niya, baby. Ahm, anak ka'mo ng kaibigan mo?" saad nito sa asawa.
Muling napabaling sa amin si Tita. Napahinga ito ng malalim bago nagpatuloy.
"Yeah, ng matalik na kaibigan."
Napangitngit pa ang ngipin nito at mahigpit napakuyom ng kamao.
Siya namang pagbaba ni Kieanne sa may kahabaan at fully carpeted nilang hagdanan.
Kahit naka-boxer short at white plain sando lang ito na sabog-sabog ang buhok ay para pa rin siyang isang tunay na prinsipe sa tindig at itsura. Napakagwapo pa rin niya at kahit sino'y mapapanganga na lang habang pinagmamasdan siyang dahan-dahang naglalakad.
Napakunotnoo ito ng magsalubong ang mga mata namin kaya napayuko ako. Binundol ako ng kaba na nagpangatog sa mga tuhod ko. Parang gusto ko na lang tumakbo palabas dahil nanunuot sa mga buto ko ang matiim nitong mga mata habang papalapit sa gawi namin.
"There you are!" may kalakasang singhal ni Tita na lalo kong ikinakaba.
Napatayo pa ang mga ito at tuluyan na nga'ng nakalapit sa amin si Kieanne. Ramdam ko na ang kakaibang negative vibes nitong dala-dala.
Hindi ako makaangat ng mukha sa kanila. Ramdam ko ang tensyon na nagsimula sa kagagawan ko.
"What's wrong, Mom?"
Napalunok ako na muling narinig ang boses nitong buong-buo ang pagkaka-baritone.
Kalmado rin iyon at may halong lambing. Naramdaman ko naman ang paglundo ng katabi kong sofa at nakakapaso ang init ng dala-dala nito sa aming pagkakalapit. Muli rin naupo sina Tita at asawa nito sa katabi naming couch kaya napapagitnaan ako.
"Get ready yourself for your upcoming wedding this weekend."
Para akong nabuhusan ng tubig sa diretsahang saad ni Tita na nagpagulat sa mag-ama at kapwa napatayo.
Napahigpit ang pagkakalakumos ko sa laylayan ng damit ko sa sobrang kabang nararamdaman ko ngayon.
"What?! Who?!" pasigaw na tanong ni Kieanne na mababakasan ngayon ng gulat at pagkairita.
"Hijo, lower your voice. H'wag mong sigawan ang Mommy mo." Saad naman ni Sir Khiranz sa kalmadong tono.
Muling lumundo ang couch na kinauupuan ko sa pabalang pag-upo ni Kieanne.
"Ella is pregnant. You've got her pregnant, didn't you?" mariin akong napapikit sa muling diretsahang sinaad ni Tita.
"What?!"
Si Sir Khiranz naman ang napalakas ang boses na balas ang kagulatan sa sinaad ng asawa.
Ramdam kong natigilan ang katabi ko na napipi na yata dahil hindi agad nakasagot.
"You heard me right, baby. Itong magaling mong anak!" pagbulyaw nitong muli.
Napahinga ito ng malalim bago nagpatuloy.
"Marry her, Kieanne. Panindigan mo si Ella. I've already know everything you did to her," mas kalmadong saad nito.
Pagak namang natawa si Kieanne na tila hindi makapaniwala. Para na akong naninigas sa sobrang kaba at takot sa ngayon. Kahit anong kalma ko sa sarili ay 'di ko magawang kalmahin.
"No way, Mom. Why should I marry someone like her. She's like a slut kind of woman. Hinding-hindi ko pakakasalan 'yan," mapang-uyam nitong sagot na ikinainit ng mukha ko.
Nanubig ang mga mata ko at walang ibang magawa kundi tahimik na umiiyak habang nakayuko at nakikinig sa usapan nilang pamilya.
Maya pa'y biglang sinugod ito ni Tita at malakas na sinampal na ikinaangat ko ng mukha. Nanggagalaiti si Tita na kaagad inawat ng asawa.
Nabigla si Kieanne at tila 'di makapaniwalang napahaplos sa pisnging namula at bumakat ang kamay ni Tita sa lakas ng pagkaka samapal dito at napatagilid pa.
"Matapos mo siyang pwersahin at pagparausan ito pa ang sasabihin mo!? What's happening to you, Kieanne?! Hindi ako nagpalaki ng anak na rapist! Panindigan mo siya! Dahil sa kagagawan mo inatake sa puso ang ina niya at ngayo'y ulila na siya! Paano mo nagawa ito, Kieanne?! Saan ako nagkulang sa paggabay sa'yo, huh?! Saan, tell me?!"
Sunod-sunod nitong pagbulyaw sa anak habang pilit inaabot kalmutin ito pero mahigpit namang yakap ng asawa mula sa likod at pilit inilalayo kay Kieanne.
Kita ang gulat sa mukha ng asawa na ngayo'y matiim na ring nakatitig kay Kieanne na nagpapantig ang panga habang kuyom ang mga kamao.
"Someone died because of you, Kieanne. And that woman is my friend. Paano mo nagawa ito, anak? Bakit, bakit si Ella pa? Anak siya ng kaibigan ko na naging karamay ko sa mga nang-aalipusta noon sa akin sa mga mapanghusgang tao dahil nanganak ako ng bata at walang ama. Hindi mo ba siya nakikilala, anak? Siya si Ella. Ang kababata mo sa Ilocos. Anak ng Tita Jaya mo. Anak naman, paano mo naatim pagsamantalahan ang katulad niya?" mahabang litanya ni Tita na nagpatahimik lalo sa mag-ama.
Naging kalmado na rin si Tita kaya nabitawan na siya ni Sir Khiranz at iginiya sa kaharap naming sofa.
Patuloy sa pagragasa ang mga luha ko. At least kahit paano'y may kakampi ako sa mansiong ito. May matatakbuhan ako.
"Is that true, son?" kalmadong tanong ni Sir Khiranz sa anak na tila walang pakialam sa mga nangyayari.
"Siya ang lumapit, Dad. Ibinenta niya ang sarili niya. What's wrong with that?"
Para akong nanigas at sinampal sa katotohanan sa sinaad nito na nagpaputla sa mag-asawa. Natahimik kaming lahat at nagpaparamdaman.
Maya pa'y muling nagsalita si Tita.
"But still. She's pregnant now. Panindigan mo ang kagagawan mo
Dahil hindi ko hahayaang lumaki ang apo ko ng walang amang makagisnan tulad mo noon," ani tita.
"No, Mom. I won't. Pera lang naman ang habol ng babaeng 'to eh. Why don't we just give her money. Magkano ba kailangan mo para tantanan ako, huh? Is one million's enough? Two? Three? Name your price, b***h?!"
Napapitlag ako sa paglakas ng tono nito gayo'ng katabi ko lang.
"Don't shout at her, Kieanne. Buntis siya at hindi maganda sa kanya ang nai-stress," pagbabanta naman ni Tita na ikinatawa nitong muli ng pagak.
"So what? I don't care, Mom. Sigurado ka bang akin 'yan, huh?" muling baling nito sa akin na nakayuko.
"Answer me, b***h!"
"Kieanne! Don't call her that way!" muling babala ni Tita sa pang-iinsulto nito sa akin.
'Yon talaga ang tingin niya sa akin. Isang mababa at bayaring babae kaya 'yon din ang pinaparamdam niya sa akin sa dalawang beses niyang pangbababoy sa akin.
Tumango-tango ako dahil ramdam ko namang nakatingin sila sa akin. Hiyang-hiya na ako. Gusto ko na lang bumuka ngayon ang kinaroroonan ko at lamunin ng lupa sa ilalim.
Para akong sinasaksak sa mga naririnig ditong pangmamaliit, pang-uuyam at insulto sa pagkatao ko. Ramdam na ramdam ko, kung gaano siya kalayo sa isang hampaslupang katulad ko.
"Let's take a PPT test to prove if it's yours, son. Once we find out that it's not yours, I'll sent her to jail for trying to ruin your life."
"What?! Are you out of your mind, huh, Khiranz?!" muling bulyaw ni Tita pero sa asawa na niya sa nakatuon dahil sa sinaad nito.
"What? You heard your son, Sam. She sold her body for f*****g money. Kaya paano tayo makakasigurong kay Kieanne nga ang dala-dala niya? Hindi madali ang ipakasal na lang ang unico hijo ko sa kung sino-sino na lang d'yan. Tagapagmana ang anak ko. Of course maraming magkakandarapang maghabol sa kanya. Dahil kapag siya ang napangasawa? Tiyak magbubuhay reyna ang babaeng pakakasalan niya," mahabang litanya pa nito kaya lalo akong nanliit sa sarili.
Tama naman siya, pero hindi naman ang pera nila ang habol ko. Tanging hangad ko lang naman ay lumaki ang anak ko na kumpleto ang pamilya niya. Na hindi na niya mapagdaanan ang hirap at pasakit na dinanas ko dahil wala akong ama.
"I can't believe you, Khiranz. Paano ka nakakapagsalita ng ganyan, huh? Anong nangyayari sa inyong mag-ama? Bakit pakiramdam ko ibang-iba na kayo sa mag-ama ko," humihikbing saad ni Tita na ikinatigil ng asawa at kaagad inalo.
Napahagulhol na ito kaya maging si Kieanne ay tumayo na inalo ang ina.
"Saan ako nagkamali? Bakit, anak ko? Sabihin mo kay Mommy. Saan ako nagkamali sa paggabay sa'yo? Anak naman, buong buhay ko inilaan ko na sa inyong mag-aama ko. Para mapangalagaan at mapagsilbihan kayo. Ito pa ba ang isusukli niyo sa akin, huh?"
Para akong sinasaksak sa mga naririnig kay Tita habang humihikbing kinakausap ang mag-ama nitong nakayakap na sa kanya.
"Fine. Let's take prenatal paternity test. Once the result confirm that the baby is mine. I'll marry her," walang emosyong saad nito na nagpaliwanag ng paligid ko.
Napaangat ako ng mukha at nakitang nakatayo na ito. Nangliwanag na rin ang mukha ni Tita sa narinig mula sa anak.
Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil kampante naman akong siya ang ama ni baby dahil wala namang ibang nakagalaw sa akin kundi siya lang.
"I'll just. . . I'll just call our family doctor. Hindi ito biro kaya kailangan nating mag-ingat ng hindi masira ang anak ko sa publiko. Sigurado ka ba, hija? P'wede ka pang umatras at amining gumagawa ka lang ng kwento para mapikot mo ang anak ko. Oras na mapatunayan kong hindi 'yan kay Kieanne? I swear, may kalalagyan ka. Pinakaayaw ko sa lahat. . . ang mga mapagsamantalang tao para lamang sa pera." Madiing saad nito na sa akin nakatingin.
Napalunok ako at napahinga ng malalim bago tumayo at matapang na sinalubong ang mga mata nito para ipabatid na hindi ako nagsisinungaling. Natigilan naman ito pero matiim ding nakipagtitigan sa akin.
"I'm sorry, Sir. Pero nakakasiguro po ako, dahil pinalaki ako ng Mama ko na hindi sinungaling at mangloko ng tao. Oo mahirap lang po kami. Pero ni minsan, Sir. Ni minsan sa buhay naming mag-ina, hindi po kami nangloko makalamang lang sa iba. Higit sa lahat, wala po kaming inagrabyado at sinamantala," matatag kong saad na ikinatango-tango nito.
Maya pa'y may tinawagan ito kaya muling natahimik kaming tatlo. Hanggang sa dumating na ang ilang tao nila at kinunan kami ng samples.
Tahimik lang naman si Kieanne at 'di ko mabasahan ng emosyon. Pero ramdam kong ayaw nito at siguro ay kumpyansa siyang hindi kanya ang dinadala ko. Kasi nga naman. . . sinong matinong babae ang sasama sa mga bayarang babae para makipag-one-night stand sa kanila.
Kaya hindi ko siya masising isang puta ang tingin at turing niya sa akin.
Ako ang gumawa nito sa sarili ko. Ako ang naglapit sa sarili ko. Kaya wala akong karapatang magreklamo.
PINATULOY muna ako ni Tita sa isa sa kanilang guests room. Namamangha ko namang iginigiya ang paningin sa paligid. Para akong nasa mamahaling hotel na sa palabas ko lang nakikita.
Hindi ko lubos akalaing mararanasan kong tumira sa isang mansion. Totoong mansion. At ngayo'y mapapangasawa ang isa sa tinaguriang batang bilyonaryo. Isang herederong maingay ang pangalan dito sa bansa at abroad dahil sa pagiging dugong Montereal nito.
Naupo ako sa gilid ng kama na halos kasinlaki na ng sala namin ni Mama sa apartment. Napakalambot at komportable nitong upuan. 'Di ko tuloy mapigilang mapangiti na magiging kwarto ko na ang gan'to kagarang silid.
Mas magara pa ito sa silid ng hotel nila Kieanne na pinasukan namin noon. Sumampa ako at nahiga sa gitna. Lumubog pa ang katawan ko sa sobrang lambot nito. Nakahinga ako ng maluwag at nakaramdam ng antok. Hindi ko namalayang nakaidlip na ako sa sobrang pagod sa maghapong ito.
NAALIMPUNGATAN ako ng may yumugyog sa balikat ko. Nakangiting mukha ni Tita Sam ang bumungad sa akin kaya umayos ako ng pagkakaupo.
"How are feeling, anak?" malambing tanong nito.
Napangiti ako na napatango dito.
"Maayos naman po, Tita." Saad ko na ikinailing nito.
"No, from now on hindi na Tita ang itatawag mo sa akin dahil magiging mother in law mo na ako. You should call me. . . Mommy. Okay?"
"P-Po?!" gulat kong tanong na ikinatawa nito at hinaplos ako sa pisngi.
"Lumabas na ang results. And confirmed, kay Kieanne ang dala-dala mo. Pagpasensiyahan mo na ang mag-ama ko, ha? But don't worry, hindi naman kita pababayaan dito. You can count on me, hija. Para na kitang sariling anak. Nakikita ko sa'yo ang sarili ko noong pinagbubuntis ko si Kieanne. Babae ako at may anak din akong dalagita. Ayo'kong dumating ang karma na maulit sa anak kong babae ang kalokohan ng anak kong lalake. Kaya hindi ko kokonsintihin si Kieanne. Trust me, sa mansiong ito? Ako ang nasusunod. Kahit nga ang isang Khiranz Montereal ay walang kalaban-laban sa akin. Takot lang niyang iwanan ko siya tangay ang mga tagamagmana niya," saad nito na ikinangiti at gaan ng loob ko.
"Salamat po ng marami, Tita. . . ahm, I mean. . . M-Mama."
Matamis itong ngumiti at hinaplos ang impis ko pang tyan.
"Basta isa lang ang pakiusap ko, anak."
Tumingin ito sa mga mata ko ng diretso habang haplos ang tyan ko.
"Alagaan mo ang sarili mo dahil dala-dala mo ang unang apo ko. Kahit h'wag mo ng pangalagaan ang anak ko. Ang mahalaga. Kayong dalawa ng bata. Maasahan ko bang pangangalagaan mo ang apo ko, anak?"
Napatango-tango ako na ikinangiti nito lalo.
"Opo, Mama. Patawarin niyo po ako kung naisipan ko siyang ipa-abort. Mabuti na lang nilinawan pa ng Diyos ang utak ko at kusang sinolusyonan ang problema ko sa pagdadala niya sa inyo sa saktong oras na upos na ako."
Naluluha naman itong niyakap ako ng mahigpit habang hinahaplos ang buhok ko.
Nakaramdam ako ng ginhawa at parang pinapawi ni Mama Sam ang pangungulila ko kay Mama. Mabuti na lang at hindi nagbago si Mama Sam kahit pa asawa na siya ng isa sa sikat na quadruplets ng pamilya Montereal. Buhay reyna na nga siya pero nananatili ang puso niyang mababa at hindi mapagmalaking tao.
SABAY kaming bumaba ni Mama sa napakalawak nilang dining. Magkakaharap pa rin naman kami at inalalayan ako nitong makaupo. Isang ngiti at tango lang naman ang ginawad ni Sir Khiranz na ikinayuko at ngiti ko.
Kasalukuyan namang naghahain ang mga maid nilang pare-pareho ng uniporme.
Mga bata pa sila kung tutuusin at magaganda din. Napakahinhin pero mabilis silang kumilos at walang kaingay-ingay. Habang nanonood sa gilid ang isang may katandaang babae na nakauniporme din ng pangkatulong.
Tinataasan pa ako ng kilay na tila sinusuri niya ako sa kanyang matatalim na matang natatakpan ng round reading glasses nito.
Maya pa'y may isang mala-anghel na bumungad sa pinto nitong dining. Napatulala pa ako sa pagpasok nitong tila pinahinto saglit ang oras. Nakangiti itong lalo niyang ikinaganda at nakalugay ang unat at mahabang blonde hair nito. Kulay abo pa ang mga mata nito kaya mapagkakamalhan mong isang totoong prinsesa.
"Good evening, Mom! Dad!" bungad nito.
"There you are, sweetheart. Come join us. Dinner is ready," malambing saad ng ama nito na may matamis na ngiti sa dalagang kapapasok lang.
"Kung gano'n ito ang nakababatang kapatid ni Kieanne? Si Sofia Montereal na tinaguriang 'the fantasy princess' ng mga fans nitong umaabot lang naman ng milyon," piping usal ko.
"Sure, Dad."
Maging boses nito'y parang anghel na kay lamig at lambing ang dating.
Humalik pa ito sa mga magulang bago naupo sa kaharap kong silya. Napayuko ako ng mapatingin ito sa akin.
"Who is she?" taanong nito at nakakatiyak akong ako ang binabanggit nito.
"Ahm, Janella anak. Siya nga pala ang nakababatang kapatid ni Kieanne. Si Sofia, Sofi anak. Meet Janella, your sister in law."
"What?!" gulat nitong bulalas at napatayo pa sa sinaad ni Mama kaya lalo akong napayuko.
"Oh, sorry. I didn't mean anything. I was just. . . I was just surprised. Hey, are you okay there? Why are you hiding your face to me?"
"Siguro dahil nahihiya siyang iharap ang mukha niya sa mukha mo, baby."
Para akong binuhusan ng tubig sa baritonong boses na pabalang umupo sa tabi ko. Kahit hindi ako mag-angat ng mukha ay alam na alam kong si Kieanne ito.
"Tsk! Why are you acting like that, Kuya? Aren't you happy?" ismid nito sa kapatid na may pagmamaldita sa tono lalo na ang accent nito.
"Just ignore her. I'll only marry her because she's accidentally carrying my child." paismid din nitong ingos sa kapatid na napatili.
"OMG! She's pregnant?!"
"Hey, lower your voice, sweetheart. Yes, she's pregnant and their getting married this weekend so settled that day, okay?" maalumanay namang saad ni Mama dito.
"Hindi ka ba kakain? H'wag mo ngang gutumin ang anak ko sa sinapupunan mo. Saka ka na lang magpagutom, kapag nanganak ka na."
Napaangat ako ng mukha sa madiing saad ng katabi ko.
"Sorry."
"Tsk," ismid nito at pinaglagay pa ako sa plato ng mga pagkain.
Nangingiti naman ang pamilya nitong kaharap namin kaya lalo akong naiilang at halos 'di malunok ang kinakain dahil nakatitig sa akin ang kapatid nito habang mahinhing kumakain.
"Try this one, maganda daw sa buntis ang mga isda." Saad pa nito.
Pinaglagyan na naman ako kahit hindi ko pa nakakalahati ang itinambak nitong samo't-saring pagkain sa plato ko. Hiyang-hiya na nga ako dahil napakaraming pagkain sa plato ko samantalang ang mga kasama ko'y sakto lang.
"Tama na, hindi ko mauubos ang mga 'yan." Pag-awat ko ng dumampot na naman siya ng ibang putahe ng tuna at akmang ilalagay sa plato ko.
Natigilan naman ito at napatingin sa plato kong napuno na naman.
"Oh, it's okay. Kainin mo na lang 'yong mga gusto mo."
"Thank you."
Nagpatuloy naman na ito sa pagkain.
MATAPOS naming kumain ay muli akong inihatid ni Mama sa guests room na tinutuluyan ko. Ngayon ko nga lang na-realize na may mga damit na pala dito at napakaluwag ng wardrobe dito mismo sa loob ng silid.
Kahit ang mga pang nighties na damit dito ay kay gagara at ang lalambot ng tela. Nahihiya pa akong makigamit dahil halatang bago ang mga ito at kumpleto mula sa underwear, nighties, casual at mga formal dresses.
Marami ring nakahilerang stilleto na naggagandahan at taasan ng kanilang takong na kay ninipis at nakakatakot ilakad dahil parang bibigay! May mga flat sandals din naman, mga rubber shoes, wedge shoes at kahit mga doll shoes ay kumpleto. Lahat ay pawang naggagandahan at mahahalata mong mamahalin sa mga tatak.
Napapanganga na lamang akong inililibot ang paningin sa mga naka-display dito lalo na't ang sabi ni mama ay p'wede kong gamitin ang mga ito at kunin ang mga magustuhan ko dahil wala namang nagmamay-ari ng mga ito.
Maging mga alahas ay kumpleto mula sa mga earrings, bracelet, ring, necklace at relo na kumikinang pa talaga at naglalakihan ang mga batong nangingislap. Nakakatakot tuloy isuot dahil agaw attention ang mga ito.
Kahit nga mga handbag dito na galing sa iba't-ibang sikat na brand ay nakakapang hinayang gamitin dahil dollars din ang presyo ng mga 'yan. Baka mahablot lang sa'yo ng mga snatcher sa tabi-tabi.
Napahinga ako ng malalim at naupo sa isang study table ang itsura na may lampshade na katapat. May malaking salamin din sa harapan at mga nakapatong na iba't-ibang uri ng skin care protection. Dumampot ako ng isang bote ng lotion at sinamyo iyon. Napapikit ako sa bango nitong hindi masangsang sa ilong.
Muli ko rin ibinalik sa pwesto at dumampot naman ng perfume na kaagad ko ring sinamyo. Napakasarap sa ilong ang bango nilang hindi masyadong matapang pero nakakahalimuyak ang bango na kay sarap samyuhin.
Mukhang mga bago ang lahat ng gamit dito.
Kaagad na akong nagbihis ng nighties dress na manipis at maiksi pero komportable naman at napakalamig sa balat ang lambot ng tela nito. Nakalantad pa ang mga hita ko sa iksi nito at hindi na kailangang magsuot ng bra. Nagpahid din ako ng lotion na nagustuhan ko ang amoy at nag-spray sa punong-tainga at palapulsuhan ko ng perfume na nagustuhan ko.
Sinuklay ko din muna ang buhok kong nakalugay bago lumabas ng wardrobe na 'to.
Tumuloy na ako sa kama at maingat humiga.
Naalarma naman ako ng may makapa mula sa ilalim ng makapal na comforter!
"Kieanne?! Anong ginagawa mo dito?!" gimbal kong bulalas ng napagtantong si Kieanne ito.
Tanging ang lampshade na lang kasing nakapatong sa bedside table ang ilaw dito sa silid kaya hindi ko agad ito napansin.
Napaiwas ako ng paningin dito ng matiim ako nitong tinitigan na nakangisi ng 'di mapagkakatiwalaan.
Kinabahan ako sa uri ng mga pagtitig nito na mababakasan ng pagnanasa lalo na at labas ang pisngi ng magkabilaang dibdib ko dahil sa suot kong sleeveless dress na kay iksi at nipis. Hindi ko naman akalaing pupuntahan ako nito dahil ayon kay mama may sarili itong kwarto sa 4rt floor nitong mansion at akupado ng silid nito ang buong 4rt floor.
"H'wag ka ngang tumingin ng ganyan."
"Bakit?"
"Anong bakit? Nakaka--"
"Bakit mo ako pinipikot, huh?" putol nito sa sasabihin ko.
Natahimik naman ako at napipilan sa tanong nito.
"Plano mo 'to hindi ba? Para makaahon ka sa hirap ay pinain mo ang sarili mo para sa amin that night?" may halo na namang pang-uuyam ang tono nito kahit mahina at kalmado ito.
Mariin akong napapikit at napabuntong-hininga bago sinalubong ang matiim nitong mga mata.
"Aaminin ko, oo. Pinain ko nga ang sarili ko. Pero hindi ikaw ang gusto ko sa inyong magkakaibigan. Akala ko kasi kung makakasali ako sa auction party na 'yon ay mapipili ako ng taong gusto ko. Kaya pikitmata akong nakipagpalitan that night sa mga babaeng binayaran niyo. Pero. . . pero laking dismaya kong ikaw ang pumili sa akin. Kaya nga nagmakaawa ako sa'yo nu'ng gabing 'yon. Na iba na lang dahil wala akong planong makasama ka o ang pikutin ka pa kaya. Pero wala eh, ginawa mo pa rin. Nawala sa isip ko ang paggamit ng birth control dahil sa biglaang pagkawala ni Mama. At sa ginawa mong pangbababoy sa akin sa school. Huli na ng na-realize ko ang lahat. Nang nagsimula kong maramdaman ang mga symptoms ng pagdadalang tao.
Aaminin ko na rin ngayon pa lang sa'yo. Hindi ko gusto ang anak mo, dahil ito?" aniko at itinuro ang impis kong tyan.
Mapait akong ngumiti at inilingan ito kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
"Itong batang 'to? Ito ang habang-buhay na magpapaalala sa akin ng kababuyan mo. Gusto kitang saktan, sumbatan, ipakulong. Pero dahil mahirap lang ako at ngayo'y ulila na. Anong laban ko sa isang anak bilyonaryong katulad mo? Aaminin ko, muntik kong ipalaglag ang anak mo. Pero dinala ako ng kapalaran sa simbahan kaya nalinawan ako at nagising sa nais kong gawin. Dahil sa'yo, Kieanne. Dahil sa'yo nawala ang Mama ko. Inatake siya sa puso nu'ng umagang nakauwi ako ng apartment namin at nalamang napagsamantalahan ako ng isang katulad mo. Mahirap na ako, Kieanne. Pero mas inilugmok mo ako sa putikan. Nawalan ako ng Ina at muntik naging kriminal dahil sa bunga ng kahayupan mo. Doon sa simbahan, doon kami aksidenteng nagkita ng Mama mo. Kaya nagpatulong ako sa kanya..Hindi lang ikaw ang napilitan sa set-up natin Kieanne. Dahil mas nahihirapan ako kumpara sa'yo. Kaya h'wag mo akong susumbatan dahil ilang beses akong nagmakaawa at lumuhod sa'yo na h'wag mo akong galawin pero ginawa mo pa rin. Kaya h'wag mo akong sasabihang pinikot kita. Dahil hindi kita gusto. Ikaw ang taong pinaka-kinakamuhian ko habang nabubuhay ako.
Umalis ka na. Hindi kita kayang makatabi sa kama," pagtatapat ko at humiga na patalikod dito.
Tahimik lang naman itong nakinig at 'di ko makitaan ng emosyon sa mga mata. Marahil dahil pareho lang naman kaming walang pagtingin sa isa't-isa. At napipilitang magsama para sa anak namin at sa reputasyon ng pamilya nila.
Mariin akong napapikit at mapait na ngumiti ng walang imik itong lumabas ng silid. Kahit paano'y nakahinga ako ng maluwag na nailabas ko ang saloobin ko dito. Hindi ko man siya nasaktan physically. At least nalaman niyang wala akong pagtingin sa kanya. Ng mabawas-bawasan naman ang kayabangan at taas ng tingin sa kanyang sariling akala yata lahat ng babae magkakakumahog makasama ang isang katulad niya.
LUMIPAS ang mga araw at dumating na ang araw ng linggo kung kailan ikakasal kami ni Kieanne. Sa kanilang hotel ito ginanap sa opisina ng ama nito dahil sikretong kasalan lang naman ang kasal namin. Tanging pamilya niya at ang tatlong kaibigan ang bisita namin. At ang judge na nagkasal sa aming dalawa.
Sa buong seremonya ng kasal ay pareho kaming matamlay at walang kangiti-ngiti. 'Di tulad ng pamilya nito at mga kaibigan na tinutukso-tukso pa siya. Nakikitawa naman siya sa mga ito pero hindi sa akin. Ni hindi nga niya ako matapunan ni katiting na sulyap kahit purihin manlang sana ang pagkakaayos ko at ang suot kong elegant white long off shoulder dress.
Kahit nga ang pagkakasabi ng judge na you may now kiss the bride ay 'di nito ginawa at basta na lang pinirmahan ang marriage certificate naming dalawa. Maging ang pagsuot nito ng singsing sa akin ay kitang labas sa ilong niya iyon ginawa at 'di manlang ako tignan sa mukha na parang diring-diri ito sa pagmumukha ko.
NAGING maayos ang pag-stay ko sa mansion dahil hindi na niya ulit ako ginambala. Hindi na rin niya ako kinakausap na ipinagpapa salamat ko.
Pumapasok pa rin naman ako sa school dahil dalawang buwan na lang magtatapos na ako. Maging pagpunta namin ng university ay 'di kami nagsasabay dahil may sarili akong service at driver habang siya naman ay pinagmamaneho ang sarili.
Ramdam ko nga'ng nilalayo niya ang sarili na ipinagpapansalamat ko at naging tahimik ang buhay ko.
Hindi rin kami nagtatabi sa pagtulog maging sa school ay mistula kaming stranger sa isa't-isa. Kahit nga ang kaibigan kong si Melanie ay walang kaalam-alam na kinasal na kami ni Kieanne dahil patay daw ako sa kanya oras na may makaalam na ibang mag-asawa kami.
Madalas nakikita ko siya na may mga ka-fling na nagsososyalang kapwa namin estudyante dito sa university. Wala nga itong pakialam kahit dadaan ako sa harapan nila ay patuloy pa rin siya sa pakikipaglamutakan ng labi sa iba't-ibang babae.
Papalit-palit ito araw-araw. Dinedeadma ko na lang dahil hindi naman ako makaramdam ng selos sa mga pinaggagawa nito. Masaya nga ako dahil hindi niya ako pinapakialaman. Kaya bakit ko naman siya pakikialaman. Bahala siya sa buhay niya. Dahil hindi ko rin naman siya mahal at itinuturing na asawa.
"Hi, can I join?" napaangat ako ng mukha sa baritonong nagsalita sa harap ko.
Napalunok ako at napatango dito kahit pinagtitinginan at bulungan na naman kami ng mga kapwa naming estudyante dito sa loob ng cafeteria ng school.
"Janella, right?" anito sa katahimikan ko habang nakayukong kumakain.
Tumango ako at pilit ngumiti.
"Lawrence Castañeda, I hope we can be friends, baby."