Kumakain kami ng hapunan. Boys ang naghanda ng pagkain. Nangunguna si Theo na mas kabisado talaga ang dapat na gawin kaysa sa amin. Kumikilos naman ako sa kusina. Pero assistant lang ni Lola Carmen kapag feel n'yang magluto. Minsan tagahugas. Tagawalis at punas din ng lamesa. Inihaw na isda, sinigang, at inihaw na baboy ang ulam. Ang binabanatan kong ulamin ay inihaw na isda. Pero iyong hirap sa pagtanggal ng tinik ang dahilan kung bakit nagsasalubong ang kilay ko. Natigilan ako nang maglapag si Theo nang isang hiwa. Wala ng tinik iyon. "Thank you." I really appreciate it. Iyong simpleng gesture ng tao sa akin. Nato-touch talaga ako sa gano'n. Hindi lang isang beses na tinanggalan ni Theo ng tinik ang isda para sa akin. Pati nga iyong pork chop ay pinaghiwa pa ako nito. Kaya naman na