30

2061 Words

Walang Theo na bumisita. Hindi naman sa nag-e-expect ako. Pero medyo nag-e-expect talaga ako. Siyempre! Kailangan ko rin ng explanation mula rito. Bakit kailangan n'yang itago na siya ang owner? Na siya ang magiging boss ko? Para man lang sana kung sinabi at ipinaalam n'ya sa akin iyon ay hindi ako nabigla. Kahit man lang sana tawag. Para marinig ko ang explanation n'ya. Pero wala, eh. Nakatulog na lang ako. Pero wala talagang Theo. Kinabukasan, maaga ulit akong nagising. Isa pa sa bilin ni Paullea ay maagang pumasok. Hate na hate raw ni Theo ang late. Kaya maaga rin akong gumising para pumasok. Naghihintay na ako ng taxi. May nakita akong taxi na nagbaba ng pasahero. Dahil nagbaba na ay agad ko nang kinawayan. Paghinto sa harap ko ay napasinghap ako. Si Manong Andres Bonifa ang taxi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD