Juice ko po. Anong gagawin ko? Tulog mantika pa tung bampirang tuh. Saka ko pinasadahan ng tingin ang lalaking nakahiga sa kama. Eh ano kaya kung gisingin ko na lang kaya? Eh- Gisingin ko ba? Wag na kaya . Pero kesa naman pasukin kami ng masasamang tao at patayin at isama ang kaluluwa ko nung multo.Wahhhh---Oo tama ang gagawin mo. Gisingin mo na siya baka matuluyang bangungutin bilis. Gisingin mo sya ng magamit at magkasilbi naman yang pagiging bampira nya. Tatayo na sana ako ng mapatingin ulit ako sa doorknob ng pinto sa lakas ng kaluskos nito. Lagot ! Mabubuksan na niya yung pintuan. Anong gagawin ko? Magtalukbong kaya ako ng kumot? Magtulog tulugan? Magtago sa ilalim ng kama? O sabihing dalhin na niya lahat ng gusto niyang dalhin wag lang akong saktan. Naman kasi bakit tulog manti---