Kabanata 7

1011 Words
Milka Claire’s Pov NASA  kwarto na ako,at ninanamnam ang kagandahan ng buong kwartong tuh at nitong king size bed na sobrang lambot ng biglang pumasok si bampira. “ Hey ! Get out of my bed. “ Nako nanaman, yung boses nya malamig na naman. Saka ako napabangon sa pagkakadapa ko sa mala water bed na tu. " Tok-toka ! Anong get out ka diya. Babae ako so dapat ditto natutulog. Dun ka sa couch.” Pagtuturo ko pang sabi sa kanya dun sa couch. Saka ako nahiga sa kama ulit at dumapa, as in dapang dapa talaga yun bang pinapakita mong sayo lang ang kabuuan ng kama. " Akin lang tu. Akin. Nanananana !" Pakanta kanta ko pang ginagalaw galaw ang mga kamay ko na parang nagswiswimming sa kabuuan ng kama ng bigla nya akong batuhin ng unan. Nak ng unan oh ! Masakit yun aba. Sapul sa muukha ko. " Kama ko yan. Kaya ako ang gagamit niya. Alis !” " Bakit may pangalan ka ba dito huh? Asan? Tingnan ko nga? Patingin saan nakatatak yung pangalan mo? at ng mabura ko na.” Pag aakto kong hinahanap ang pangalan nya sa kabuuan ng kamang tuh. "Patingin ako ! Wala nam----Waaaah ! A-a-aray !" Ang bilis lang naman ng pangyayari hilain daw ba ang paa ko dahilan para mahulog ako at mag misytulang bola ang ulo ko sa pagkakatalbog. " A..arrray--aray ko. Ansakit putchek, nabasag yata ang utak ko dun ahh! Nyemas kang bampira ka wala ka talagang dugong pang gentleman. Napakabrutal mo talagang bwiset k—a-aray” Nak ng sinampalukan. Di pa nga ako nakaka recover sa pagkakauntog ng ulo ko mula sa sahig batuhin daw ba naman ulit ako ng unan at kumot.. Habang sya, ang ganda ganda ng pagkakaupo sa kama at nagbabasa ng libro habang nakasmirk ang panget nyang pagmumukha. Pinulot ko yung unan at kumot at sinimulang magmartsa papunta sa couch na yun habang bumubulong bulong. Tingnan ko lang kung makapag concentrate pa sya dyan sa binabasa nya wahahahaha ! " Bwiset ! Bwiset .. Inuwi uwi  ako dito sa bahay nato tapos sasabihing iisang kwarto lang ang gagamitin tapos dito lang pala bagsak ko sa couch na tuh? Di pa naawa, babae kaya ko. Well, as if namang maawa sayo yun nu---parang kelan lang gusto ----" "Will you f**k off your mouth? Ang ingay mo." Halos tumalbog palabas ng bahay ang kaluluwa ko ng sumigaw sya sakin. Nakakatakot. Papatayin niya na ba ako? Galit na kaya siya sa sigaw na yun o may sakit na highblood? Grabe ! Yung unan at kumot ko ay nabitawan ko sa gulat. " Ah..ehhh..—“ Di ko tuloy na alam pa ang sasabihin ko kaya lumunok nalang ako saka tumango at tinungo ang couch bago pa ko lapain nito ng buhay. Saka naman niya pinatay ang ilaw. Juiceko ! Sa bahay di ko naranasang matulog sa couch namin kahit isang beses man lang o mauntog sa sahig dahil sa pakikipag agawan lang ng kama. Pero ngayon, dito sa bahay na tuh na yata mararanasan lahat ng paghihirap ko sa buhay. Mukhang kelangan ko na talagang masimulang magdasal na ngayon na sana hindi ako mamatay sa pagkakabali ng leeg ko dito sa pwesto kong tu gabi gabi. Samantalang ang huklubang bampirang yun ay sarap na sarap sa pagkakahiga sa kamang yun. "Bangungutinkasana.' Bulong ko nang biglang--- "What did you say?" Nak ng tenga ng daga, may sa kawali nga yata ang lapad ng tenga nito ehh ? Pati yung pinakamahinang bulong ko sa buong buhay ko ay rinig na rinig nya? "A-hehe. Sabi ko, gu-gudnight and sweetnightmar—este sweetdreams.”  Tugon ko saka ko nag sign of the cruz. Lord kayo napo ang bahala sa kaluluwa ko kung sakali mang lapastanganin Ng taong kasama ko sa kwartong tuh. Bakit naman kasi kalaki laki ng bahay na tu ay iisa lang pala ang kwarto. Pambihira dapat ditto pinapabomba eh walang kwenta. Hmm. Maya maya lang. Tulog na kaya sya? Nakadilat ang isa kong mata. Kunwari tulog haha. Pero kahit madilim, aninag ko pa din naman sya kahit papano dahil sa liwanag ng buwan sa labas na tumatagos sa glass door na natatakpan ng manipis na puting kurtina ng kwarto. Bakit ganon? Di ako makatulog. Parang kagabi lang, sa bahay ko pa ako natutulog at sa pinakamamahal na kama ko pa.Tapos sa loob lamang nang ng araw na ito lahat nagbago na.  Yung dating kama ko, naging couch nalang. Yung dating Fuentes na apelyido ko ngayon isa ng--tekk--ka ? Ano nga palang apelyido nun? Hmm ayt ! Tang aka talaga nagpakasal ka tapos ni apelyido niya di moa lam? Pambihira ka naming babae ka oh ! Hayys ! Bukas ko na nga lang tatanung sa kanya. Haisttt---bakit ba ako pumayag sa ganitong sitwasyon? Takot nga ba ang nagdala sakin nito? Hayss ! Kasi naman ano ba kasing pumasok sa kukute mo Milka. Saka ko idinilat ang mga mata ko at umupo. Sandali ko syang pinagmasdan na nakahiga sa kama at nakapatong ang kanang kamay sa mga mata nya. Ibang klase ka. Napakamisteryoso mong tao Zach. Akalain mong yung lalaking transferreng pinag aagawan at pinagkakaguluhan ng lahat sa Blue Field University ay may lihim palang tinatago sa kasamaang palad pa saakin bumagsak ang kamalasan. Pambihirang buhay mo Milka oh.  "Hayyyysss !!! "   Mahihiga na sana ako ng biglang may narinig akong kung anon a nanggaling sa kung saan man. Nahagip bigla ng paningin ko ang pintuan. Dun kaya nagmumula yung kaluslus na y---Oh no ! may pumipihit ng doorknob nung kwartong tuh. Bigla akong kinutuban. May multo—ay mali magnanakaw pa yat------bigla akong nakarinig ng yabag mula sa bintana ng kwarto at nahagip ko ang isang anino sa may glass door. Wah!! May multo at magnanakaw. Juice kop o kelan pa kaya nagsanib pwersa ang multo at magnanakaw. Anong gagawin ko? Hindi. Walang multo Milka. Wala. Guni guni mo lang yan. Mabuti pa matulog kana---habang pinapakalma ko ang sarili ko. May bigla na namang humagip sa paningin ko na isang anino nanaman mula sa glass window na natatakpan ng manipis na puting kurtina. Sunod sunod na akong napapalunok sa sobrang takot. Nang may marinig ulit na akong mga yabag. Yabag na papalapit ng papalapit sa kwarto nato. Nako. Sigurado na po akong nagsanib pwersa na nga ang multo at magnanakaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD