YUMI: MATAPOS kong magbihis ay pinakatitigan ang repleksyon sa salamin. Isang sky blue sleeveless dress ang suot ko na hapit sa katawan. Hindi naman gano'n kalalim ang vline kaya hindi nakasilip ang cleavage ko. Hanggang tuhod ko rin ang haba na abot hanggang gitnang hita ko ang taas ng slit nito. Napangiti ako sa repleksyon ko. Mas lumitaw ang natural kong ganda kahit wala akong maski anong kolorete sa mukha. Bumagay din sa akin ang kulay ng suot ko na ikinatingkad ng balat kong natural na maputi. Pero unti-unting napalis ang ngiti ko na para kong nakikita sa salamin ang mukha. . . ng sarili kong ina. Hindi ko pa nasasabi kay Sir Delta ang tungkol sa pagpunta ng ina ko dito. At ang naging sagutan namin. Napalunok ako na naipilig ang ulo na may mag-flash sa isipan ko. Kung saan nabangg