YUMI: TUMAYO lahat ng balahibo ko sa katawan na kinilabutan na makilala ito! Parang nabuhay ang lahat ng galit sa puso ko para dito na muli ko siyang nakita sa hindi inaasahang panahon! "I-ikaw," nanginginig ang boses kong sambit na ikinatitig nito sa akin na salubong ang mga kilay. Kuyom ang kamao na parang sasabog ang dibdib ko sa halo-halong emosyong nadarama habang kaharap ito ngayon! Damang-dama ko ang panginginig ng katawan ko na parang hindi ko na ma-control ang sarili! Namutla ito na magtama ang mga mata namin at tila nakilala din niya sa wakas kung sino ang kaharap niya. Awang ang labing napasuri pa ito sa akin ng tingin mula ulo hanggang paa na bakas ang kabiglaan sa kanyang mga mata. "Mayumi? Anong ginagawa mo dito?" tanong nito na tila hindi makapaniwala. "Iyan talaga ang