Chapter Four

2069 Words
TUMINGALA SIYA sa kalangitan. Pinagmasdan ang kadiliman at milyong bituin na nakasabog doon. And then, she imagined Victor's face smiling at her. Abby took a deep sigh. Hanggang kailan kaya siya magpapaka-hangal ng ganoon para sa binata? Gayong alam naman niya na wala rin mangyayari sa nararamdaman niya para dito. "Ang lalim no'n ah!" Napalingon siya sa nagsalitang iyon. Ang Kuya Axel niya, dala nito ang gitara nito. "Ano bang iniisip mo?" tanong nito. "Wala," usal niya. "Si Victor na naman ba?" "Hindi ah!" tanggi niya. "Huwag mong masyadong isipin iyon. Kung para talaga kayo sa isa't isa. Sa bandang huli magkakatagpo pa rin kayo." "Naks! Seryoso yata tayo ngayon." Tukso niya sa nakakatandang kapatid. "Akin na nga 'yang gitara! Kantahan na lang kita." Inabot nito ang instrumento sa kanya. Nang maiposisyon niya ang daliri ay agad niya itong pinatugtog. Isang kanta lang ang rumehistro sa kanyang isipan. Napapikit siya sa isiping iyon. "He's the reason for the teardrops on my guitar... the only thing that keeps me wishing on a wishing star..." Hanggang sa matapos ang kanta ay nanatili siyang nakapikit at iisang mukha lang ang nasa kanyang isipan. "Nice, akala ko ba hindi siya ang iniisip mo?" anang Kuya niya. Napadilat siya. Kasabay niyon ay ang pagpatak ng luha niya. Agad niyang pinalis iyon. "Hindi nga," tanggi pa rin niya. Napailing lang ang Kuya niya sabay bawi ng gitara mula sa kanya. "Akin na, ikaw 'tong tamang senti eh." Anito. Bumuntong-hininga siya. "Siyempre, minsan lang naman ako mag-senti eh." Kung maaari lang niyang batukan ang sarili ay ginawa na niya. Kahit kailan yata ay hindi na siya makaka-move on sa nararamdaman niya para sa binata. Ngunit dalangin niya na kung hindi sila ang para sa isa't isa, sana'y maka-move on na siya. At balang araw, makilala ang lalaking nilaan ng Diyos para sa kanya. "ABBY, ano? Handa ka na sa kasal ko?" tanong agad ni Panyang, pagpasok nito sa loob ng Rio's. Nandoon siya sa harap ng likod ng counter at siyang naka-assign na cashier sa araw na iyon. "Ay naku Panyang, kung hindi lang kita kaibigan. Malamang, tinaguan na kita." Aniya. Humalukipkip ito saka pabirong tinaas ang isang kilay nito. "As if naman, matitiis mo ako." Natawa siya. "Oo nga, alam mong hindi kita matatanggihan eh." "I'm so excited, grabe!" tili pa nito. "Hoy, huwag kang tumili dito. Nakakaistorbo ka sa mga kumakain." Saway ni Vanni dito. "Eh ano," nang-aasar pang sagot ng maliit na babae. "Ano ang pakiramdam ng malapit nang ikasal?" curious niyang tanong. "Masaya na kabado. Siyempre, hindi ko pa alam ang mangyayari sa buhay namin ni Roy after the wedding. Pero kahit ano pang dumaan sa amin, okay lang. I'm sure, kakayanin namin. I'm so blessed to have him." Hindi niya maiwasan na makadama ng inggit dito. Mabuti pa ang isang ito. Kahit na saksakan ng kulit, natagpuan na rin nito ang tamang lalaki para dito. Saksi silang lahat sa naging love story nito at ni Roy. At masasabi niyang hindi rin biro ang pinagdaanan ng dalawa. That's why; they both deserve to be happy. Siya kaya? Kailan magiging masaya? "Uy, naluluha na naman oh." Biglang tukso sa kanya ni Panyang. "Tse, hindi ah!" Mabuti na lamang ay hindi tumulo ang luha niya. Mayamaya ay isa-isang pumarada ang magagarang sasakyan ng mga Tanangco Boys sa harap ng Rio's. At tila mga Greek god's ang mga ito ng magsibaba ang mga ito sa mga sasakyan, looking gorgeous and dashing on their office suits. Pumasok sa loob sila Roy, Leo, Justin, Ken, Dingdong at Darrel. "Good Morning!" bati niya sa mga ito. Agad na nilapitan ni Roy ang fiance' nito at ginawaran ng halik sa noo. "Hi Abby," bati sa kanya ni Justin. "Hi, Anong order n'yo?" tanong niya sa mga ito. Sinabi ng mga ito ang order nila. Matapos magbayad ng mga ito ay nagsi-upo ang Tanangco Boys sa isang bahagi ng Dining Area na sadyang ni-reserba para sa mga ito. Habang hinahanda nila ang order ng mga ito. Dumating sila Humphrey na dala ang camera nito. Si Jared at ang ever loving sketch pad nito. At ang bestfriend at tanging lalaking minahal niya at minamahal pa rin hanggang sa mga oras na iyon, si Victor. Agad siya nitong nilapitan, with his killer smile on his face. "Pare, kumusta?" anito. "Okay lang, eto trabaho. Ikaw?" balik-tanong niya dito. "May photoshoot ako ngayon. Tapos bukas punta ako sa Batangas. Kailangan kong mag-pratice. May competition ako next month." Sagot nito. "Busy ka pala ngayon. Sa wakas, mapapahinga ka rin sa pambababae mo." Biro niya dito. Natawa ito. "Oo nga eh. Inaalala ko 'yun, baka mamaya lagnatin ako kapag hindi ako nakapambabae." "Siraulo!" Tumawa ulit ito. "Joke lang, bigyan mo na lang ako ng dati." Anito. "Okay, hintayin mo na lang." Carbonara, garlic bread and Iced Coffee ang paborito nitong kainin bago pumasok doon sa Rio's. Dalawa sila ni Mayet na nag-serve ng mga order ng mga ito. Pagdating nila sa mesa ng mga ito. Tahimik ang mga ito at nakatingin kay Dingdong. Kaya nakiusisa na rin sila. "Ano ba 'yung announcement mo?" tila hindi makapaghintay na tanong ni Humphrey. Tiningnan niya si Dingdong, hindi mawala ang masayang ngiti sa mga labi at sa mga mata nito. "Charease is three weeks pregnant." Anito. Nagulat silang lahat. Mayamaya ay isa-isang binati ito ng mga kaibigan nito. "Congratulations Pare!" ani Vanni. "Thank you," "May isa na sa atin ang may tagapagmana, dapat tayo rin meron na." ani Roy sabay kindat kay Panyang. "My Love, huwag ka munang kumindat diyan. Pakasalan mo muna ako." Natawa ito. "Of course." Usal ni Roy. Ilang saglit pa ang nakakalipas nang dumating si Charease at Allie. "Oh, eto na pala si Buntis." Ani Panyang. "Miss Chacha, congrats po!" aniya. Nginitian siya nito. "Thanks Abby," "Kaya kung ako sa inyo, kayong mga wala pang steady girlfriend. Find your true love. Ang sarap sa pakiramdam na kasama mo ang mahal mo." Ani Dingdong sabay halik sa asawa nito. Tama... lihim niyang pagsang-ayon sa kanyang isip sabay sulyap kay Victor na noon ay abala na sa pagkain, kasama nito si Humphrey at Jared. "Pare, huwag mo akong isali diyan. Masaya pa ako sa buhay ko as bachelor." Ani Jared. "Me either." Ani Humphrey. At tila gusto niyang kabahan dahil hindi agad sumagot si Victor. Inaasahan niyang positibo ang magiging sagot nito. "Ikaw Victor, wala ka bang comment?" tanong ni Allie dito. "Ako? Ayokong ma-inlove. Ayokong magpakasal." Anito sa seryosong tinig. Ouch! Ang sakit naman no'n... Nakita niya ng palihim siyang tiningnan ng mga kaibigan nila, kabilang na si Humphrey. Nagsalita ito. "Huwag kang magsalita ng tapos, Pare. Hindi mo alam ang puwedeng mangyari. At ganoon din sa akin. Kahit na masaya ako sa buhay binata ko. Kung darating ang babaeng mamahalin ko. Tatanggapin ko. Hindi kagaya mo, nandiyan na lang sa tabi hindi mo pa rin makita." "Tama!!!" sabay-sabay na sang-ayon ng mga ito. Napapikit si Victor saka tinakpan ang tenga. "Ayos ah, talagang chorus pa kayo?" "Baka sakaling mawala ang pagka-manhid mo." Ani Vanni. "Malabo na ba talaga ang mata mo? Hindi mo ba nakikita ang isang tao na matagal ka ng minamahal?" Gusto yata niyang himatayin. At alam na niyang namumula na ang mukha niya, dahil ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi niya. Palihim siyang tumungo para walang makakita na kulang na ay lumubog siya sa kinatatayuan niya. "Sino ba kasi 'yon?" inosenteng tanong nito. "Ay! Tanga!" tila napipikon nang singhal ni Panyang dito. "Bulag!" dagdag naman ni Humphrey. "Manhid!" sigaw niya nang hindi na makatiis. Sa inis niya ay nag-walk out siya. Kung puwede lang niyang hampasin ito ng tray na hawak niya ay ginawa na niya. Baka sakaling umalog ang utak nito at mapansin ang pagmamahal na inuukol niya para dito. "Ang gandang eksena no'n ah!" ani Madi na naroon sa may counter at nagmamasid din. "Nakakainis na talaga ang lalaking 'yan! Nuknukan ng tanga!" napipikon ng wika niya. Mayamaya ay nilapitan siya ni Allie, Panyang at Chacha. Nakipag-high five ito sa kanya. "Nice move," ani Chacha. "Gahasain mo na lang kaya 'yan bestfriend mo para malaman niyang babae ka talaga." Ani Panyang. Natawa siya ng wala sa oras sa sinabi nito. "Lokaloka ka talaga! Hindi pa ako nasisiraan ng bait, no? Kung talagang ayaw niya sa akin. Wala na akong magagawa pa roon. Siguro nga, panahon na para kalimutan ko ang nararamdaman ko para sa kanya." aniya. Agad na sumilay ang mumunting luha sa kanyang mga mata. Pinalis niya iyon ng mabilis. "Tahan na, Girl. I'm sure, Victor will come into his senses. Mapapansin ka din nya'n." ani Chacha. "Right," sang-ayon ni Allie. "Kulang ka lang siguro sa make-over." "Oo nga! Kapag nagsuot ka ng pambabaeng damit. Tignan ko lang kung hindi malaglag ang panga niya." Ani Panyang. "Naku huwag na. Hindi na kailangan." Tanggi niya sabay mabilis ng umiling. "Ano bang hindi na? Hay naku, ewan ko sa'yo. Bahala ka, ikaw rin." Si Madi. Hindi pa sila nakakabawi sa kanina'y eksena nang makuha ang atensiyon nilang lahat ng isang babaeng matangkad, super sexy at mahaba ang buhok. Bumaba ito sa taxi at diretsong pumasok doon sa loob ng Rio's. Nilibot ng mga mata nito ang buong paligid. Nakasuot ito ng maiksing short na maong at spaghetti strap na maiksi rin at kita na ang pusod nito. May dala itong mailmans bag at naka-shades din ito. Agad itong ngumiti nang dumako ang paningin nito sa Tanangco Boys. Nagsalubong ang mga kilay nila Panyang. Nilapitan agad nito ang kanya-kanyang boyfriends. Ngunit wala sa mga ito ang nilapitan ng babae. Daig pa niya ang sinaksak ng kitchen knife ng paulit-ulit sa dibdib ng lumapit ito kay Victor at kissed him passionately. Lumipad sa kanya agad ang tingin ng mga kaibigan niya. Bigla ay sinamaan siya ng pakiramdam. Or mas tamang sabihin, bigla ay gusto niyang panawan ng ulirat. Nag-ngitian pa ng matamis ang dalawa. "Hi Babe, let's go?" anang babae. "Yeah, I'm almost done." Sagot naman ni Victor. Tinapos nito ang pagkain tsaka ipinakilala sa mga kaibigan ang babae. Abot-abot ang dasal niya na sana'y hindi ipakilala nito sa kanya iyon. Ngunit tila nananadya pa yata ang tadhana, dahil agad siya nitong nilapitan. "Pare," ani Victor. "O? Bago na naman 'yan?" kunwa'y biro niya dito. "Siraulo! Babe, I'd like you to meet my bestfriend. She's Abbygale. Pare, si Linda. Girlfriend ko." Pagpapakilala nito. Inabot niya ang isang kamay dito. "Hi, nice to meet you." aniya. In fairness, mukhang mabait naman ito dahil ngumiti din ito sa kanya. Sabay tanggap ng nilahad niyang kamay. "Hi, Victor is talking so much about you. And at last I met you." anito. "Talaga? Baka puro paninirang puri ang sinasabi sa'yo nitong panget na 'to." Biro pa niya. Nagkamot pa ng batok ang bestfriend niya. "Hindi kaya," usal nito. "O sige na, may lakad pa yata kayo." pagtataboy niya sa mga ito. "Oo nga eh. May photoshoot pa kami." Sagot ni Linda. "Sige pare, mga dude! Una na kami." Ani Victor. "Have fun!" pahabol pa niya sa mga ito. Pinakatitigan niya ang dalawa. Umangkas si Linda sa bigbike ni Victor at yumapos sa katawan ng binata. Sana ako na lang ang laging nasa likod mo... At laging nakayapos sa'yo... Hanggang pangarap na lang ba ako lagi? Hanggang kailan mo ako sasaktan? She started to cry in rivers. Kahit na anong pigil niya sa mga luha ay ayaw huminto sa pagbagsak sa kanyang mga pisngi. Natutop niya ang bibig. Agad ay nasa tabi niya si Panyang at ang iba pa nilang mga kaibigan. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdamang sakit. Parang dinudurog ang puso niya. Bakit nga ba napaka-unfair ng tadhana? Buong buhay nila na magkakilala sila, hindi niya kailanman ito iniwan at pinabayaan. Sa tuwina ay nasa tabi siya nito sa kahit na anong panahon. Wala naman siyang hinihinging malaki dito, ang sa kanya lang. Mapansin siya nito. Hindi bilang isang 'Pare' nito. Hindi bilang bestfriend. Kundi isang babaeng nagmamahal dito. "Abby," si Madi. Bakas sa mukha nito ang pakikisimpatya sa kanya. Pilit niyang pinapahid ang mga luha sa mata niya ngunit tila wala itong katapusan. "Nakakainis naman oh!" maktol niya sabay talikod. "Mayet, ikaw na muna dito." Aniya. Mabilis siyang tumakbo sa loob ng pantry. Pagkasarado ng pinto ay doon niya pinakawalan ang kanina'y pinipigilan niyang luha. Hanggang kailan ba siya masasaktan ng ganito? Wala na ba siyang karapatang sumaya? Kung ganito lang din ang mangyayari palagi. Siguro'y panahon na para siya rin ay humanap na ibang mamahalin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD