MALAPIT NANG matapos ang celebrasyon ng araw na iyon. Naroon sila sa rooftop ng hotel, sa mismong helipad. Dito sasakay ang dalawa papunta sa lugar kung saan sila magha-honeymoon. Kumaway ang dalawa sa kanila bago sumakay ng helicopter. Nang umangat na ang sinasakyan at tuluyan nang lumipad palayo. Nagdesisyon na silang magsiuwian. "Ang saya naman ng kasal nung dalawa," komento ni Myca. "Oo nga eh, kapag kinasal tayo. Sisiguraduhin ko rin na mas masaya diyan." Singit naman ni Ken. "Tse! Mangarap ka diyan!" pambabara dito ni Myca. Nagtawanan sila. "Sagutin mo na kasi si Ken," pambubuyo pa niya dito. "Abby naman eh," Lalo silang nagtawanan. Hindi sinasadyang dumako ang paningin niya kay Linda na tahimik at naka-abrisiyete sa braso ni Victor. Ang huli naman ay abala sa pakikipagtawana