TILA NANGHIHINA na sumalampak siya ng upo sa semento ng basketball court na iyon. Katatapos lang ng first game nila. At ang resulta, natalo sila laban sa team nila Vanni, Ken at Dingdong. "Mabuti na lang hindi tayo nagpustahan," ani Humphrey. "Oo nga, si Victor kasi eh. Wala sa mood maglaro." Ani naman ni Jared. "Ano bang problema mo, Pare?" tanong ni Darrel sa kanya. Bumuntong-hininga siya. "Hindi ko rin alam eh," aniya. "Ang labo naman ng sagot mo." Sabi ni Justin. "Hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko." "Alin ang hindi mo maintindihan?" tanong ni Dingdong. "Parang hindi ako masaya, it's like something's missing." Sagot niya, then he sighed in deep frustration. "You just said you asked Linda to marry you. You should be happy by now." Ani Vanni. "I know. Pero ewan ko, parang