Chapter 16

1459 Words
Noong araw din na iyon ay hinintay ni Jaydah na matapos ang trabaho kuno ni Kent na sinasabi ni Lorna. Gusto niyang kumprontahin ang dating kasintahan dahil alam niyang gulo na naman ang pinapasok nito at ayaw niyang masira sa kliyente niya. Puno ng pasensya niyang hinintay ito sa kotse niya hanggang sa lumabas si Kent at mukhang uuwi na, inabangan niya ito sa gate. “Hey, stop right there,” saad ni Jaydah. “What?” tanong ni Kent na iiling iling na napakunot ang noo at saka lumakad palayo. “Kent! Wag mo nga akong talikuran! What the f**k are you doing here? Huh?! Are you doing some mob work again? That’s your real job right?!” Nagulat si Kent sa sinabi nito at nagpalinga linga siya sa paligid kung may nakarinig ba kay Jaydah sa sinabi nito, ngunit buti na lamang ay wala. Nanggigil sa inis si Kent at saka hinigit sa braso Jaydah. “Ouch! Let me go!” singhal niya na nagpupumiglas kay Kent ngunit hindi siya pinapansin nito at sige lang sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa isang apartment at doon ay tinulak ni Kent si Jaydah sa kama. “What the f**k is your problem huh?! Why can you just say it in front of them? To the whole damn world that I am a consigliere!” singhal ni Kent. “You owe me an explanation, Kent!” singhal ni Jaydah na hindi papatalo at nakatingin pa ng masama kay Kent. Kung galit ito ay mas lalong galit siya. “What are you doing here? Bakit kumuha ka ng trabaho sa kanila? Anong pakay mo? Sinong balak mong patayin ngayon? Anong gusto mong makuha?!” singhal ni Jaydah na masama na ang loob. “Listen May! Hindi ako naglalaro dito, this job is very important to me and don’t you dare messed up and ruin everything dahil pag nabulilyaso itong plano ko, hindi lang ako ang malilintikan ni Don Juancho, pati ikaw! Naiintindihan mo ba?!” sigaw ni Kent na nasipa ang paa ng kama sa inis. “But this is important for me too! Client ko si Mrs. Vasquez, pinagkatiwalaan niya ako with a big sum of money, Kent! And here you are, you’re about to ruin everything for me too! Look, I just got back, diba alam mo naman yan? I need money to provide for my son,” “Then go to your uncle and settle this! I can’t work with you, May,” “No! Tayo ang may problema kaya tayong dalawa ang mag settle nito kay uncle!” “Fine!” “You can’t just ruin everything for me now, never again Kent!” saad ni Jaydah na hindi na maiwasang wag mapaiyak. “Wow huh, kung makapagsalita ka parang hindi kita iningatan noon, parang hindi kita inalagaan, parang hindi kita minahal!” “Hindi naman talaga, Kent dahil kung minahal mo talaga ako sana inuna mo ako, sana inisip mo ako pero anong ginawa mo? You decided, pinili mo pa rin ang trabaho mo na yan!” “May, I tried everything for this relationship to work but you decided to runaway from me! Ako pa ang may kasalanan ngayon?!” “Because I don’t want this Kent! Alam mo ang buhay na kinalakihan ko, alam mo ang mga pinagdaanan ko sa buhay, matagal na tayong magkasama. I just want a normal life pero kung ayaw mo anong magagawa ko?! Mas lalo mo lang pinatunayan sa akin ngayon na tama ang desisyon kong makipaghiwalay sayo,” saad ni Jaydah na kinuha ang bag niya at akmang aalis na pero niyakap siya ni Kent. Napasubsob siya sa dibdib nito. That manly scent. Iyon pa rin ang pabango ni Kent at hindi pa rin nagbabago. Gustong gusto niya ang amoy na iyon ngunit nanghihina siya at humahagulgol ng iyak sa mga bisig nito. “Come on, let’s go together and fix this… I’m sorry, don’t get mad at me please.. hindi ko naman kasi alam na client mo pala si Mrs. Vasquez eh, and.. I’m sorry about your clothes, basa pa rin pala hanggang ngayon, sandali kukuha ako ng t shirt,” saad ni Kent na kumalas sa pagkakayakap at kumuha ng t shirt niya at saka ibinigay kay Jaydah. Ayaw sana tanggapin ni Jaydah iyon ngunit wala siyang choice dahil basa pa rin ang suot niyang business suit. Kinuha niya ang t shirt at saka pumunta sa bathroom at nagpalit. Nang makapagpalit siya ay nakita niyang hinihintay na siya ni Kent sa labas kung kaya’t kaagad na siyang lumabas ng apartment at hinayaan si kent na imaneho ang kotse niya. ANGELES MANSION Pagdating doon ay kaagad nilang pinuntahan si Don Juancho sa opisina nito. “Kent and… Jaydah, what brings you here, my sweet child,” saad ni don Juancho kay Jaydah. “Uncle, we have something to tell you,” saad ni Jaydah. “May problema ho kami, Tatang,” saad naman ni Kent. “Ano ba iyon at mukhang malalim na usapin ito,” saad ni don Juancho na hinayaang umupo ang dalawa sa harapan niya dahil kanina pa ay nakaupo na siya sa swivel chair niya, nag aayos kasi siya ng mga ia assign niya sa drug cartels. “Eh kasi Tatang.. Yung pinapatrabaho mo sa akin, yung mga Vasquez, client pala ni May yung asawa ni Ricky, eh nagkita kami doon ni Jaydah, nagkagulatan kami,” maiksing paliwanag ni Kent. “I’m sorry, Uncle, I didn't mean to get involved, I just want to do business with Mrs. Vasquez,” saad ni Jaydah. “Hmm, okay, we will give way then, sa tingin mo Jaydah, gaano katagal ang deal ninyo ni Mrs. Vasquez?” tanong ni Don Juancho. “Uhm, hindi ko pa masasabi Uncle pero sa tingin ko ay aabot ng isang buwan lang naman dahil nga kinuha ko siyang endorser ng brand ko, tinanong ko pa nga kung may kakilala siyang photographer ang kaso nga lang ay si Kent ang nirecommend niya sa akin,” saad ni Jaydah. Tumaas naman ang kilay ni Don Juancho kay Kent, napakamot si Kent ng ulo at ngumiti. “Uhm, that’s a private joke Tatang,” saad niya na nahihiya. “Oo, naalala ko humingi ka nga sa akin ng DSLR Camera,” saad ni Don Juancho. “Iyon kasi ang ginamit ko Tatang para makalapit ako sa mga Vasquez, pero marunong naman talaga akong kumuha ng litrato,” paliwanag ni Kent. “Iyon naman pala eh, okay, all settled, if you promise Jaydah that it will only lasts one month then go ahead, do business with Mrs. Vasquez and you Kent, tanggapin mo na ang offer nila, pera din yan, I’m sure babayaran ka naman ni Jaydah,” saad ni Don Juancho. “Kahit hindi na Tatang,” “I promise Uncle, just give me one month,” saad ni Jaydah na nagmamakaawa. “Okay, let your mind be at ease Darling and do business with Mrs. Vasquez, kami na ang bahala na mag adjust ni kent,” saad ni Don Juancho. “Kung okay na kay Tatang ay ayos na rin sa akin,” saad naman ni Kent. “Sige na Jaydah, why don’t you accompany your son, kanina ka pa hinihintay ni Coop,” saad pa ng matanda. “Okay, thank you Uncle, I promise hindi ako makikialam, business lang talaga ang sadya ko doon,” paninigurado sa kanila ni Jaydah. “Good,” saad ni Don Juancho, kinuha na ni Jaydah ang bag niya at saka lumabas ng office ni Don Juancho. Naiwan naman doon si Kent kung kaya’t nilingon niya na si Don Juancho. “Tatang, bakit ka pumayag?!” dismayadong saad ni Kent kay Don Juancho. “Relax, relax, relax, hayaan mo na si Jaydah at magparaya ka na lang,” saad ni Don Juancho. “Pero Tatang,” “Just go there, do your work and.. Keep Jaydah safe, that’s an order,” saad ni Don Juancho. “Pero Tatang, isang buwan, ang tagal non, ang palugit mo lang sa akin ay nasa dalawang linggo lang,” “Then adjust it, I will do everything for the sake of my niece, Kent, Jaydah is precious to me,” “Alam ko naman iyon, Tatang dahil pamangkin mo siya pero paano nga kung madamay siya? Baka mamaya mapahamak pa si May, importante din siya sa akin Tatang, alam mo naman iyon diba?” “Actually, I have something to tell you, Kiddo,” saad ni Don Juancho na nagging seryoso ang mukha. “Ano ho iyon, Tatang?” seryosong tanong ni Kent. “Keep Jaydah safe and finish your job first and I will tell you,” saad ni Don Juancho. Dismayado na lang na napailing si Kent.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD