Walang nagawa si Kent at nagtrabaho na lang sa mga Vasquez kasama si Jaydah ngunit isang umaga habang nasa apartment siya na katabi ng mansyon ng mga Vasquez ay bigla siyang nagising ng may humila ng kumot niya at pagtingin niya ay sila Jumbo ito, binusalan ni Jumbo ang bibig niya habang si Elliott naman ay itinali ang mga paa at kamay niya, pilit siyang nagpupumiglas sa mga ito. Hindi niya maintindihan kung bakit siya biglang dinukot ng mga iyon at isinakay sa van.
Pilit siyang nagpupumiglas at galit na galit ngunit tila nakasimangot lang ang mga tauhan niya sa kanya.
“Sorry po, Boss, napag utusan lang ni Boss Siobeh,” saad ni Jumbo at bigla siyang nahilo at nawalan ng malay ng idinikit nito ng madiin ang isang panyo sa kanya.
Nang magmulat ang mga mata niya ay nakabitin na siya patiwarik, nagbu blurred pa ang paningin niya ngunit ng luminaw iyon ay nanlaki ang mga mata niya sa gulat ng makita ang mga naglalakihang buwaya sa ilalim niya.
Napatingin siya sa gilid at nakita niya ang mabagsik at nangangalit na awra ni Siobeh at ang buong Black Hyrax Gang.
“Siobeh! Ano to?! Pakawalan mo ako dito!” singhal ni Kent habang pilit na nagpupumiglas ngunit habang nagpupumiglas siya ay mas lalong bumababa ang lubid.
Ang mga buwaya naman ay nakaabang sa kanya at tila nanlilisik ang mga mata na handa siyang kainin oras na mahulog siya.
“No, dyan ka lang, gusto mong nagtatrabaho mag isa diba? How dare you do this to me Kent?! You traitor! Akala mo hindi ko malalaman ‘yang pinag gagagawa mo?!” saad ni Siobeh na nag crossed arms at umirap.
“Siobeh! Nakikiusap ako, parang awa mo na, gagawin ko lahat ng gusto mo, please! Spare my life! Please! wag mo ako ipakain sa mga buwayang ‘to!” singhal ni Kent.
“Tumanggap ka ng trabaho kay Don Juancho ng hindi ko alam at pagkatapos ay magmamakaawa ka sa akin ngayon?! f**k you Kent! f**k you!” sigaw ni Siobeh na umalingawngaw sa bulwagan.
“I was going to tell you! Na busy lang ako!” paliwanag ni Kent.
“Oh really?! You messed up twice Kent, twice! Dalawang malalaking client ko ang nawala dahil hindi mo sinipot ang meeting! Ugh! I hate you to death!” nanggigigil na saad ni Siobeh.
“Siobeh! Pakawalan mo na ako dito! Malaki makukuha ko kay Don Juancho, bibigyan kita hati tayo!” singhal ni Kent.
“How can I be so sure?! Eh traydor ka! Inuuto mo lang ako! Sige na, ibaba niyo na yang lubid na yan!”
Makapangyarihan ang utos na iyon ni Siobeh kung kaya’t unti unting ibinaba ni Jumbo ang lubid.
“Wag! Sandali!” napatigil silang lahat sa pagsigaw ni Kent.
“Nababaliw ka na ba?! Ikaw kaya nakabitin dito at hinihintay ka ng mga buwaya, makakapagbiro pa ba ako?! Siobeh naman!” singhal ni Kent na naiinis na.
“Takot na takot ka?! Eh kaugali mo ang mga yan! Isa ka ring buwaya! Ganid ka! Porket alam mong malaki ang kikitain mo kay Don Juancho, tinanggap mong mag isa ang trabaho?! Ni hindi mo man lang ako sinabihan?! How dare you?! Wala kang respeto sa Black Hyrax!” galit na galit na saad ni Siobeh.
“Parang awa mo na, Siobeh!”
“Siobeh lang?!”
“Boss! Boss Siobeh! Parang awa mo na, please! Please! Please! Nakikiusao ako! Siobeh!” sigaw ni Kent dahil kaunti na lang ay maaabot na siya ng mga buwaya.
Nakaabang na ang mga bunganga nito na kainin siya. Sumenyas naman si Siobeh na itaas na ang lubid at pakawalan doon si Kent ngunit pinaupo siya ng mga tauhan ni Siobeh sa isang silya at tinali pa rin.
Alam niya na ang kasunod non.
Mga mabibigat at malalakas na sampal ang binigay sa kanya ni Siobeh, at handa siyang saluhin ang lahat ng iyon mapagaan lamang ang loob ng dalaga. Alam niyang kasalanan niyang hindi siya nagsabi rito kung kaya’t tinatanggap niya lang ang bawat sampal, sabunot at sipa na ginagawa nito sa kanya.
“Come on, hit me, hit me until you’re not pissed anymore,” saad ni Kent.
“Ugh! f**k you! You bastard!” gigil na saad ni Siobeh at saka siya binigyan ng malakas na sampal sa may kanang pisngi.
Sa inis ay kitang kita niya na ang mga tumutulong luha sa mga mata ng dalaga, nakayuko lamang si Siobeh at madilim ang mukha. Tumingin si Kent kay Jumbo.
“Jumbo,” saad ni Kent at sinenyasan ito na tanggalin ang mga lubid na nakatali sa kanyang katawan.
Ginawa naman iyon ni Jumbo, habang si Siobeh naman ay tinatakpan na ang mukha niya dahil naiiyak na siya sa sobrang galit.
Nang makalagan siya ni Jumbo ay kaagad niyang niyakap si Siobeh.
“I’m sorry… it won’t happen again, I’m so sorry,” bulong niya sa tainga nito, nakasubsob na ang mukha ni Siobeh sa kanyang dibdib at tila humahagulgol ng iyak.
“You promised me that we were in this together, you promised Arav, remember?!” singhal ni Siobeh na umiiyak pa rin.
“Yes, I know I failed you so many times, that’s why I’m sorry,” saad ni Kent.
“Why do you have to do this to me?” saad ni Siobeh.
“Leave us, please,” utos ni Kent sa lahat ng mga tauhan nila.
Makapangyarihan din ang utos na iyon ni Kent at nagmadaling umalis ang lahat. Sila na lang dalawa ang naroon kung kaya’t iniangat ni Kent ang mukha ni Siobeh at pinahid ng marahan ang mga luha nito.
“Silly, I told you not to cry in front of them, it will only weaken your power,” saad ni Kent at saka hinalikan sa noo ang dalaga ngunit dinikdik siya ng dinikdik ni Siobeh sa dibdib gamit ang kamao nito.
“Aray! Masakit!” reklamo ni Kent kung kaya’t tinigilan na siya ni Siobeh.
“Muntik ka na maging tanghalian ng mga buwaya ko, sa susunod itutuloy ko na talaga kapag hindi ka pa umayos,” saad ni Siobeh na may halong pagbabanta.
“Saan mo ba kasi nakuha ‘yang mga yan? Ngayon ko lang nakita, ano papasukin na rin ba natin ang pag aalaga ng hayop?” tanong ni Kent.
“Hindi, niregalo sa akin ‘yan ng mayamang lawyer,” saad ni Siobeh.
“Sino na naman yan? Manliligaw mo na naman? Aba, ibang klase ah, magreregalo na nga lang, buwaya pa,” saad ni Kent.
“It’s not ordinary crocs Kent, here let me show you,” saad ni Siobeh na iginiya si Kent sa crocodile pit.
“Uy, may kumikinang, ano iyon?” tanong ni Kent kay Siobeh.
“May baliw kasing kliyente yung lawyer na sa takot na makuha ang lahat ng kayamanan niya ay nilagay dyan ang lahat ng mga diamonds, eh patay na yung kliyente niya na iyon kaya binigay niya na lang sa akin dahil ayaw niyang mamroblema pa dyan,” paliwanag ni Siobeh.
“Ah ganon ba, sige, pakuha mo na lang mga diamonds, tapos ipagtatapon mo na yang mga crocs na yan,” saad ni Kent.
“Tss, ewan ko sayo! Mukhang pera kang hayup ka!” singhal ni Siobeh at saka lumakad palayo sa kanya.