INILIGPIT ko ulit ang mga platong hinain ko sa mesa. Nilagay sa sink at hinugasan ang platong nalagyan ng kanin. Pero hindi ko napigilan pa ang panginginig ng aking labi. Kinuha ko ang sponge at pinunas sa pinggan. I kept my face unspoken, pero tuluyang lumandas ang luha sa’king pisngi. Humikbi ako. Tanging ang tunog lamang ng tumutulong tubig sa gripo at kalampag ng pinggan ang kasama kong lumuluha. Para bang ang huling pag-uusap namin ni Dale ang naging dahilan para lumabas ang nararamdaman kong sakit sa dibdib. Napuno na at hindi na kaya pang kimkimin. Bakit gano’n? Pwede namang one at a time ang pagdating sakit ‘di ba? Hindi ko sila problema. Bakit sila magiging problema kung ako naman ang nagsimula no’n? Me, being one sidedly in love with my bestfriend and me, having so intimately